15

408 18 0
                                    

CHAPTER 15 ✨

Kaya pala sya iyak ng iyak, tss.. wag ka nang umiyak, nandito na ako ngayon, kahit wala ang papa mo ako ang magtatanggol sayo, at ayun ngumiti na naman sya.

Gusto mo maglaro tayo?

Teka baka di ako payagan ni mama..

Saktong labas ng mama nya..

Anak sino sya?

Hello po, ako po si Marco, nakita ko po kasi sya umiiyak. Gusto ko lang po ng kalaro.

Nag smile yung mama nya sa akin at nag thank you dahil napatigil ko daw ang pag iyak ni Dale, simula nun palagi akong nabisita sa bahay nila. Nung sumunod na araw nga pinapunta ko pa ang mama at papa ko sa bahay nila Dale  para makilala nila si Dale.

Dahil magkakasundo ang parents namin, napagdesisyunan na magsama kami ng school. Sya ay 7years old kaya grade 1 sya. Ako ay 8years old kaya grade 2. Hindi kami magkaklase pero sinusundo ko sya sa classroom nya kapag recess, lunch o dismissal na. Sabay kaming umuuwi, kakain, minsan maglalaro sa playground, masaya kaming dalawa. Hanggang sa...

Hi Dale, ako nga pala si Tyler, ang ganda mo talaga. Sasabihin ko sa mama ko ikaw na ang magiging asawa ko paglaki ko.

Narinig ko yun at agad akong tumakbo sa tabi ni Dale..

Tigilan mo nga si Dale payatot na Tyler..!

At sino ka naman? Ikaw pala yung palaging nakabuntot kay Dale, sus magsumbong kana lang sa Mama mo.

At ayun, sinuntok ko sya, umiyak sya. Nagsumbong sa teacher na sinumbong sa principal na sinumbong sa mommy ko. Napagalitan ako. Pero yung Daddy ko sabi nya okay daw yung ginawa ko. Kasi ako daw ang dapat maging fiance nitong si Dale. Simula nun, tinuruan ako ni Daddy na manligaw kay Dale.. Wala namang angal ang mama nya sa akin.

Hanggang sa nag High school ako at  grade 6 naman sya. Magkaiba na kami ng school. Hindi ko na sya kasama magrecess at lunch pero sa dismissal sabay kami kase sinusundo ko sya. Hanggang sa malaman ko na marami ng nangungulit at nanghihingi ng number nya. Inis na inis ako nun. Hindi ako mapakali, palagi kong gusto umuwi na at makita si Dale. Nung nag 13years old sya, andami ng manliligaw nya ang nakapila sa kanya nun, kase sabi nya magboboyfriend daw sya pag 13 na. Siguro defense mechanism para magsawa ang mga lalaki pero hindi sila napagod at naintay nila ang 13th birthday niya.

May balak na talaga akong sugudin ang mga lalaking yun. Mga 5 din atang lalaki yun. Yung iba kase nagsawa na, yung lima matiyaga. Manununtok na dapat ako kaso hinigit naman ako ni Dale at sinabing..

Ikaw Marco. Ikaw ang gusto kong maging boyfriend.

Hindi ko alam pero pumasok sa utak ko lahat ng ginagawa ko. Hindi naman kasi ako mahilig sa away at manuntok. Pero dahil kay Dale nagawa ko yun kahit na bata pa ako. Pero nung sinabi nya na ako ang gusto nyang maging boyfriend umalis na yung mga lalake. Tinanong ko kung totoo ba yun o kung ginawa lang nya yun para mapaalis yung mga lalake..

Ano ka ba, kung joke lang yun e di pag nalaman nila babalik yung mga yun..

So Girlfriend na kita?

Oo nga!

Tapos niyakap ko sya at binuhat at iniikot ikot.. dahil birthday nya yun at sinagot nya ako. Nagcelebrate kami sa park. Binili ko sya ng cotton candy, at napangiti na naman sya. Tapos pagkauwi namin sinabi ko na girlfriend ko na sya. Mukhang nashock ang mama nya at mama ko pero ang papa ko inapiran pa ako at sinabing lalaki ka talaga anak!

Hindi ko nga alam kung maasar ako dun oh ano, kasi lalaki talaga ako. And as you can see, until kami padin ni MARY DALE.. 😘

*END OF FLASHBACK*

Ayos ang ganda din pala ng story ng dalawang ito. Kaya pala wala ng hiyaan at ilangan kase antagal na nila magkasama. Okie, pake ko naman? Habang nagkukwento si Marco nun nakasandal lang sa likod nya si Maymay at naglalaro sa cp. Nagrereklamonga si Marco na ang bigat daw ni Maymay pero ganun padin si Maymay. Maya maya naman, ang pwesto ni Maymay ay yung ulo nya nakahiga nasa lap ni Marco. Dumali naman si Kisses ng..

Ayy super kilig talaga kayong dalawa.

Ano namang kilig dun? Tss..

[ KISSES P.O.V ]

Waah! Answeet talaga nila. Yung si Dale nakahiga na sa Lap ni Marco, ang cute nilang tingnan, perfect couple. For sure sila na hanggang sa huli. And im gonna be the brides maid. And si Edward ang best man..

Kisses what are you doing? Maybe you should go with Luis, kukuha sya ng dessert eh. Maglalaro tayo ng indoor games. Except truth or dare.. ang sabi sa akin ni Dale.

Bakit ba kasi ayaw na ayaw ni Dale ang truth or dare, ever since nakilala ko yan hindi sya sumasali sa ganun. Ewan ko din dyan. So ayun nga, kumuha lang naman kami ni Luis ng drinks, chocolates, candies, biscuits and desserts.. kanina pa nga parang ilang na ilang itong si Luis sa akin. Ano bang problema ng lalaking ito? Bahala nga sya.

Pagbalik namin si Dale nakikipagwrestling na naman kay Edward. Bakit ganun? Ito namang si Marco tawa lang ng tawa. Nakikisama pa kay Edward. Ano bang pinag aagawan nila? Phone ni Marco? Baka yung.. natutulog na pic ni Dale. Bakit ba kase masyadong kampante tong si Marco? Hindi marunong magselos at magtampo. Tao ba yun? Dahil dumating si Marco new plan dapat hmm...

ENDLESS LOVE ( MAYWARD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon