63

334 14 0
                                    

CHAPTER 63 ✨

FEEL NA FEEL MO NAMAN! Kinikilig ka din naman! Umalis ka na nga sa paningin ko!

F-I-N-E!

Tapos umalis na si Maymay. Bumaba ako at nakasalubong ko si Dad.

Oh anong problema mo? Kung makatingin ka naman diyan..

Sungit ng anak ko! Edward itatanong ko lang ano bang ginawa mo kay Dale?

Dad Maymay! Its Maymay!

Anak Mary dale ang pangalan niya diba? So okay na yung Dale!

Fine call her Dale, basta ako Maymay ang itatawag ko sa kanya!

Oo nga pala okay kana ba Edward? Masama pa ba ang pakiramdam mo?

Hindi na. May pagkain ba?

Tapos ayun inihanda nya yung pagkain sa table. Ewan ko pero lumalapit na ulit ang loob ko sa Dad ko! Nakakatuwa kasi simula ng nag join forces ang business ni Mommy (TitaLorna) at Dad hindi na sila masyadong stressed! Marami na silang oras para sa amin ni Maymay.

Pagkatapos ko kumain, umakyat ako naligo at nagbihis. Simple lang tshirt at pants. Di naman ako maporma. Sa mukha lang! Yown! Yumabang kana naman Edward! 😃 nung bumaba ako kinuha ko lang ang bag ko na hindi ko naman nabubuklat, props ko lang yun!

Anak si Dale nasa labas na! Bilisan mo! Wag mong pag intayin ang fiance mo!

Yaan mo siya.

Magaling kana nga talaga!

Ano ba yun? Magaling na agad pag ganun? Weird ng mga tao. Ewan ko pero feeling ko mababadtrip talaga aki ngayong araw na ito.

Oh bakit magkasalubong na naman yang kilay mo Edward?

Eh ano ngayon?

Grabe ang sungit mo talagang lalaki ka! Hmp!

Hay nasungitan ko pa si Maymay! Ano bang problema sa akin? Siguro mali ang gising ko! Ewan ko! Nababadtrip ako! Ayoko na nga magsalita, baka naman may magalit pa sa akin. Habang nasa sasakyan kanina at ngayon papalakad ng room tahimik lang kami ni Maymay. Wala talaga ako sa mood umimik. Siguro epekto ng gamot.

Dale good morning! ^_________^

Enrique? Ang laki ng ngiti ng kumag na ito ah? Pero okay lang habang natagal nagkakasundo naman kami. But were not friends. Ayun humiwalay nako sa kanila. Umupo ako sa upuan ko at natulog! Ewan ko ba. Antok padin ako ngayon.

Hoy umagang umaga para kang namatayan diyan!

Ang ingay! Pag tingin ko si Kisses pala.

Bakit ang aga nakaubob ka diyan? Balita ko nagkasakit ka daw ah. May sakit ka pa din?

Tapos hinawakan ni Kisses yung noo ko.

Wala okay nako. Masama lang talaga ang gising ko. Badtrip ako sa di malamang dahilan.

Badtrip pero hindi malamang dahilan? Sige ayos yun!

Ang aga aga ginugulo mo ako. Lumayo ka nga sa akin Kisses!

Ouch tinataboy mo na naman ako. Lagi nalang.

Tapos nag aacting sya na nasasaktan. Loka loka rin ang babaing ito. Natatawa tuloy ako sa kanya. AYun nag usap lang kami. Unang beses ata namin mag usap ng matinong bagay. Tawa lang kami ng tawa hanggang sa..

*BLAAAAGG*

Tumingin sa akin si Maymay at nag roll eyes, anong ginawa ko sa kanya? Bakit nya ako sinusungitan? Maya maya umalis na sya.

Ano kaya problema nun?

Ewan ko Kisses.

Try mo kayang sundan, baka magpapakamatay pala yun!

Baliw!

I know, sige na go!

Tapos sinundan ko naman si Maymay sa may labas ng room. Syempre. Baka nga naman may kasalanan ako sa kanya. Edi mag sosorry ako. Kasi naman nasungitan ko din sya kanina. Ewan ko badtrip ako eh.. pero okay na naman..

Maymay!

Bakit? Bakit sila magkasama? Bakit sya tumatawa? Bakit?

[ MARYDALE's P.O.V. ]

Ano bang problema ni Edward? Bakit ba ang sungit nya?

May narinig akong tumatawag sa akin! Lingon lingon si Enrique pala! Nilapitan niya ako. Si Edward naman nagtuloy tuloy lang ng lakad papunta sa room at sa upuan nya. Bakit hindi man lang nya ako pinansin na katabi ko si Enrique?

Oh bakit ganyan ka? Sungit natin ah?

Sorry badvibes lang.

Bakit?

Naaasar lang ako sa aso ko! Ang sungit kasi!

Talaga may aso na ngayon na masungit?

Oo meron Enrique.

Wala na talagang kwenta ang sinasabi ko at sinasagot ko kay Enrique! Ewan ko! Nahahawa ako ng mood swings ni Edward! I hate that guy! Nasan na ba yung masungit na yun?

O__________O

Tingnan mo! Katawanan lang nya si Kisses. Kelan pa sila naging close? Atsaka tingnan mo yung lalaking yun tawa pa sya ng tawa.

Pagkatapos niyang sirain ang mood ko!

Pagkatapos niyang sabihin na gusto niya akong mahalin?

Pagkatapos niya akong halikan? Eeeppp.. ano bang sinasabi ko? Smack lang kaya yun! Siguro nagdedeliryo lang sya kagabi kasi sobrang taas ng laganat nya.

*BLAAAGGG*

Ibinagsak ko lang yung bag ko! Galit ako! Kinausap naman ako ni Kisses pero wala talaga ako sa mood. AYan nasungitan ko pa sya.

Kelangan ko ng hangin! Space! Mag inhale exhale! Magrelax at ialis sa isip ko ang salitang Edward!

NAKAKAASAR!!!!!!!

May napulot akong papel na nakabilog. Siguro scratch! Tapos binato ko sa likod ko! Pampaalis lang ng stress!

Ouch Miss magdahan dahan ka naman sa pagbato. Tinamaan yung ulo ko.

Huh? Shet! Ayoko gumalaw! Lamunin na po sana ako ng lupa! PLease...

Hoy Miss papel mo..

Tapos hinawakan nya yung balikat ko at iniharap ako sa kanya. Mukhang nagulat din sya.

Dale????

Ay hindi, hindi ako si Dale. Sa totoo lang ako talaga si Cinderella. .

ENDLESS LOVE ( MAYWARD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon