160

256 17 3
                                    

CHAPTER 160 ✨

Pikon ka talaga! Oh subo!

Tapos sumubo siya ng chips. Ang cute lang.

Pakain lang ako ng pakain ng chips habang drive siya ng drive ng sasakyan.

Yah Edward yah.

Oh? Ingay mo.

Kapag ako namatay---...

Susunod ako.

Anak ng tokwa! Hindi pa nga tapos ang sinasabi ko eh! Nakakainis ito! Kinikilig tuloy ako!

Hindi yun. Haist wag na nga.

Pag ikaw namatay. Sisiguraduhin kong una ako.

Aba at iiwan mo akong luhaan dito sa lupa?

Tiyanak ka talaga! Hindi naman yun!

Eh ano pala?

Siyempre Maymay dapat mauna ako sayo sa langit kasi baka maunahan pa ako ng iba. Baka maunahan ako ni Marco, ni Enrique, pati ni Tanner.

So papatayin mo narin sila ganun? >___<

Sa lahat ng engot ikaw talaga ang...

Ano?

Pinakamahal ko! Ikaw naman..!

Ah buti naman!

Pero balik sa sinasabi ko. Ako dapat mauna sa langit kasi sayo maraming nakapila. Eh ako alam ko naman kahit sa kabilang buhay ikaw parin ang pipiliin ko!

Waaaahhhh!!! Ang cheeessssyyy!!!

Oo na. Sige na. Lagi mo akong pinagbibintangan ng madaming lalaki. Eh mas madami kang babae!

Sino??

Si Kisses, Heaven at si.. si..

Ano? Sino??

Yung lahat ng kaklase nating girls! Lahat sila may gusto sayo!

Wala na tayong magagawa diyan Maymay.. well gwapo ehh..

*pak*

Kainis! Yabang!

Sweet mo nuh! Naku pasalamat ka mahal kita kung hindi!!

Kung hindi ano?

Baka naligawan na kita!

Kahit walang connect yun, kinilig parin ako! Kainis!

Andito na tayo.

Napa wow ako! Shet ano to? Bakit andito kami?

Inupahan mo itong yacht?

Oo. Teka diyan ka lang ah? May kakausapin lang ako sa loob.

Nandito lang ako sa may labas.

Woah! Ang ganda! Sana akin nalang ito hahaha

Ang sarap ng hangin sa dagat. Malamig nga lang pero ayos lang..

Hanggang sa may marinig ako..

Mama!!!! Huhuhuhu.. Mama!!!!!

May isang batang lalaki.

Iyak ng iyak.

Paikot ikot.

Sigaw ng sigaw ng Mama!!

Mama bumalik ka na!!!!!

Ang sakit lang!

🔄 FLASHBACK 🔄

Leukemia??

Oo Dale. Maawa ka sa akin please. Kailangan ko ang anak ko.

Bakit po kailangan ko pang lumayo? Bakit kailangan ko pa siyang iwan? Hindi ko naman po siya ipagdadamot sa inyo?

Dahil malaki ang utang na loob ko sa pamilya ni Heaven. Dahil sa kanila naging maganda ang buhay ko. Sila rin ang tumulong sa akin sa pagpapagamot ko. Pero malala na. May taning na ang buhay ko. Mamamatay na ako Dale. Kailangan kong makasama ang anak ko. Hihiramin ko lang naman siya eh. Pag namatay ako sayo na ulit siya.

Tita wag ka namang magsalita ng ganyan.

Dale please. Isa pa matutulungan ko ang Mama mo at si Kevin sa problema nila sa kumpanya. Ako ang tutulong sa kanila. Please give me back my son.

🔄 END OF FLASHBACK 🔄

Yung batang umiiyak.

Yung batang yun.

Yun ang sign ni Papa.

Ramdam ko yun.

Maymay!

Nakita ko si Edward kumakaway sa akin. Nag flying kiss pa! Bumaba siya para sunduin ako. Umakyat kami sa yachts. May set up sa taas ang romantic..

Maymay maganda ba?

Huh? Oo.

May problema ba?

Wala. Pagod lang.

Ganun.

Tapos nag signal siya sa mga player ng piano na tumugtog. Ang ganda. Ang galing.

Tapos pinaupo niya na ako. Binigyan niya ako ng isang bouquet ng roses.

Ang ganda. Napangiti ako. Nakita ko ngumiti din siya.

Nagserve na ng pagkain yung waiter. Nagsimula na kami kumain. Sinimulan ko narin sabihin ang dapat kong sabihin.

Edward, di ba mas okay kung sasama ka na sa Mama mo?

Natigilan siya. Muntik na niyang matapon yung wine.

Tumingin siya sa akin. Halatang gulat.

Ano bang sinasabi mo diyan Maymay? Gutom lang yan. Oh kain na. Madami talaga yan. Alam kong matakaw ka.

Sumama ka nalang sa kaniya sa New York. Mas okay yun!

Noong narinig niya yun, napahinto siya. Tapos pasalin salin lang siya ng wine tapos inaayos yung kandila, halata namang wala siya sa focus.

Hindi ko na mapigilan.. pumatak na yung luha ko.

Edward, mahal mo ang Mama mo diba? Sumama kana sa kanya. Kailangan ka niya. Isa pa makakatulong to sa business nina Mommy at Dad (Tito Kevin). Eh di lahat ng problema maayos na. Lahat magiging masaya.

Pumatak ang luha ko nun.

Edward makinig ka naman sa akin. Seryoso ako. Sumama kana sa kanya.

Ano ba Maymay. Tigilan mo nga ako! Kumain ka nalang. Masarap yan.

Edward kasi.. seryoso ako.

Pero hindi niya ako tinitingnan..

Edward!!! Sumama ka na sa Mama mo please!!!!

Tapos nakita ko natigilan na naman siya. Nagkaroon ng pain sa mukha niya. Ang sakit. Bakit ko ba ito ginagawa?

Ano ba!! Ano bang problema Maymay???

Sumigaw siya.

Bakit ba?

Tapos naging soft yung boses niya. Yung tipong naiiyak na.

Bakit ganito? Ayaw mo na ba sa akin? Maymay? Am i not enough? Sobrang nakakasakal na ba ako? Maymay ano?? Ano bang problema? Sabihin mo. Gagawan ko naman ng paraan eh?

Pinunasan ko ang luha ko. Kailangan kong maging matibay. Kailangan kong ipakita na hindi ako affected.

Edward please.. sumama ka nalang sa Mama mo. Yun nalang ang gawin mo.

Bakit mo ba ako tinataboy kay Mama? Kapag sumama ako sa kaniya, ipapakasal niya ako kay Heaven. Ayoko! Ilalayo niya ako sayo!!

ENDLESS LOVE ( MAYWARD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon