166

333 15 5
                                    

CHAPTER 166 ✨

Magsaya siyang nandito ako, mapapako ng panghabang buhay sa babaeng hindi ko naman mahal! Andito ako, ikakasal sa babaeng matagal ko ng inaakalang siya. Pakisabi sa kaniya na sana masaya siya! Habang andito ako halos mamatay na sa sakit!

Napalakas ng konti ang boses niya, buti nalang malakas yung tunog ng piano. Unti unting nauubos ang mga abay at mukhang malapit ng pumasok ang bride.

Pakisabi kay Mayamay, bakit niya ako iniwan Marco? Siya dapat ang babaeng hinihintay ko ngayon! Dapat nakangiti ako ngayon, hindi ganito. Dapat ngayon ang pinakamasayang araw ng buhay ko. Pakisabi sa kaniya "Thank you."

Nakikita ko siya. Nagpipigil sumigaw. Pero marami na ang nakakapansin sa kaniya. Tinatakluban ko nalang siya.

If you want to take her then talk to her. Puntahan mo siya.

Isa ka pa pala eh. Paano ko pupuntahan siya mismo ang pumutol ng koneks---...

Edward nasa airport siya! Paalis siya ngayon. Papuntang Korea. Magmomodel siya. Edward pigilan mo naman siya oh..

Nanlaki ang mga mata ni Edward. AT nanigas siya sa kinatatayuan niya.

Nakita kong unti unting pumapasok si Heaven. Maganda. Masaya. Umaasa.

Bakit kailangang maging ganito?

Nakatingin lang ako sa mga tao, kay Edward, kay Heaven. AT habang nasa kalagitnaan ng paglalakad si Heaven sa gitna ng simbahan, biglang sumigaw si Edward ng..

Heaven! Hindi kita kayang pakasalan! I'm sorry.

Lahat ng tao napatigil. Maging ang musikang pinapatugtog sa piano natigil. Lahat nakatingim kay Edward..

Tapos biglang tumakbo si Edward papalabas ng simbahan. Nilagpasan niya si Heaven pero nahawakan ni Heaven ang kamay ni Edward.

Edward, don't do this to me please..

Sabay patak ng luha. Sinabi niya ito habang hawak hawak niya ang kamay ni Edward na dapat sanay paalis na ng simbahan upang sundan si Dale.

Tumingin si Edward kay Heaven. Tapos niyakap niya.

Ayoko talagang saktan ka. Pero kapag tinuloy natin ito, parehas lang tayong masasaktan. I'm sorry Heaven.

At umalis na siya sa simbahan.

Naiwan ang lahat.. Gulat. Bigla. Naguguluhan.

At kami ni Heaven parehas kaming nasasaktan.

[ MARYDALE's P.O.V. ]

Nasira ang cellphone ko, pero hindi siya patay. Pinapatry kong patawagan kay Tanner eh. Pero wala. Ayaw mag ring. Pinapatext ko sa kaniya pero hindi ko mareceive. In-on and off ko na, pero wala parin.

Naalala ko tumawag si Marco

Ikakasal daw si Edward kay Heaven. Bakit? Bakit siya ikakasal? Wala sa usapan namin ni Tita Cathy na itutuloy ang pagpapakasal niya kay Heaven.

Siguro ngayon. Nagpapalitan na sila ng I do.

That should be me. 😭

That should be me. 😭

Kung bakit naman kasi..

Hayyy...

Napaupo nalang ako sa may airport. Nakatingin sa phone ko, napadpad sa mga saved messages..

From: Edward ko 😘

Maymay kooo.. nasabi ko na bang love kita? Hindi pa? Love kita.

From: Edward ko 😘

Wait, nakalimutan ko ata sabihin na Love kita.

From: Edward ko 😘

Wag ka sanang mag sawa sa kasasabi ko ng mahal kita ha?

Oo naman. Edward pwede isa pa? Pwede isa pa ulit? Sabihin mo lang. Please..

Nagulat ako biglang tumunog ang cellphone ko. At mas nagulat ako noong nakita ko kung sino..

Paano niya ako natawagan?

Paano gumana ang phone ko?

Paano siya nakakatawag sa simbahan?

Pero lahat ng tanong ko isinantabi ko muna. Isa lang ang gusto kong marinig sa kaniya..

Isa lang..

Maymay!!

Edward!!

Nagsisigawan kami sa phone. Siguro alam na niya na ngayon ang alis ko papuntang Korea.

Maymay where are you? Why aren't you answering my call?

Sorry kasi yung phone ko nabag---...

Where are you?

Where are you???

Maymay where are you!!

I'm here at the airport. Ikakasal ka daw ngayon? Edward No please..

Ngayon kana daw aalis papuntang Korea? Maymay No.

Ewan ko kunh bakit, pero naiiyak ako. Naglalakad ako palabas ng airport. Iniwan ko muna ang mga gamit ko. Ang tanging iniisip ko ay si Edward. Hindi sila pwedeng makasal ni Heaven. Hindi pwede. Hihintayin ko siya.

Nangako si Tita Cathy, ibabalik niya sa akin si Edward.

Maymay? Andyan ka pa ba? Wag kang aalis diyan! Pupuntahan kita diyan!

Sira ka ba. Kasal mo ngayon!

Ngayon ang flight mo papuntang Korea! Wag kang aalis diyan pupuntahan kita diyan!

What? Pero ikakasal ka? You're gonna leave Heaven?

Yes.

No!

Mas pipiliin kita! Kaya diyan ka lang. Wag kang aalis sa pwesto mo! Please wait for me.

Tumigil nga ako. Umiiyak lang ako habang kausap siya sa phone. Halo halong emosyon. Nasasaktan, nalulungkot at masaya. Masaya na maya maya makakasama ko na si Edward.

Maymay I'm almost there!

Where are you Edward?

Nasa kotse. Nasa kotse na ako.

Tumakas ka? Umalis ka sa kasal? Pero paano si Tita? Bumalik ka!

What?

Pinapabalik ko siya, dahil sa kasunduan namin ni Tita Cathy. Pero sa totoo lang ayoko siyanh bumalik. Tita broke the deal nadin, because she told me na hindi niya ipapakasal si Edward. The Deal is Off.

No hurry. Come back to me.

Walang sumasagot sa kabilang linya.

Maya maya may biglang tumawa.

Hahaha I'm coming back. Wait for me. Hintayin mo lang ako diyan. Diyan ka lang sa pwesto mo..

ENDLESS LOVE ( MAYWARD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon