5

524 27 10
                                    

CHAPTER 5 ✨

Langya! Ayaw akong bitawan ni Kisses! Papalabas na kami papunta sa garden. Aba wala ng tao dito.. bak rape-in ako nito.. inalis ko ng todo yung kamay ko, sobrang lakas ng pagkakaalis ko, tapos binitawan nya.. napahiga tuloy ako.. ano ba kasing problema nito? Maya maya sumisigaw na lang sya! Ano bang drama ng babaeng ito?

Dale!! Dale!! Tulungan mo ako dito!!

Oh bakit? Anong meron? Waaaahhh.. anong nangyari sa kutong lupang yan?

Tapos lumapit sya kinuha nya yung kamay ko tapos itinayo nya ako. Ano ba yun? Di man lang ako nagpumiglas nung si Maymay na yung humahawak saken. Masyado na akong nagiging komportable sa kanya. Iba kasi sya. Di nya binibigyan ng malisya ang mga ginagawa ko..

Hoy sungit! Tayo dyan, bilisan mo!! Pasigaw nyang sabi sa akin.

Ano ba yan? Ang demanding mo naman bakit ba?

Andami mo pang tanong, dalian mo na!

Nahilo nako pagkatayo ko, tapos sinalo ako agad ni Maymay..

Oyy sungit okay ka lang? Halika na nga dito! Hay naku..

Tapos umakyat kami sa kwarto nya, waaahh.. ang lamig talaga dito, todo kase ang aircon nya.. nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan.. wala na bang patayan ang aircon dito?. Tapos kinuha nya yung first aid kit nya. May sugat ba ako?? Hinawakan ko yung likod bg ulo ko meron nganga sugat.

Aray naman!!

Weeh?? Magtiis ka!! Kasalanan ko bang may sugat ka?

Yun kasing Kisses na yun hila ng hila pwede naman sabihin kung san pupunta!

Ano naman masama sa paghila?

Ayoko ng may nahawak sa akin!

Sus ang arte mo talaga Edward! Bakit may germs ba si Kisses? Ayy.. naku baka sabihin mo na naman na ang pakialamera ko. Lilinisin ko nalang itong sugat mo okay?

Hmm.. sorry nga pala last time. Eh kasi naman nabigla ako! Ayoko nga ng may hawak ng hawak sa akin, nangingialam at nangungulit..

Okay apology, accepted! At hindi na kita papansinin para hindi ko na maviolate yang mga ayaw mo.

Bilis naman nito ni Maymay magpatawad.. hmm.. di papansinin? Okay.. yun naman ang gusto ko! Mag isa.. kaso boring naman kung hindi ako papansinin ng babaeng ito.

Ahh.. ehh.. okay lang naman na pansinin mo ako.. ang ibig kong sabihin, boring naman ang buhay ko kung hindi mo ako dadaldalin..

Tapos tumingin sya sa akin tapos diniinan nya yung paglilinis ng sugat ko.

Aray, dahan dahan naman!
Sige isa pa makakatikim ka sa akin!

🙋 narrator 🙋

Lumipas ang dalawang linggo.. nagbobonding padin ang magbabarkada, nagkaroon nadin ng love teams, at si Marydale at Edward?? Mas matindi ang away! Pero nagiging mas close..

Ano diyan lang sa tapat ang bahay mo? Langya ka Edward bakit hindi mo inooffer kina Kisses?

Ayoko ngang magulo ang bahay namin..

Kahit kailan talaga Edward baliw ka!

Dumating nadin ang araw para sa general practice, titingnan kung sino na ang gaganap na Romeo kina Yong at Edward..

Natapos narin magperform sina Kristine at Yong, at ngayon si Dale at Edward naman.. magaling ang dalawa, napaiyak pa sina Fenech at Vivoree.. kaya pinagpartner na sina Edward at Kristine.. kaso..

Ano ba naman yan Edward? Feelings naman! Yung parang kanina sa pinakita nyo ni Dale!! Lapitan mo si Kristine, hawakan mo, lovers kayo sa story natoh! Ang sabi ni Kisses.

Kasalanan ko bang di ako komportable sa kanya? Kung gusto mo ikaw nalang mag Romeo! Dami daming reklamo! Kainis!

( tapos nagwalk out si Edward )

Hay nakooo!!! Yong ikaw nalang talaga ang mag Romeo!! Lechee talaga yun! Ang sabi ni Kisses!

[ EDWARD's P.O.V. ]

Andami daming arte ng Kisses na yun! Kaasar! Kung ayaw nya ng acting ko eh di wag! Sya nalang mag acting mag isa nya. Ito ako nag walk out na naman! Papunta ako sa kwarto ni Maymay, magpapalamig!! Pagpasok ko sinara ko yung pinto ng malakas..

Whoah?? May balak sirain ang pinto ko ha??

Nambubwiset na naman kase yung bestfriend mong si Kisses, sinigawan na naman ako!!

Sus, sinisigawan din naman kita ah? Whats the difference??

Isa ka pa, hay naku!!

Ito naman, ang init ng ulo mo! Ito oh saluhin mo..

Oh para san naman tong chocolate na ito?

Nung bata ako yung papa ko, binibigyan nya lagi ako ng ganyan pag umiiyak ako o mainit ang ulo ko.. basta wala sa mood.. kainin mo yan, masarap yan!

Itong chocolate na ito, ganito yung chocolate na binibigay sakun ng mama ko nung bata pa ako.. bakit ba sobrang dami nyang kaparehas sa mom ko??

Alamo ba ganito din yung binibigay ng mommy ko sa akin.. at alamo ba kung bakit tinatanong ko yung pabango mo, kase kaamoy mo yung mommy ko, alamo ba kung bakit sinigawan kita nung inalis mo yung sapatos ko? Kase ginagawa din yun ng mommy ko. Sobrang dami mong similarities sa mommy ko at ayaw ko nun!

Bakit ba ayaw mo?? Sa mama mo huh??

Kasi nung bata pa ako, laging nag aaway ang mommy at daddy ko, laging umiiyak si mommy. Wala daw oras sa kanya ang daddy, puro trabaho. Tapos ayun nilayasan na kami ni Mommy.. si Daddy naman trabaho padin! Naiinis ako sa daddy ko, bakit ganun? Sobrang mahal ko ang mommy ko, pero iniwan nya lang ako. Sarili lang nya ang iniisip nya! Hinayaan nya ako mag isa. Kaya pasensya na sa mga ginawa ko sayo dati ah?

ENDLESS LOVE ( MAYWARD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon