139

206 12 0
                                    

CHAPTER 139 ✨

Oo nga pala. Celebrity nga pala itong mokong na ito. Kung kumilos kase parang bata. Pero aminin mo Dale ang hot ni Tanner sa suot niya, ang cool.

Hinihintay nalang namin ang ibang estudyante pati yung bus. Oo magbus kami papuntang E.K. Sina Kisses naglalaro lang sa gilid. Si Edward at Heaven may sariling mundo doon sa tabi. Si Tanner? Ayun nakain! Ang lalaking to talaga wala ng ginawa kundi kumain!

Hoy Tanner!

Nagulat ata siya, sa sobrang gulat niya natapon yung pagkain. Tinitigan niya yung natapon niyang pagkain. As in nakatitig lang siya dun sa pagkain. Tapos bigla siyang tumingin sa akin. Tapos hinila niya yung damit ko.

Bakit mo ako ginulat! Ayan natapon! Aaaahhh! Dale!!! Wala na yung pagkain ko!!!!

Tapos inalog alog lang niya ako. Lahat ata nakatingin lang sa amin. Ano ba yan! Isip bata talaga itong partner ko!

Tanner Stop!

Tapos inalis niya yung kamay niya sa damit ko. Grabe masisira na oh?

Yung pagkain ko kasi.. 😢

Tapos tinuro niya yung pagkain. Ay naku. Kawawa naman.

Oh. May baon ako dito. Wala kabang baon ha?

Ubos na! ^__^

Ang takaw mo!

Tapos ginulo ko lang yung buhok niya. Ang tangkad ha! Nakakaloko ang lalaking ito. Pero nakakatuwa rin naman. Ang sarap niya panoorin kumain. Parang ang sarap sarap nung baon ko eh! Makahingi nga.

Oy penge.

Ayoko.

Lintik! Ang damot! Mabulunan ka sana!

*cough cough*

*tingin kay tanner*

Ubo parin ng ubo. Hanggang sa mapansin ko namumula na siya.

Waaaahh!! Nabubulunan talaga siya. Dali dali akong kumuha ng Mogu Mogu sa bag ko. Tapos binuksan ko tapos uminom siya. Habang umiinom siya hinahagod ko yung likod niya.

Ayos ka lang ba?

Kita ko sobrang pula niya, tapos hinahabol niya yung hininga niya. Bigla rin siyang pinagpawisan.

Pinunasan ko narin yung mukha niya tapos patuloy parin akong naghagod sa likod niya. Hindi parin siya tumitigil sa pag ubo.

Okay kana ba Tanner?

Ang sakit..

Tapos tinuro niya yung chest niya. Grabe nagpout pa siya. Para siyang bata.

*PINCH*

Nagulat ako sa ginawa ko. Bigla ko nalang siya kinurot sa mukha.

Eh ang cute naman kasi..

Naubos niya yung 3 bote ng Mogu Mogu ko. Grabe siya. Tapos 1 bote ng tubig, tapos mukhang okay na siya. Hinding hindi ko na talaga siya papakainin ng  sandwich.

Okay ka na ba?

Bakit mo ako kinurot?

Huh? Waaaahhhhh!!!!!

Bigla niya akong kinurot sa cheeks. Ang sakit! Kurutin daw ba ako?! Habang kinukurot niya yung mukha ko, kinukurot ko din siya. Para kaming engot doon. Hanggang sa lumapit nalang si Kisses sa amin at sinabing awat na raw. Ginagawa na raw kaming T.V ng mga classmates namin.

Weh??

Sabay pa namin sinabi at sabay pa namin tinuro ang isat isa. Nagkatinginan kami at sabay kami tumawa.. tapos biglang..

*BLAG*

Ano ba Heaven?

Sorry.

Kainis. Ayaw kasi mag ingat.

What? I just.. nevermind! Mag aaway lang tayo! Sorry na kasi.

Ewan. Nakakabanas dito. Aalis muna ako.

Nagpapatama ba siya? Kami ba ang nakakabanas? Kainis siya!

Dale let's play.

Huh?

Tapos hinigit nalang ako ni Tanner at dinala sa may damuhan. Tapos naglaro kami noong laro niya.

Hindi ko alam kung anong tawag sa laro niya pero yung huhulaan mo kung ilang dahon yung pumatak! Nakakaloko! Tawa lang ako ng tawa. Ang gaan sa pakiramdam pag kasama si Tanner.

Maya maya dumating na yung bus. Tapos kumpleto na rin yung students so aalis na kami. Tapos maisip isip ko.. sino nga palang katabi ko sa Bus?

Dale!

Oh?

Tabi tayo ah?

Huh?

Please.. *pout* wala akong katabi. Wala naman akong kakilala diyan. Isa pa gusto ko ikaw ang kasama ko. Iuunan kita.

Unan ka diyan! Mataba ba ako ha?!

Sige na please.. sige ikaw nalang ang umunan sa akin..

Tiningnan ko ang shoulders niya. Wow! Masarap nga itong gawing unan!

Sige.

Tapos magkatabi na nga kami sa kasamaang palad. Ang bagal kumilos ni Tanner at naubusan na kami ng upuan! Napunta kami sa dulo ng bus! Doon sa lima ang upuan. Ahhh!! Ang alog alog dun eh? Lalaking ito talaga!

Tapos nung inaayos ko na ang gamit namin, nakita ko nalang na hindi pa pala nakakasakay sina Heaven at Edward.. napatingin ako sa bus at.. wala ng upuan.. so..

We have no choice. There's no more seat. We have to seat there in the back.

Waaahhh!! Bakit naman dito pa? Bakit? Bakit?

Napansin ako ni Edward at nanlaki ang mata niya. Tapos balik sa pagiging snobbish! Lecheng to! Bipolar! So ang seating arrangement namin is..

Window ➡ Dale ➡ Tanner ➡ BAG ➡ Edward ➡ Heaven ➡ Window

Oo may bag sa gitna. Paano sabi nung driver wag daw sa taas ilagay kasi may sira daw yung taas. Bakit ganito? >___<

Umandar na ang bus. Hindi ko alam ang gagawin ko. Biglang nilagay ni Tanner yung isang earphone sa tenga ko..

Makinig ka nalang ng music. ^___^

Wohooo! Tanner to the rescue talaga! Tapos pinapakinggan ko. Wow ang ganda ng kanta. Ang ganda ng boses.

Sinong kumanta nito?

Si Pj.

Oh? Ganda ng boses.

Lead vocalist namin siya eh.

So kanta niyo ito?

Yes.

Wow ang galing! Grabe may album na kayo?

Wala pa. Ikaw palang nakakarinig ng mga kantang ilalagay namin sa irerelease naming album.. ^__^

ENDLESS LOVE ( MAYWARD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon