33

371 18 1
                                    

CHAPTER 33 ✨

[ KISSES P.O.V.  ]

Alam ko lahat kayo ang tingin sa akin bitch! Pwede din. Pero masisi nyo ba ako? Nagmahal lang ako. Matagal ko ng gusto si Edward. Mahal na mahal ko sya. Kita nyu naman yung effort diba? Simula sa pagpapapansin pati yung magkasama kami sa kwarto lahat na. Lahat yan pinaghirapan ko para mapalapit  s kanya. Para mapansin nya naman ako. Hindi ako napagod, hinding hindi ako mapapagod basta para sa kanya. Pero diba ang sakit malalaman mo nalang yung taong mahal mo, yung taong lahat ginawa mo mapansin ka lang, Fiance na nang Bestfriend mo. Narinig ko na arranged lang daw yun. Pero kahit na. Sila padin diba? Tapos break nadin sina Dale at Marco. Pano na pala ako nito? Wala na nga akong place sa buhay ni Edward, kinuha pa ni Dale yung natitirang place and hope na pwede ako pumasok sa buhay nya. Ang hirap kaya na yung mahal mo hindi ka mahal. Aasa ka, mag eefort ka, gagawin mo ang lahat, lahat lahat kahit na maging tanga ka sa harap nya mapansin ka lang. Tapos ngayon palagi ko silang nakikitang magkasama sa school. Kahit na itanggi ng itanggi ni Edward alam ko na mahal na nya si Dale. Yung taong mahal ko, mahal na yung bestfriend ko. Sobrang sakit, sobra lang talaga akong nasaktan. Sobra ko kase syang mahal. Mahirap makipaglaban sa bagay na alam mong talo ka, wala kang magawa kundi hayaan nalang, tumahimik hanggang sa ilayo sayo ang taong pinakamamahal mo. Ilalayo sya nung taong pinagkakatiwalaan mo. Wala akong karapatang magalit kay Dale dahil first of all, Edward is never mine, at ngayon lalong hindi sya mapapasaakin. Palagi na kasing si Dale ang bida. Ako ang kontrabida.

Nasasaktan sya kasi nawala at nakipagbreak si Marco, bakit ako din naman nawala si Edward, atleast sya may taong nandyan, may Edward na nandyan para damayan sya. Pero ako? Sino ang sasandalan ko?

Buti nandun yung C-GIRLS, oo sa tingin nyo kontrabida sila nuh? Palagi naman. Basta nang aaway at sinasabi ang gustong sabihin at kayang ipaglaban ang nafefeel kontrabida na. Pero sila ang naging sandalan ko. Kahit hindi kami close hindi nila ako iniwan. Sila lang ang nakakaintindi sa akin.

C-Girls: bakit ba kasi si edward? Iba nalang ang mahalin mo.

Kung kaya ko edi sana ginawa ko na. Ayokong magalit kay Dale pero inagaw nya si Edward.

C-Girls: hayaan muna sila. Kahit naman nawalan ka, nandito naman kami. Never naman kaming mawawala sayo. Tama walang trayduran. Nandito lang kaming lahat para sayo.

Tapos nag group hug kami. . Girls alis muna ako may kukunin lang ako sa gym. See you later!

C-Girls: ok bye.

Ayun umalis na nga ako. My kailangan pa akong kunin sa gym. Naiwan ko kasi yung towel ko dun sa locker ko. Pagkalabas ko sa may locker room ng girls, nakita ko si Edward. Naiinlove na naman ako. Tapos lumabas yung isang varsity. Hmm.. yun yung hottie sa basketball varsity team bukod kay Enrique.

Dude: oh? Akala ko ba ayaw mo magtry out? Ang tagal na kitang pinipilit pare ah. Sino nakapilit sayo?

Edward: ah yung fiance ko.

Dude: fiance?? You mean youre engaged??

Ansakit pakshet. Alam kong engaged sya pero yung  sa kanya mang galing yun ang sakit grabe. Kelangan ko na sigurong umalis, baka makarinig pako ng mga di kanais nais.

Dude: wow pare, ilang taon kana pala?

Edward: i'm turning 19 tomorrow.

Wait! Kisses balik balik, ano daw yun? Birthday nya bukas? Ano kaya ang magandang ibigay sa kanya?

Dude: so you're celebrating with your fiance huh?

Edward: yah i think so.

Kisses ano bang iniisip mo GIFT? Mag eeffort kana naman, tapos wala naman hay..

Dude: pero pare paano ka nga pala napapayag ng fiance mo mag try out dito?

Edward: sabi nya kasi gusto nya ng lalaking magaling magbasketball. Basta ipasok mo nalang ako sa team.

Dude: sure matagal na akong pinipilit ni coach na kunin ka.

Dude: sige salamat, dyan kana may aayusin pa ako para sa birthday ko eh?

Dude: sige pre.

Tapos umalis na si Edward, masundan nga. Tanga ko talaga. Nakita ko sya na pumunta sa isang classroom. Tapos after 5mins nagbell na at lumabas na yung mga students. Sino bang hinihintay nya dito? Biglang umalis si Edward, sinundan ko ulit. Naiiyak na naman ako. Nandito sya sa room ni Dale bakit ko alam. Classmate ko si Dale. Cutting ako. Maya maya lumabas na si Dale, lumapit ako ng konto para marinig ko sila.

Dale: hoy psst.. aba ang aga naten ah?

Edward: syempre naman.

So nagsusunduan na pala talaga sila, nakakainggit si Dale, never pa syang naging alone dati si Marco ang gumagawa nyan. Sabagay maganda naman talaga si Dale. Sorry pero super inggitera ako. Insecure lang din ako.

Tapos kinuha ni Edward yung gamit ni Dale. Ano yun? Remember ang ugali ni Edward before? Ayaw nya makialam at pinapakialaman. Mahal na nya talaga si Dale.

Edward: psstt bukas ha! Bukas!

Dale: anong meron bukas?

Edward: hindi muna tanda?

Dale: ano nga yun?

Edward: YUNG DATE NATIN.

Dale: ah yun lang pala sure. Halika na kain na tayo, gutom lang yan.

Tapos umalis na sila, i need to find a way, hindi padin ako susuko kay Edward..

ENDLESS LOVE ( MAYWARD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon