43

351 15 0
                                    

CHAPTER 43 ✨

Maymay ang tagal mo naman magbihis! Baka malate tayo! 1pm na! Kelangan nandun na tayo by 3pm.

Ang aga aga pa! Hello? Malapit lang naman ang airport ah?

Traffic po kasi. Bilisan mo na nga dyan.

Ang sungit talaga ni Edward. Nagkukulot pako ng buhok. Nakashorts lang ako at purple na blouse, at light make up..

Oh tapos nako! Oopppss bakit ang gwapo ni Edward? Kaso nakasimangot sya! Sabagay, palagi naman yang ganyan.

Hoy ang iksi naman ng suot mo, alamo bang malamig nasa labas ha?

Syempre December na kasi.. ayun nagdala ako ng jacket.

Tara na nga!

Tapos umalis na kami. Sumakay kami sa sasakyan nya. May kotse itong si Edward ko eh? Hahaha ayun nagsimula na syang magdrive.

Hanggang sa..

Edward! Gusto ko ng mangga! Gusto ko ng mangga!

What? Saan mo naman ako pakukuhain ng mangga? Nasa gitna tayo ng kalsada at traffic pa.

Sige na babe. Hindi ko na kaya ito. Palagi kong naiisip ang mangga! Kapag di mo ako binili sasakit ang tiyan ko.

Alamo bang 2:15pm na! Late na tayo!

Maiintindihan naman nila yun! Alam ni Mommy ang sakit ng tiyan ko! Sige na. Mango please??

San naman ako bibili ng Mango?

Sa SM MOA nalang para medyo malapit!

Hay naku Maymay..

Ayun naasar sya! Kasi ang traffic. May inikutan pa kami. Tapos medyo malayo. Pero nakarating din kami ng MOA. Bumili kami ng Mango at ayun kinain ko sya dun. At bumili din kami ng chips at drinks. AT anong oras na? 3:15pm na! Tinatawagan naman namin sina Mommy pero hindi sinasagot. Cannot be reached! Nasa sasakyan na ulit kami ngayon. Nagpapagas at dederecho na ng airport.

Bakit kaya hindi nagtetext sina Mommy? Umuwi na kaya yun?

Aba ewan ko! Gusto mo ng mangga?

Kasalanan mong lahat eto eh? At yang mangga mo! Ambaho na tuloy ng sasakyan ko!

Asa ka naman! Eh dried mangoes tong kinakain ko. Kanina pa ako kumain nung may bagoong!

ASar ka! Kapag tayo napagalitan ikaw sisisihin ko!

Sus kakampi ko naman si Daddy mo! Alamo ng love na love ako nun!

Ayun nagkwentuhan lang kami. Super traffic. May nagbanggaan ata. Wala akong magawa. Sinaksak ko nalang yung USB ko sa kotse ni Edward at nag soundtrip.

Wag ka ngang maingay!

Wag ka ngang epal ang ganda ganda ng boses ko!

Tapos di na sya umimik. Ayoko na kumanta. Ang ginawa ko lumipat ako sa likod na upuan.

Hoy anong ginagawa mo? Umayos ka nga! Hoy!

Hinihila nya ako. Ang likot namin. Pero nanalo ako. At pumwesto ako sa likod ng driver's seat at binbraid ko ang buhok nya. Hahaha wala ako magawa eh?

Hoy wag mo nga guluhin ang buhok ko!

Pero di padin ako nagpaawat! Bahala sya! Hahaha ang lambot ng buhok nya eh?

Edward bitawan mo nga ako!

Sabihin mo muna na i love you!

Utot mo! Bitawan mo ako!

Kinuha nya kasi ang kamay ko at hinigit. Para akong nakayakap sa kanya pero may pagitan na upuan ng kotse!

Hahaha ang likot mo kase! Ayan natigil din. Haha sarap naman ng hug ng asawa ko!

Hug mo your face Edward!

Bakit ba kase super traffic? Naiilang nako dito ah? Si Edward kasi.

So (tumalikod at nakatingin na sya sa akin) Gusto mo pala walang namamagitan na upuan ha?

Ha? Ano bang sinasabi mo dyan? Tumigil ka nga!

Hmm.. bakit kinakabahan ka ata babe?

Gay!

Ano?

AYan kumunot na naman ang noo nya. Ang dali kasi idistract.

Gay ba babe?? Ansakit naman nun para sa hubby mo.

Yuck! Tigil tigilan mo na nga ako dyan!

Tapos hinawakan nya yung pisngi ko.. papalapit sya ng papalapit.. jusko! Nanigas nako dito.

Babe..

O__O

O__O

Araaaaaaayyyyyyyy!!!!!!!!!

Hahaha buti nga sayo!

Peste! Walanghiya talaga si Edward! Ansakit! Pinisil nya yung cheeks ko ng sobra! Nanggigil ata! Naiiyak tuloy ako. Ansakit talaga!

Hoy bakit ka naiyak dyan? Weak mo naman!

Galit ka na nyan? Pinisil lang kita ah!

Hoy maymay wag ka na ngang umiyak! Sobrang late na nga tayo oh? 4:15pm na!

Hindi naman ako umiimik.

Maymay naman! Wag kana nga kasi umiyak!

Pumunta din sya sa backseat traffic naman eh? Nasa tabi ko na sya.

HOy maymay sorry na nga eh? Sorry na!

May...

Errr.. nakahug sya sa akin..

Sorry na! Nakakagigil kase yang cheeks mo! Ang kinis kasi, sorry na!

Hayy nakailang sorry nako ah? Bilang lang yun! Tumahan kana dyan.

Itinaas nya yung ulo ko. Nagpunas naman ako ng luha..

Awww napaiyak ko ang babe ko! Sorry na ha? San masakit? Kiss ko gusto mo?

Sapak gusto mo?

Awww kawawa naman ang baby ko..

Baby? Lahat na  ata natawag nito sa akin. Tapos ayun hinaos nya ang cheeks ko. Infairness nawawala ang sakit. At ako po ay kinikilig ..

Masakit pa ba babe? Sorry na! Hindi na yun gagawin ng husband mo. Sorry na ah? Bati na tayo! Baka ipagpalit mo ako sa Enrique na yun!

Babe ayaw pa ba matanggal ang sakit? Ikiss nalang natin, siguradong alis yan!

Tadyakan kaya kita!

Ayan okay na?

Oo okay na! Ansakit talaga. I hate you.

Ouch hate nako ng babe ko.

Joke.

Tapos nakahawak pa din sya sa cheeks ko. Ewan ko kung bakit at paano pero nagkatinginan kami.. ang gwapo pala ni Edward! Ang haba ng eyelashes, ang tangos ng ilong, ang ganda ng lips..

ng biglang..

*BEEEEEEEEEPPPPPPP!!!!*

ENDLESS LOVE ( MAYWARD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon