39

352 19 0
                                    

CHAPTER 39 ✨

Si Edward? Alam ko nakatayo lang sya one meter away. Hindi ko sya tinitingnan. Ayokong makita nya akong umiiyak. Naiinis ako sa kanya. Ang moody kasi nya. Ang moody kasi nya sa akin.

You look pathetic.

Lumaki ata ang tenga at mata ko dun ah? Hindi ko alam kung maiinis ako o maaawa ako sa sarili ko. Grabe bakit ba sya ganito? Pabigat na ba ako sa kanya? Hindi ko naman sinabing alagaan nya ako? Naiiyak nako. Tumigil nako at umupo nalang. Ang sakit sakit naman, bumalik kana Marco, inaaaway ako ni Edward. Mga 10mins din ata akong umiyak. Sya naman nakatayo lang dun. Manhid ba sya?

Ano ka ba? iiyak ka nalang diyan hanggang sa maawa ako sayo? Paano kapag namatay ka kakaiyak dyan? Hanggang kailan ka ba aasa sa iba? Wala na si Marco sayo ngayon. Kailangan mong maging independent.

Ano bang problema nya? Napupuno nako sa kanya. Hindi porket sya ang nagligtas sakin may karapatan na syang sigawan ako.

Ewan ko sa sobrang asar ko,  hindi ko na pinansin yung sakit. Humawak ako sa table at pinilit kong makatayo. Ewan nanghihina ang kamay ko, may pasa kasi pero nakahawak lang ako sa table for support. Nakaya ko naman na makatayo.

Ano bang problema mo? Masakit kasi eh? Alam kong wala nasi Marco sa akin. Pero hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan. Araw araw i'm hoping na one day. He'll come back. I'm still waiting! I want to be weak! Gusto ko mapansin nya ako. Na hindi ko kaya na mawala sya. Nahihirapan ako! Hindi mo ako maintindihan!  You have to be inlove to understand. Hindi ko lang sya boyfriend, he was my kuya,  my bestfriend, my dad.. sya ang nandyan noong nawala ang Dad ko. Buong buhay ko, sanay ako na nandyan sya sa tabi ko. At hindi kayang iprocess ng utak at puso ko na kalimutan sya. Kasi MAHAL KO SI MARCO! Hirap na hirap na ako! Hindi ko na kaya! Edward, mahirap ang pinagdadaanan ko! Kaya wala kang karapatanng sabihan ako. I'm weak physically and emotionally. Gusto ko ng bumigay, sobrang sakit Edward.. 😭😭

Lumapit sya sa akin. Ngumiti tapos pinunasan yung luha ko.

Pero nakaya mong tumayo diba? Masakit diba? Pero nakaya mo. Lahat ng yan makakaya mo. Alam kong kaya mo. Kaya mong mag isa. I'll always believe in you Maymay.

Noong sinabi nya yun, umiyak na naman ako. Pero hindi dahil sa malungkot ako. Umiiyak ako kasi nandyan sya para sa akin.

Maymay, you need to be independent. Diba malakas ka? Diba dati naman kaya mong mang away para ipaglaban yung tama? Lagi lang akong nandito para sayo. Hindi para tulungan ka palagi. I'm here to remind you of your true self. I'm here to support you but not to do the work for you. Ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo. Sorry pala kanina, gusto ko lang naman na marealize mo na kaya mong gawin ang mga bagay bagay  kahit ikaw lang mag isa. Hindi mo kailangan umasa sa akin at sa ibang tao. I believe in you. Ako nga naniniwala sayo, ikaw pa kaya? Mas kilala mo ang sarili mo kesa sa akin. ALam ko na kaya mo. But, no matter what you're still my MAYMAY..

Tapos binuhat na nya ako at dinala sa kama. Maya maya tumatawag na si Edward ng Doktor. Habang nag iintay nandito kami magkatabi sa kama, kumakain ng chichirya!

*DING DONG*

Wala si Marian Rivera dito!!!

*PAK*

Aray ko Edward!! Bakit mo ako binatukan?

Yan yung Doktor, pasaway ka talaga! Teka nga at bubuksan ko..

Dapat lang nuh?

Suntok gusto mo??

Ice cream nalang! 😜

Halikan kita diyan eh?

Ano daw ? Ang hina! Bumulong daw ba?

Hoy Edward anong sabi mo? Anong Lik?? Didilaan mo ako?? As in Lick?? Yuck!! Sabi ko gusto ko ng ice cream hindi maging ako ang ice cream!

Baliw! Tumahimik kana nga lang! Daldal mo. Sana pati dila mo nagkapasa.

Aba pesteng yun! Babatuhin ko sana ng unan kaso dumating na yung Doktor.. ayun tiningnan yung pasa ko. Check here. Check there. AT nagrereseta na sya. May mga tinapal din sya sa pasa ko. Ang sarap sa feeling. Tapos may kung ano syang sinabi kay Edward. But i dont care.. busy kasi ako manood ng Dragon Ball Z.. 😄😄

After one week.

Si Edward? Pumapasok sya. Kinokopya nya daw ako ng notes. Sus if i know kasi may magandang iregular daw sa klase namin. At nilalandi daw sya. Feeling talaga yun!

Ako? Eto ready na pumasok. Yey malakas nako. Namiss ko din ang aking mga baliw na barkada at si Papa Enrique hahaha joke lang baka sakalin nako ni Edward hahaha Andito na si Edward nakasuot ng faded na jeans at t-shirt. Astig padin ang loko! Ako naman naka pants at naka tack-in yung blouse sa pants with belt.. ang ganda ko talaga!

Calling: Papa Enrique ^_^

Hoy maymay yung phone mo tunog ng tunog sagutin ko muna!

Tse! Oo na po.

Aabutin ko na eh? Kaso inunahan na naman nya ako.

AT ano itong PAPA ENRIQUE na ito ha? Tapos ang pangalan ko sa phone mo EDWARD lang??

Wala lang.. dedma! Masaral kumain ng ice cream haha

Hoy kinakausap kita! Bakit ako Edward lang? Tapos yung Enrique.. Papa Enrique?? Sumagot ka nga! Bakit mo ako dinededma?

Hayyy.. *toooot*

Hala pinatayan nya si Enrique, kawawa naman si Papa Enrique ko. Magdadrama na naman yun saken mamaya..

ENDLESS LOVE ( MAYWARD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon