162

234 15 0
                                    

CHAPTER 162 ✨

Lalo na akong umiyak. Ang sakit. Tamaba ang desisyon kong ito? Siguro naman maiintindihan niyo ako di ba? Kailangan ng tulong ni Mommy at Dad (Tito Kevin) first time ko lang nakita si Mommy na umiyak ng ganun ng dahil sa negosyo. Si Dad (Tito Kevin) kahit di nagsasabi, alam ko sa kabila ng pagpapatawa niya nahihirapan na siya. Pinaghirapan nila ang kumpanyang yun.

Si Mommy, ang company namin ang nag iisang alaala ng Papa ko sa kaniya. Si Dad(Tito Kevin) marami na siyang nagawa para sa company, di ba hindi niya nasubaybayan ang paglaki ni Edward dahil doon. Ayokong mamiss ang oppurtunity na ito dahil sa pagiging selfish ko.

Si Tita Cathy she is dying. Cancer. Kaya siguro nagawa niya ang mga bagay na yun. Kaya naging masama ang ugali niya. Kailangan niya ang anak niya. Ayokong kapag namatay si Tita at nalaman ni Edward na may cancer siya at hindi niya napuntahan ng mga oras na kailangan siya ni Tita ay magalit siya sa akin dahil ipinagdamot ko siya. Ayokong masumbatan ni Edward. Dahil ngayon may choice ako, and I'm choosing to let go. AT magparaya.

Naiintindihan niyo naman ako diba?

Isa pa..

Nakaya ko naman maiwan dati diba?

Nakaya kong mag isa..

Per ngayon..

Wala ng Edward na pwedeng yumakap sa akin pagkatapos nito. Wala ng Edward na kasama ko mag celebrate ng birthday ko. Wala ng Edward na mambabara sa akin ng mga jokes ni Vice Ganda. Wala ng Edward na manggugulo ng buhay ko. Wala ng Edward na sasalo sa lahat ng kapalpakan ko. Kasi si Edward na mismo ang iiwan ko.

Pero aalis lang naman ako diba? Hihiramin lang naman siya ni Tita diba? Mag iintay ako kay Edward. Magbabalik naman ako para sa kaniya. Kung makasurvive naman si Tita, ibabalik niya sa akin si Edward diba? Tutupad naman siya sa deal diba?

Maymay, alamo namang natatakot akong maiwan na naman. Alamo namang ayokong iiwanan ako ng mga mahal ko diba? Bakit mo ginagawa sa akin to? May kulang ba ako? Palagi baki kitang inaasar? Swear.. titigil nako. Kulang pa ba ang pagiging sweet ko? Promise nextime araw araw may ihahanda akong surprise para sayo. Sasalubungin kita ng rose, gusto mo yun diba? Ipagluluto kita, para breakfast in bed ka palagi. Gagawin ko yun, wag molang akong iwan please.. wag kang umalis.. 😭😭

Tumingin siya sa akin, umiiyak siya 😭 kitang kita mo yung sakit. Edward sorry, palagi nalang kitang pinapaiyak. Wala na akong naidulot na maganda sayo. Hindi ko to gusto. Ayokong iwan ka. Pero kailangan.. 😭

Alamong di ko kaya. Di ko kaya Maymay, di ko kayang mawala ka.. 😭

Noong sinabi niya yun. Parang gusto ng mamatay ng puso ko. ALamong di ko din kaya na mawala ka, pero wala na akong magagawa, para sa ikabubuti ng lahat ito. Para sayo din to. Para sa Mama mo.

Tumayo na ako. Hindi ki na kaya ito. Sobrang sakit na. Kulang na ang pag iyak. Kulang na kulang. Hindi ko na kaya ang sakit.

Edward, the thought of leaving you kills me. Paano pa kaya kapag wala kana sa tabi ko. Baka hindi ko kayanin.

Edward.

Pagtayo ko..

Niyakap niya ako from behind.

Wag. Wag. Wag kang tatalikod sa akin. Wag kang umalis please. Wag mo akong iwan Maymay.. 😭 di ba kaninang umaga lang sabi mo excited ka para sa date natin. Masaya ka pa ah. Sabi mo mahal mo ako. Mahal mo pa ako kanina ah. Tapos noong dinalaw natin ang puntod ng Papa mo masaya pa tayo ah. Sa kotse ang sweet pa natin. Bakit ganito na? Hindi ako tanga.. alam kong mahal mo pa ako.. bakit ganito? Bakit iiwan mo ako? Bakit mo ako tinataboy kay Mama?

Bumigay na ako. Hindi ko na kayang ngumiti. Lalong masakit. Sobrang sakit. Ayokong gawin to.

Bakit ba kailangan maging ganito kagulo lahat?

Edward, mahal kita. Pero kailangan lang natin na maghiwalay. Hindi lang siguro tama na magsama tayo ngayon. Hindi ito yung oras natin. Bumalik ka sa Mama mo. At magmomodel ako. Di ba nga sabi mo sa akin dati.. If two people are meant to be, no matter what happen sila padin. AT naniniwala ako sayo. Mag iintay ako sayo.

Bakita kailangan mo pang mag intay? Eh di wag mo nalang akong iwan. Bakit ba kayong mga babae ang hilig nyong gawing komplikado ang mga bagay.

Basta.

Di ko pwedeng sabihin sayo. Dahil gumawa ako ng promise. Pero bakit parang gusto ko ng magbago ng isip. Pwede naman siguro magback out. Sasabihin ko kay Edward lahat, gagawa kami ng paraan para maayos ang lahat. Baka pwede yun.

Edward.

Sasaya ka ba talaga sa pagmomodel mo Maymay?

Nagulat ako sa tanong niya. Umalis siya sa pagkakayakap sa akin.

Nakatalikod ako sa kaniya. Mukhang tanggap na niya ang lahat ng sinabi ko sa kaniya. Mukhang ayos na sa kaniya. Bakit ko pa babawiin? Lalo lang gugulo ang lahat.

Maghihintay nalang.

Hihintayin ko nalang siya.

Pinunasan ko ang luha ko.

Ngumiti ako bago ako humarap sa kanya.

Oo. ^___^

Tumingin lang siya sa akin at nakita kong..

May pumatak..

Luha.

Maymay ang sakit. 😭

Tumalikod na naman ako. Leche di ko na napigilan ang luha ko. Umiyak lang ako ng umiyak. Ang sakit na makita at marinig sa kanya na nasasaktan siya.. 😭😭

ENDLESS LOVE ( MAYWARD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon