37

345 23 0
                                    

CHAPTER 37 ✨

So nag aalala ka pala sa akin?

Huh? Sinong nag aalala?

Tumawa nalang ako. Super numb pa yung paa ko. Nanghihina padin ako. Ewan ko bakit hindi ako namatay doon.. Tapos napansin ko kanina pa ata nakatingin sa katawan ko si Edward. Teka minamanyak nya ba ako? Waaahhh paano ako nakapagpalit ng damit? Bakit damit nya ang suot ko?

*PAK*

Aray! Anong problema mo!

Bakit.. sinong nagpalit ng damit ko??

Chill naman. Hindi ako. Asa naman. Alam kong ako ang mamamatay kapag ginawa ko yun.

Eh sino?

Si Aling Baninay, yung kapit bahay natin.

Ahh sya pala..

Kumalma ako. Sya naman mukhang asar!

*silence*

Hoy Edward okay nako! Hindi nako malamig. Maputla ba ako? Hohohoho

Grabe ilang na ilang na ako. Pero ang sarap sa pakiramadam. Ang hot ng katawan nya este ang init ng katawan nya. Ang sarap lang ng yakap nya.

Kanina naramdaman ko na lahat, lamig, sadness, yung feeling na alone. Alam ko kapag may nangyaring masama sa akin palaging may magliligtas sa akin. Lagi akong hahanapin ni Marco. Pero kanina hindi ako naiyak kasi nilalamig ako o may possibility na mamatay ako. Naiyak ako kasi i'm alone. Wala na akong aasahan kundi ang sarili ko.

Until..

Edward came.. hindi ko alam kung anong nangyari kasi nagblackout nako. Pero ngaun sobrang sarap sa feeling. Nawala lahat ng lungkot. Lahat takot. Lahat ng pangamba. Ang sarap sa pakiramdam. Niyakap ko nalang din sya. Feeling ko nagulat sya. Pero lalo pang humigpit yung yakap nya sa akin.

Maymay...

Hmmm..??

I'm so thankful masamang damo ka!

Ano daw? Masamang damo?? Grrr... umalis ako sa pagkakayakap nya.

Anong sabi mo? Masamang Damo? Walanghiya ka talaga! Layuan mo na nga ako!

Tapos tinulak ko sya. Ang hina ko pa pero nakakasigaw na ako!

Ano ba joke lang eh?

Tapos tumawa sya..

OO na sige na uuwi nako.

Eh sino pala magbabantay sayo dun?

Kaya ko ang sarili ko Edward .

OKay.

Hindi man lang nya ako pipigilan? Magpapapigil naman ako eh?  Naaa.. baliw kana Dale! Aalis na nga ako!

Aray naman! Ang sakit! Bakit hindi ako makatayo? Manhid pa yung paa ko.

Sabi naman sayo hindi mo pa kaya. Halika nga dito.

Tapos binuhat nya ako. Tumawa na naman sya.

Hoy bakit ka ba tawa ng tawa? Nung una ang sungit sungit mo!

So gusto mo maging masungit ulit ako?

Wag nalang!

Hahahaha

Tumawa na naman sya, tapos pinipisil pisil pa ang cheeks ko.

Buti nalang talaga dumatibg ka sa buhay ko

Ano daw yun?

Maymay..

Hinawakan nya ang mukha ko.. tapos palapit sya ng palapit sa akin. Pipikit na ba ako? Hoy Dale umayos ka nga!!

Edward..

Maymay..

Wag!!!! Hindi pa ko ready Edward!!!!

Ano??? Bwahahahahahahahaha

Lumayo sya tapos tumawa ng tumawa.

Sasabihin ko lang sana ang init ng mukha mo. Gumagaling kana! IKaw ha? Kung ano ano iniisip mo! Hahahaha

Grabe sobrang pula ng mukha ko! Kaasar tong si Edward. Pahiya ako dun! Akala ko naman ikikiss nya ako!

Talk shit ka! Umalis ka nga dyan!! 😠

Sus.. ehem ang fiance ko gusto ba ng *umwuaaahhh*

Nagpose sya dun ng nakapout tapos umwuaaahh! Inaasar talaga ako ng lokong ito. Walang hiya!

Pero Maymay seryoso. Gusto...

Eppp.. ayoko!! Hindi kita gustong halikan Edward! Nagkakamali ka dyan!

*silence*

*silence*

BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA Ano bang sinasabi mo? Sasabihin ko lang sana na gusto kong mag thank you at buhay ka pa! Kung ano ano ang iniisip mo diyan! Wag mo nga akong pagpantasyahan Maymay! Sabihin mo lang. Fiance mo naman ako.

Nakakaasar! Kanina pa sya! Edward I HATE YOU!

Sige na, sige na. Seryoso na Babe.

Tama tapos tumabi sya sa akin sa kama kung saan ako nakaupo. Tapos tinulak nya ako, napahiga tuloy ako. Tapos sya naman humiga sa tabi ko pero yung body nya nakaharap sa akin. Gets nyu ba? Hahaha

Tapos tinitingnan nya lang ako. Sobrang seryoso. Tapos yung point finger nya ipinanghawak nya sa mukha ko. Anong ginagawa mo? Bata pa ako! Ayoko pa!

Maymay..

Yes??

Tumawa sya pero mahina lang, yung nakakaakit.. please save me!!

I'm thankful na buhay ka pa. Hindi mo alam kung gaano ako nag alala..

O____O ganito lang ako all the time. Tapos yung puso ko, naging palaka na, talon ng talon.

I'm thankful at dumating ka sa buhay ko. Inayos mo lahat. Yung malamig kong mundo binigyan mo ng warmth. Kaya kanina ako naman ang nagbigay ng warmth sayo.

Habang sinasabi nya yun, hinahaplos lang nya ang mukha ko.

I'm sorry sa lahat ng pagsusungit at pang aaway ko sayo. We'll i'm really having fun kapag ginagawa ko yun. Ang cute mo kasi magalit.

Whatever! Pero cute daw ako. Umamin din ang loko. Ngayon naman yung buhok ko ang ginugulo nya. Di ko naman sya maitulak.

I'm sorry kasi hindi kita nagising kanina, at hindi ka nakapasok sa 1st class mo. Kasi may ginagawa lang ako nun.

Ano ba yang ginawa mo at napaka importante at pinagpalit mo ang fiance mo?

Namula naman sya. At sumimangot sa akin.

Kasi may inaayos lang ako sa rooftop ng school. Naghanda ako ng candlelight dinner.

Para kanino ba yun?

Para kanino????

Para sa atin!!

Oh eh bakit naman?

Because its your fiance's birthday today, stupid!

ENDLESS LOVE ( MAYWARD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon