41

356 16 0
                                    

CHAPTER 41 ✨

Ang galing magpacute ng mga ito ah? Tumingin ako kay Kisses.

Kisses: hmm sila ang kasama ko palagi noong wala akong friends, kaya kung pwede paniwalaan mo sila Dale. Kasi mabait naman talaga sila. Katulad ko nabulag din sila sa pagmamahal kay Edward..

Ganun? Okay sige na nga. Past is past naman eh?

At nang okay na kaming lahat, nagkwentuhan nalang ang lahat.

Ako nandito kasama si Kisses, nagsosorry padin sya. Kahit ganun naman yung ginawa nya sa akin, talaga lang sigurong magaan ang loob ko sa kanya at hindi ko na kaya na magalit sa kanya. Maya maya tumabi sa akin si Edward.

Oyy..

Yes?

Bakit ka ganyan?

Ano na naman ang ginawa ko?

Bakit ang bilis mong magpatawad?

Ayoko kasi ng may umaalis. Tsaka tapos na yun past is past na nga diba?

Ah past is past..

Tapos nag smirk sya. Si Marco na naman ang sinasabi nito. Syempre ibang usapan si Marco kasi hindi naman sya past eh? Present ko sya! AT sya ang gusto ko makasama sa future. Tapos ayun nag usap lang kami mahaba kasi ang break.

Maya maya si Edward sumandal sa likod ko.

Hoy ang bigat mo naman! Wag kang masyadong sumandal.!

Bakit ang sungit naman ng babe ko?

Ayan na naman sya sa Babe na yan. Sasakyan ko nalang trip nya, lagi nalang kasi syang ganyan. Minsan masungit, minsan super sweet.

Sorry babe *beautiful eyes*

Tapos tinulak nya ako! Sadista talaga! Tss..

Yuck! Wag mo ngang gawin yun!

Ang sama mo talaga Edward, cute naman ah?

Asa ka pang cute yun!

I hate you talaga!

Hate din kita!

Tapos yung C-GIRLS nakatingin lang sa amin. Tapos nagtilian sila.

Sige alis muna ako at akoy nababanas dito! *roll eyes kay edward*

Lakad lakad lang muna at..

O_____O

Hi there pretty lady..

At kapag pretty lady na ang usapan, isang lalaki lang yun..

Enrique?

Hi Dale! Pumasok kana din pala. Balita ko nagkapasa pasa ang katawan mo?

Hinawakan nya ang arms ko at tiningnan kong meron nga, tingin lang sya ng tingin.. ang gwapo talaga nya..

Eh okay nako! Tama na yan.. teka nga ano yun..

O______O

Hmmm.. mayroon lang naman na malaking banner na nakasabit sa gitna ng gym! Varsity kasi si Enrique, at ang nakalagay??

Welcome Back Dale, i miss you!

At kung bakit ako napa O___O puro lang naman babae ang nakapalibot dun sa banner. Yung iba nagtatanong kung sino daw si Dale. At ng tinawag ko si Enrique lahat sila ang sama ng tingin sa akin.

Saan ba ako pumunta? Tapos naglalabasan na yung mga varsity. Woah! Ang tatangkad nila.. haru hanggang balikat lang ako nung pinakamaliit na player.

Namiss kita Dale.. sabi ni Enrique..

Nagblush naman ako haha ang gwapo nya. Sya ata ang pinaka pogi sa Varsity Team!

Halika bilis ipapakilala kita sa team mates ko.

Eto nga pala si Daniel, James at si Robi.

Ah hi...

Tapos lumalapit sila sa akin at ihuhug pa ata ako. Kaso humarang si Enrique sa unahan ko at sinabing..

Hephep ako nauna dito, walang talo talo!

James: pre bawal mag share?

May fiance na ito!

Fiance?? O_____O With matching panlalaki ng mata yun ah? Kaloka naman sila.

Daniel: sino naman ang nakauna sa chicks na yan?

Si Edward..

Si Edward??????

At nanlaki naman ang mga mata nila, ano naman kung si Edward? Kung alam lang nila na pretend lang yun.

Robi: ah kaya naman pala.. si Edward pala ang nakauna sa atin. Isa na sya sa varsity dito. First 5 nga sya.

Weh? Varsity na si Edward??

Daniel: bakit hindi mo alam? Two weeks ago pa sya nag try out.

James: hmmm.. hindi alam ng fiance??

Enrique: baka surprise nya yun!

Robi: eh pare may fiance na pala bakit pinopormahan mo pa?

Enrique: ewan ko.. magkaibigan lang naman kami eh?

Maya maya nilibre nila ako ng lunch.

Kisses: Hoy Dale nandito ka lang pala, teka bakit kasama mo ang basketball team?

Eh si Enrique kasi isinama ako dito.

Kisses: kanina ka pa hinahanap ni Edward, kanina pa yun badtrip!

Robi: woah, hinahanap kana pala ni hubby!

Ano hubby??

Tapos nagtawanan sila. Aalis na sana ako, pero bago yun nakipag appear muna ako. Tapos si Enrique hug.. close na kasi kami haha dahil sa literature class, sya lang ang kasama ko.

Oh sige na, bye nasa inyo! Thanks..

MAYMAY!!!!!!

Lahat kami napatingin sa right side.. ooppss si Edward, umuusok na ang tenga! Palapit na sya dito.

San ka ba galing? Kanina pa akong hanap ng hanap sayo! Ano ka ba? Sabi mo aalis ka lang! Di kana bumalik!

Eh.. kase po.. eh..

Ano??

Enrique: Kasama namin sya pare.. wag mo naman sigawan yan! Fiance mo kaya yan!

Alam ko.

Awat na! Sige na Enrique hindi mo kaya pag nagwala ito, una nako.

Enrique: sige ingat ka nalang dale.

Maya maya umalis na kami..

Edward!!

Ang bilis kasi nya maglakad. Di man lang ako intayin. Sinumpong na naman.

Ano kaba pansinin mo naman ako Edward!!

Tapos tumigil sya at humarap sa akin nauntog tuloy ako sa may chest nya.

Aray ko naman po! Ano naman ba? Sinusumpong kana naman dyan.

Sinong may sabi sayo?

Eh wag ka ngang ganyan sakin, ang cold mo!

Ano naman cold dito?

Ano bang problema? Hindi kaba nakakain? Halika na kakain tayo. Libre ko! Once in a purple moon lang ako manlibre...

ENDLESS LOVE ( MAYWARD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon