45

343 17 0
                                    

CHAPTER 45 ✨

Tita miss ko nadin po kayo.

Oh wag ka ng umiyak Dale, may pasalubong ako sayo!

Mama ata yun ni Marco. Hindi ba nya nakikita na may kasama ng iba ang anak nya?

Talaga po tita? Wow..

Ayun ngumiti naman si Maymay. Halata namang peke. Si Mommy Lorna naman, alam kong ramdam nya yung feeling ng anak nya. Teka nga ano bang ginagawa ko pa dito? Puntahan ko na kaya? Baka magulo ang lahat.

Oh Marco anak  nabati mo na ba si Dale?

Lahat naman sila tumingin kay Marco na katabi yung babae nya.

Ayy Dale eto nga pala si Loisa.

Tapos nag hug naman sila. Ano ba naman itong nanay ni Marco? Ayun napaiyak tuloy si Maymay. Lagi nalang syang umiiyak, hindi nato pwede!

Maymay!

Lahat sila tumingin sa akin. Nilapitan ko si Maymay, umiiyak na naman. Nagtago sya sa may likod ko. Hay naku! Basa na naman ang damit ko dahil sa iyak nya. Sayang ang luha nya. Sayang.

Hello Mommy Lorna, hinahanap na po tayo ni Daddy, pwede na po ba tayong umalis?

Tumango naman si Mommy Lorna, yung tingin na may halong "buti dumating ka look" Si Maymay naman nagpupunas nasa damit ko. Nakahawak lang sya sa dulo ng damit ko. Parang bata. Tapos ayun nagpaalam na si Mommy Lorna sa Mommy ni Marco, pati dun kay Marco at kay Loisa ba yun? Basta yung babae na maganda. Pero mas maganda ang Maymay ko dun. Si Mommy Lorna kinausap si Dad at kinwento ang lahat. Gets naman ata ni Dad. So ayun sabi nila bibili lamg daw muna sila ng pagkain. Naiwan kami dito sa tabi ng pataas na road na second floor ng NAIA. Anlamig. Madilim nadin. 6:50pm na kasi.. sobrang lakas pa ng hangin. At iyak padin sya ng iyak.

Edward, bakit bumalik pa sya? Kasama pa yung babaeng yun? Pinakilala pa ni Tita, hindi man lang ako pinansin ni Marco. Umiyak pako sa harapan nilang lahat. ALam nilang lahat na nasasaktan ako pero, pakiramdam ko wala paring nakakaintindi sa akin. Edward ansakit eh? Dati ako yung katabi nya. Ako yung nasa pwesto nung Loisa na yun. Hindi man lang nya ako pinansin. Para akong tanga dun Edward. Ansakit sakit.. 😭

Yung iyak nya ngayon, hindi na yung sobrang iyak. May mga luha lang na tumutulo. Pero pakiramdam ko mas masakit to. Mas okay na ata yung malakas at madami sya umiyak kesa sa ganito. Yung mga words na lumalabas s bibig nya parang sobrang sakit.

Pinunasan nya yung luha nya, pero may tumutulo padin. Nakatayo kami dito, ang ganda ng view. At Ang ganda ni Maymay..

Ewan ko ba kung bakit, pero ang ganda talaga nya, ngayon ko lang nakita na mas maganda pala talaga sya  kasi sa sobrang hangin nililipad ang buhok nya. Tapos umiiyak sya pero hindi nya tinatago. AT the same time pinipilit nyang maging strong.

Ang ganda pala ni Mary dale Entrata. Ang ganda pala ng fiance ko! 😍😍😍

Ano ba naman edward, ano ba yang sinasabi mo! Alamo ba ang sinasabi mo! Asar! (Sabi ng isip ko)

Oo alam ko na ang sinasabi ko ako ay...

Edward KFC?

Sakto.

KFC nga!

Ano naman ba yun? Basta talaga pagkain hindi papaawat ito! Kanina lang umiiyak to ah? Hay buti naman..

Maymay simula ngayon. Ayoko nang makita kang umiiyak!

Nasabi mo na yan dati!

Hindi mo naman tinupad eh? Palagi ka namang ganyan!

Nasasaktan kasi ako. Mahirap yang pinapagawa mo.

Kayanin mo! Kapag nagawa mo. Hindu na kita iiwanan forever.

Oh? Sigurado kana ba dyan? Wala ng iwanan?

Oo basta wag kang bibitaw.

Oo di ako bibitaw.

Tapos inoffer ko yung kamay ko. Wala na din namang bitawan. Kinuha naman nya at ayun magkahawak kamay lang kami. Papunta kami sa may KFC!

[ MARYDALE's P.O.V. ]

Hala hala magkaholding hands kami ni Edward! Wala na daw kasing iwanan! Sana nga ganyan ang gawin nya.

Ang gwapo naman ng guy!

May girlfriend na! Tumigil ka nga dyan!

Tsss.. mas maganda pa ako dun sa girl eh?

Weh??

Hay ang layo ng KFC!

Hoy pahiram  naman ng jacket! Ang lamig!

Adik ka ba? E di ako naman ang nilamig!

E di bibigyan kita ng yakapsule!

Yakapsule????

Gamot ko yun! Gusto mo??

Anong yakapsu--..

Waaaahhhg.. niyayakap ako ni Edward! Kaya pala yakapsule! Potek!

Tama na! Magaling na ako! Magaling na!

Sabi ko sayo effective ang gamot ko eh?

Oo na po Dr. Barber.

Halika nga dito payakap nga!

Ayoko nga! Palagi ka nalang nanananching eh?

Buti nga niyayakap kita. Yung mga babaeng yun naglalaway para makasama ako eh?

Tapos tinuro nya yung 3 babae na kanina pa sunod ng sunod sa amin. Kumaway sya sa kanila. Kumaway naman sila with matchung flying kiss pa!

E di dun kana sa mga babae mo!

Sabi mo eh?!

Tapos aalis nga sya. Wala daw iwanan oh? Eh ngayon pa nga lang iniiwan na nya ako. Ayoko na nga umasa sa mga pangakong ganyan! Aalis nalang ako. Badtrip!

Hi Miss.

Pati ba naman dito may nagsasabi ng ganyan?

Ang suplada naman. Gusto ko ito.

Tiningnan ko. Hindi naman sila mukhang holdaper. May mga maayos na pantalon at t-shirt sila. May pagkajejemon kasi may malaking kwintas. Siguro safe ako dito.

Miss alamo bang delikado ang maglakad mag isa sa gabi? Wala ka bang kasama? Hatid kana kaya namin?

Ganun?

Hay wala naman akong sa mood para maghanap pa ng pwedeng maghatid..

Wag nalang. Sige bye!

ENDLESS LOVE ( MAYWARD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon