163

237 14 4
                                    

CHAPTER 163 ✨

Si Edward yung tipo ng tao na itatago ang nararamdaman. Kahit nahihirapan siya. Palalabasin niya na okay siya. Parang ang Papa niya. Peeo ngayon sinabi niya na MASAKIT. At alam ko nasasaktan talaga siya. Bawat patak ng luha niya, mahalaga. At hindi niya dapat sinasayang sa akin yun.

Ako ba ang tanga?

Ako ba ang dapat sisihin?

O ang pagkakataon?

Sa pagkakataong ito lahat mali. Ayos naman kami, bakit ngayong araw na ito nagulo lahat?..

Ang tagal namin nilabanan ang tadhana. Ang tagal naming lumaban. Ngayong araw.. sumuko ako.. 😭

Sumuko ako.. 😭

Maymay mahal kita sobra sobra!

Humarap ako sa kaniya. Napuno na ang mukha niya ng luha. Parang nadudurog ang puso ko. Masakit makita siyang ganito. Oo masungit siya at palaging nakakunot ang noo niya at palaging magkasalubong ang kilay.

Ganun si Edward John Barber.

Hindi basta basta umiiyak.

Pero heto siya ngayon. Sa harapan ko umiiyak. Kasalanan ko ito.

Bakit mo ako iiwan? Bakit mo ako itataboy sa nanay ko? Hindi mo na ba ako kayang ipaglaban? Pagod ka na ba? Sabihin mo lang, tutulungan kita. ALam kong may dahilan ka, kilala kita. Pero bakit ayaw mong sabihin? Ano ba yang dahilan na yan na pati sa akin tinatago mo?..

Bakit ba kilalang kilala ako ni Edward? Bakit ba palagi niya ako nabubuko? Kahit kailan hindi ako mapapagod sa kanya. Hindi ako mapapagod lumaban basta kasama siya. Edward kailangan kong gawin ito..

Hahahaha..

Nagpeke naman siya ng tawa pinunasan niya ang luha niya.

Leche!! Ang sakit! Ang saki sakit talagaaaa!!!!

Lumapit siya sa tabi ng railings ng yacht, bigla siyang sumigaw..

Punyetaaaaa!!!! iiwaaaaannnn lang naman ako ng babaeng mahal na mahal kooooo!!!! Anak ng!!!! Minsan na nga lang magmahal mawawala paaaaa!!! iiwan ka paaaaa!!! Bakit ba palagi akong iniiwan?? Masama ba ako?? Di na nga ako nagpapaiyak ng babae ehhh!! Sige sa susunod lahat ng babae papaiyakin ko na!!!! Sumpa yan!!!! Leche!!!! Ang sakit!!!!! Please Lord alisin niyo itong sakit!!! Gawin niyo akong manhid!!!!

Tapos tumigil siya. Napansin ko nagpahid siya ng luha. Nagkakaganito si Edward ng dahil sa akin. Napaluhod nalang ako. Nanghihina na ako. Kulang na ang lumuha sa sobrang sakit!!

Mary Dale Entrata!!!! Mahal kita!!!!! Mahal na mahal kita!!!!!! Bakit mo ako iiwan???!!! Masakit!!!! Utang na loob!!! Patayin niyo na ako!!!! Patayin niyo na ako!!!!!

Hanggang sa narealize ko na, tatalon siya sa dagat.

Tumakbo agad ako para pigilan siya..

Siraulo ka ba? Bakit ka tatalon diyan?

iiwan mo na ako! ano pang silbi mabuhay!!

Umiyak ako. Niyakap ko nalang siya. Mahigpit. Huli na ito..

Edward, mahal na mahal kita. That's what I feel for you. 😭

Mahal mo pala ako, bakit mo pa ako iiwan?? 😭

Mahal nga kita, bakit nga ba kita iiwan? Hindi kita gustong iwa. Please intindihin mo ako. Wag ganito.

Mali. iiwanan kita kasi mahal kita.

Mukha namang nalabuan siya. Siyempre hindi niya alam ang dahilan. Pero kapag nalaman niya ito, siguro huli na ang lahat. 😭

Parehas lang kami natahimik, nakayakap ako sa kaniya. Siya naman ganoon din. Ang higpit. Yung tipong ayaw mong umalis sa yakap. Yung tipong nanaisin mong ihinto ang oras. Ayokong gawin ito pero iba ang gusto sa kailangan. Kailangan ko itong gawin.

Dahil sa yakap naramdaman ko na medyo kumalma siya.

Magiging masaya ka ba talaga dito Maymay?..

Gusto kong sabihin na hindi ko kaya na wala ka Edward, hihintayin kita, walang silbi ang buhay ko pag wala ka.. pero wala akong ibang nasabi kundi..

Oo. Sasaya ako dito.

Umalis si Edward sa pagkakayakap.

*PLING*

Nag snap siya ng fingers. Namatay lahat ng ilaw..

Maymay.. This is the day, I thought you'd be mine forever. I never expect na ang day na akala ko ganoon will be the day I'm gonna lose you.

Hindi ko maintindihan ang sinabi ni Edward.

Pero napatingin nalang ako sa langit..

O__________O

Hindi ko napigilan ang luha ko.

May jet sa ulap, kahit gabi na. At kahit madilim makikita mo parin na nagform siya sa langit ng..

❤ Will you Marry me Maymay? ❤

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Humagulgol nako sa pag iyak. Napaluhod ako sa sakit. Ngayong araw pala, kaya pala naghanda siya. Kaya pala ang formal, dahil sa magpopropose siya sa akin.

Yun ang pinakamasakit sa lahat. Yung parte na ito. Sobrang lakas talaga ng iyak ko. Pati yung waiter sa gilid kita ko naiyak na.

Hahahaha.. Maganda ba Maymay? Natuwa ka ba babe? Kasi.. gusto kong makita ang stars, at gusto ko ang cloud ang magatatanong sayo.. kung pwede kita pakasalan.

Nagpeke siya ng tawa pero tulo ng tulo ang luha niya. At ang higpit ng kapit niya sa railings na parang gusto na niyang durugin.

Mahal yan, parang yung nararamdaman ko sayo. Mahal kita Maymay. Hahaha corny pero nag ipon talaga ako para dito. Lahat ng savings ko dito ko ginamit. Plano namin ito ni Papa, hindi ko alam na papalpak. Hahahaha 😭

Patuloy parin ang pagpatak ng mga luha ko. Gusto kong sumigaw. Gusto kong bawiin lahat. Gusto kong sabihin na Yes, Edward I want to marry you!

Dahil yun naman talaga ang matagal ko ng gusto. 😭😭

ENDLESS LOVE ( MAYWARD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon