161

225 14 0
                                    

CHAPTER 161 ✨

Yung pagpapakasal na yan, eh di wag kang pumayag. Kaya mo naman hindi-an yan di ba? Basta sumama ka lang sa Mama mo. Kailangan ka niya.

Ang pagsasalita ko, emotionless. Patuloy ng pumapatak ang luha ko. Tapos nakatitig lang ako sa kawalan.

Edward masakit. ALamong hindi ko ito gusto. Pero kailangan ka ng Mama mo. May sakit siya. May cancer siya. Alam kong mahal na mahal mo siya. At kapag pinagdamot kita alam kong kasusuklaman mo ako. Dahil sa hindi ko sinabi sayo. Ayokong magalit ka sa akin kapag nawala si Tita. Ayokong kapag namatay siya sisisihin mo ako at hindi kita nilet go.

Gusto kong sabihin sa kaniya lahat ng yan. Pero sabi ni Tita wag ko daw sabihin kasi ayaw niyang malungkot ang anak niya sa nalalabing oras niya.

Isa pa, tinanggap ko na yung inaalok sa akin ni Tanner na pagmomodel. Makakatulong yun para pambawi ni Mommy at Dad (Tito Kevin) sa nawala sa negosyo nila.

Pumapatak ang luha ko pero nakangiti ako kay Edward. Hindi ko na alam..

Ano bang sinasabi ko? Bakit?..

Sorry Edward..

Maymay! Bakit ba puro negosyo ang nasa isip mo? Kaya kitang buhayin. Hintayin mo lang na makagraduate ako. Lahat ng trabaho papasukin ko. Pangako. Bakit puro negosyo? Bakit ka pumayag? Ano bang problema? May problema ka ba?

Edward! Andaming problema! Sobrang dami! Edward hindi mo ba ako maintindihan? Edward naman oh..

Wala! Wala naman kasing problema! Ayos tayo! Ayos pa tayo! Paano kita maiintindihan? Hindi ko alam kung bakit mo ginagawa ito. Bakit Maymay?

Tayo ayos! Pero yung mga tao sa paligid natin hindi! Edward ayokong maging madamot! Ayokong masaktan sila. Alam ko din na gusto mo din makasama ang Mama mo. Gawin mo na hanggat hindi pa huli ang lahat. Kailangan ka ng Mama mo!

Bakit mo ba ako tinataboy? Bakit ba?

Hindi ako sumagot. Bakit kita tinataboy? Sa tingin mo ba gusto ko yun? Hindi!!! Masakit sa akin yun!!

Oh sige. Pupuntahan ko si Mama. Babalik ako sakanya. Gagawin ko ang gusto mo. Palagi ko namang ginagawa ang gusto mo diba? Pero sasama ka sa akin! Sasama ka!

Hindi nga pwede. ALamong ayaw sa akin ng Mama mo. Isa pa, natanggap ko na ang trabahong inalok sa akin ni Tanner. Alamong pangarap kong maging model diba? Magiging masaya ako doon. Magiging masaya ako pag natupad ko ang pangarap ko.

Tumayo siya. At biglang..

Lumuhod si Edward sa harapan ko..

Ako naman nakaupo padin. Tulo lang ng tulo ang luha ko.

Masakit.

Yun ang nararamdaman ko. Lahat ng sinabi ko salungat sa nararamdaman ko. Pero lahat maaayos sa gagawin kong ito. Ang negosyo, si Tita Cathy lahat.. magiging masaya lahat. Kami lang ni Edward ang magsasakripisyo. Tiis lang Edward please.. tiwala lang..

Sabi mo hindi mo ako iiwan kahit kailan! Sabi mo lalaban tayo! Punyeta naman Maymay bakit mo ako tinataboy? Sabihin mo lang kung hindi mona ako mahal! Wag mo lang akong itaboy! Ang sakit sakit kasi..!!

Dahil sa sinabi ni Edward, bumigay na talaga ang luha ko. Paano niya nagagawang sabihin na hindi ko siya mahal? Eh lahat ng ito ginagawa ko para sa kaniya! Dahil mahal na mahal ko siya!

Mahal kita. Mahal na mahal. Don't doubt my love for you. Sa lahat ng mga bagay na sinasabi ko at nararamdaman ko, yung pagmamahal ko na lang sayo ang sigurado ako.

Gusto kong sabihin lahat ng yan sa kaniya pero wala akong lakas ng loob. Baka magulo lang ang lahat.

Lumuhod siya.. hinawakan ang dalawang braso ko.. ang higpit ng pagkakahawak niya. Masakit.

Pero sige ayos lang. Ang lamig na nararamdaman ko ngayon parang may parte ng buhay ko na mawawala.

Wag namang ganito Maymay. Wag ka namang umalis. Sabay nalang natin harapin ang Mama ko. Para maayos ang lahat.

Habang sinasabi niya yun gustong gusto kong sabihin na "hindi pwede, napagkasunduan namin ng Mama mo na aayusin niya lahat ng problema ng pamilya natin, kung iiwan kita." Pero iba ang lumabas sa bibig ko..

Edward hindi pwede, gusto ko ngang magmodel, pangarap ko yun!

Punyeta naman! Ipagpapalit mo ako sa pagmomodel? Maymay naman! Kaya naman kita tulungan doon! Hindi ako magseselos! Promise! Kahit na ilantad mo sa buong mundo yang katawan mo ayos lang, kahit na marami kang fans na lalaki ayos lang, kaya kitang suportahan! Gagawin ko lahat yun. Pangako. Wag mo lang akong iiwan! Wag naman Maymay! Please..

Inaalog alog niya ako.

Nag umpisa na siyang umiyak. Nakaluhod siya. Binitawan niya ang hawak niya sa braso ko. Yung ulo niya nasa may tuhod ko.

Leche naman Maymay! Wag kang ngumiti please.. wag mong ipakita sa akin na masaya ka pang pakawalan ako. Utang na loob.

Sa sinabi niyang yun, sobrang sumikip yung dibdib ko. Mahal na mahal ko si Edward. Pero kailangan ko itong gawin. Ang sakit sakit makita siyang umiiyak, nakaluhod. Parang dinudurog yung puso ko.

Habang nakaluhod siya, ramdam ko yung luha niya sa may tuhod ko. Tapos yung paghawaka niya sa kamay ko hindi mahigpit. Yung hawak na.. Wag kang mawawala sa akin kasi kaya naman kitang protektahan.

Maymay wag mo naman akong iiwan ngayon. 😭 ngayon pa na ang dami na nating pinagdaanan? Please naman. Mahal na mahal kita ehh. 😭

ENDLESS LOVE ( MAYWARD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon