110

302 17 4
                                    

CHAPTER 110 ✨

[ EDWARD's P.O.V. ]

Saan pupunta si Maymay? Kanina pa siya labas ng labas ng room. Tinotopak na naman ata siya.

Lumabas ako para hanapin siya. Gusto ko ding ipaliwanag sa kaniya lahat, miss na miss ko na talaga siya. Saan naman kaya nagsuot yun?

Wag! Wag! Wag sabi!

May narinig akong boses at sigurado akong kay Maymay yun. Nagmadali agad ako, sinundan ko kung san galing yung tunog at..

Ano to?!

Sino yang lalaking kasama niya? Anong karapatan nun hawakan si Maymay? Di ko nga yan pinapadapuan sa lamok sa tao pa kaya? Kaso..

Ano nga ba magagawa ko? Bakit pa ako magseselos? Eh ako na mismo nauna magpakita sa kaniya na may kasama akong iba. Si Heaven.

Sinetup lang naman ni Mama sa akin itong si Heaven. Hindi ko alam kung bakit. Pero kung matanong nyo kung bakit okay lang ako sa kaniya kasi..

Si Heaven ay childhood friend ko.

Noong bata kami close kami. Sweet talaga siya sa akin kaya sanay nakona ganyan siya. Kasi bata palang kaminagfifeeling na yun na kami ang ikakasal..

At sa tulong ni Mama mukhang matutupad nga ang pangarap niya.. =_____=

Eheeeemmm..

Nag ingay ako. Naiirita na ako sa nakikita ko.. pagtingin sa akin ni Maymay ewan ko bigla akong sumaya. Hindi ko kasi siya malapitan dahil kay Heaven.

Edward?

Ay hindi. Si Maymay ako. Si Maymay. Pssh! Tinaasan ko lang siya ng kilay. Tumingin ako doon sa lalaki. As on glare. Tapos nag smile lang siya.

Sus taken ka na pala. Sige una na pala ako. Bye!

Tapos naglakad siya na kumakaway kay Maymay.

Lumapit ako kay Maymay. Hinigit ko braso niya. Naiirita ako eh?. Ako lang dapat ang nahawak sa kaniya.

Aray Edward! Ano ba? Bitawan mo ako!

Sino yun ha?

Wala ka nang pakialam doon.

Basag. Sensya naman. Mahal lang kita eh? Yokong may nakikitang kasama kang iba. Kaya ganito ako sayo. Ang sabi ng isip ko.

Tiningnan lang niya ako. Inalis ko kamay ko na nakahawak sa kaniya. Naglakad nako paalis. Ano pang silbi ko dito? Maging kontrabida? Hayyss wag na lang.

Ed-Edward!

Noong narinig kong tinawag niya ako napangiti ako. Pero pag harap ko sa kaniya, tinaasan ko siya ng kilay. Kunwari masungit hehehe. Nanlaki ang mata niya. Natakot ata.

Di niya alam deep inside natatawa ako sa kaniya. Ang saya. Nakita ko ulit siya. Sobrang namiss ko siya. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit.

Edward sorry na kasi.. nabato ko siya ng bato, dumugo.. kaya sinamahan ko siya sa clinic.

Ano? Binato niya ng bato? Ano ba naman itong babaeng ito! Matindi!

Wait aacting lang ako..

Ganun? K. Wala naman akong karapatan malaman yan. Ano bang pakialam ko diba?

Tapos tumalikod na naman ako sa kaniya. Tapos pagtalikod ko nagpipigil akong tawa.

Kunwari ka pa diyan. Kinikilig ka lang eh?

Hinabol naman niya ako, tapos hinawakan ang kamay ko. Bigla akong namula at napatigil. Bumilis ang tibok ng puso ko. Ganito ko ba talaga siya namiss?

Sorry na nga eh? Wala naman yun eh?

Wala daw.. eh bakit kayo nagkikilitian?

Tapos tiningnan niya ako.. Ako  naman parang.. Oh problema mo?

Maya maya lumapad ang ngiti niya. As in ang laki, yung pang aasar!

Bakit?

*grin* 😏

Ano?

*grin* 😏

Maymay!!

Sabihin mo nga.. nagseselos ka ba? Huh?

Namula naman ako sa sinabi niya. Ako magseselos? No way!

Yiiieeee... Speechless! So selos ka nga? Ikaw talaga! Yiiieee..

Kinikiliti niya ako, hanggang sa makarating kami sa sikretong tagpuan dito sa school. Yung playground..

Edward! Sungit! Sungit! Ayaw ako pansinin! Uyy..

Kinakalabit niya lang ako. Pinapanood ko lang siya. Sobrang ganya niya talaga. Namiss ko talaga itong si Maymay.

Bigla ko tuloy siyang nayakap. Tapos umalis agad ako.

Sorry.

Tapos siya naman namumula. Tumingin lang siya sa ibaba.

*SILENCE*

Edward we need to talk.

Alam ko.

*SILENCE*

[ MARYDALE's P.O.V. ]

Naupo kami sa swing. AKo nagsuswing. Siya pinapanood ako.

Maymay.

Yes?

I'm sorry.

I'm sorry?  Bakit ba ayaw kong marinig ang sorry niya?  Siguro dahil ang huling sorry niya sa akin ay dahil sa hindi ako ang pinili niya pero ang mama niya.

Ngayon anong ibig sabihin ng i'm sorry niya? Na si Heaven ang pinipili niya?

Maymay, I'M SORRY kasi hindi kita nailigtas noong muntikan ka ng malunod. I'm sorry kasi wala ako para magcelebrate ng Bagong Taon. I'm sorry kasi bago palang ang relasyon natin nagbreak na tayo. I'm sorry kung pinili ko ang Mama ko kesa sayo. I'm sorry kung ang tagal kong hindi nagparamdam sayo. At I'm sorry kung may bago na akong fiance.

Ano to? Lumalakas ang tibok ng puso ko. Sasabihin na ba niya na.. tama na! Wag na lang? Sasabihin ba niyang iiwan na niya ako?

Maymay..

Wag na wag mo akong iiwan please ang sabi ng utak at puso ko..

Maymay..
I LOVE YOU! ❤

Nanlaki ang mata ko 😳 bakit niya sinasabi sa akin ngayon yan?

Tumayo siya, lumuhod sa harapan ko at niyakap ako. Bakit ano na naman bang pakulo ito? Lalapit na naman siya sa akin at sasabihing i'm sorry? Ganoon na lang ba yun?

Maymay hindi kita nailigtas dahil tumakbo agad ako. Hindi ko alam na nadulas ka. Hindi ko alam na nahulog ka. Akala ko napaupo ka lang. Sorry kung nasaktan kita.

ENDLESS LOVE ( MAYWARD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon