146

201 13 0
                                    

CHAPTER 146 ✨

Okay na napagpaalam ko na kayo. Aalis na tayo.

Po? Saan po tayo pupunta?

Wag kang sumigaw hindi ako bingi! Saan pa ba eh di sa Mama ni Edward.

Po??

Ohmyghad! Seryoso?? Tapos pinasakay niya kami sa sasakyan niya. Magkatabi kami ni Edward sa likod. Si Lola naman katabi nung driver.

A--W--K--W--A--R--D..

Ano ba kayong dalawa? Nag away ba kayo? Bakit hindi kayo umiimik? At ikaw Edward anong problema mo? Bakit hindi na si Dale ang fiance mo? Sira ba yang tuktok mo? Ha? Alam nyo bang tumaas ang blood pressure ko noong nalaman ko sa mga kaibigan niyo na nag aaway kayo?

Mga kaibigan daw? Sinasabi ko na nga ba. Sina Kisses ang may gawa nito. Siguro dahil sa pumalpak ang plano nila kanina.

Oh bakit hindi kayo umiimik diyan? Ha? Ano? Nagbreak na ba kayo? Pagkatapos ng lahat! Ng mga training ko sa inyo ganito lang pala ang mangyayari? Ah umiinit ang dugo ko sa inyo!

Sumulyap ako sa side ni Edward nakatingin siya sa kamay ko..

Yung bracelet..

Ah paano ko ba sasabihin?.. >___<

Napansin ko rin may sugat yung kamay niya. Ang laki. May ibang parts na may band aid pero kita mo na may sugat.

Anong meron?

Lumipas ang 30mins na sobrang tahimik. Hindi parin kami nagkikibuan ni Edward.

Baba.

Pagtingin ko..

Woah! Ito yung bahay ng Mama ni Edward? Ang laki...!!

Paglabas namin diredirecho si Lola sa bahay. Grabe ha? Ang fierce niya talaga..

Pagpasok..

Mama?

At nakita ko yung pagkashock ni Tita Cathy. Si Lola naman nag uusok na ang ilong. Mukhang galit na galit siya.

Ano bang problema sayong bata ka ha? Anong kasalanan sayo ni Dale para palitan mo siya bilang fiance ni Edward? At anong karapatan mong kunin si Edward kay Kevin?

Ma-Mama i'll explain..

Anong explain? Sira ba ang tuktok mo? Ilang taon ka nawala tapos bigla mong kukunin si Edward? Ha? Tapos magbibigay ka ng bagong fiance na hindi naman mahal ng apo ko? Talaga namang!! Wala ka ng dinulot sa pamilya ko kundi kamalasan!

*blag*

Tama na!!!!!

O___________O

Napatingin ako kay Edward. Binato niya kase sa sahig yung vase.

Lola! Ano ba! Ang sakit mong magsalita! Mama ko parin siya!

Edward--..

Ako ang nagdesisyon na sumama kay Mama! Kaya wag nyo siyang sisihin!

Ayos lang naman na sumama ka sa kaniya dahil ina mo siya. Pero anong karapatan niyang sabihin na wag si Dale ang fiance mo ha?? Nalaman ko rin na hindi na kayo nag uusap sa school dahil kapag nalaman ni Cathy ay ipapadala ka niya sa New York. Ano??

Nanahimik lang si Edward. Hay pwede kayang lumabas muna ako?..

IKaw na bata ka! Hindi mo ba iniisip ang lagay ni Dale ha? Napaka selfish mo! Naisip mo ba ang pwedeng maramdaman ni Dale sa ginawa mo ha??

Pero alam naman niya na-- Nevermind.

Hindi na niya itinuloy dahil malalaman ng Mama niya yung pagiging Secret Lovers namin.

Edward bakit ka ganyan ha? Bakit?

Dahil Mama ko si Mama.

Napatahimik si Lola. Nanahimik ang buong paligid. Lahat nakatingin sa kaniya.

Bata palang ako sa school. Kapag tag ulan palagi kong nakikita yung mga kaklase ko na sinusundo ng Mama nila na may dala dalang payong. Tapos masaya silang aalis ng school. Pero ako naiiwan doon! Lagi kong hinihintay si Papa na palaging late dahil sa trabaho! Lagi kong iniisip kelan kaya ako magkakaroon ng Mama na susundo sa akin? Kelan kaya? At ngayong dumating yung araw na yun. Nagkatotoo yung hiling ko na magkaroon ng Mama. Sabihin mo Lola mali ba yun?

Napatahimik ako. Ganun pala ang nasa isip niya. Gusto niya talaga magkaroon ng Mama. Nakita ko si Tita Cathy umiiyak nalang sa may tabi.

Hindi yun mali apo. Pero ang gusto ko lang iparating, bakit pati relasyon mo kay Dale naapektuhan?

Napatahimik si Edward.

Hinarap ni Lola si Tita Cathy.

Cathy. Sinasabi ko sayo kapag ginalaw mo si Dale at si Edward ako ang makakalaban mo. Kuha mo??

Hindi umiimik si Tita Cathy. Mukhang takot din siya kay Lola Fina.

Wow talaga si Lola ang POWERFUL!!

Biglang nagsalita si Tita Cathy ng..

Mama gusto ko si Heaven para kay Edward. Bakit hindi mo maintindihan yun?

Eh ikaw bakit hindi mo maintindihan na gusto ni Edward si Dale? At hindi yang Heaven na yan?! Atsaka hindi mo ba naiisip ang feelings ni Heaven? Eh hindi naman siya ang mahal ni Edward? Tama ba Edward?

Kaming lahat ay tumingin kay Edward. Nag nod lang siya. Tapos nakita ko si Tita Cathy napapikit.

Isa pa anong masama dito kay Dale? Walang kulang sa kaniya. Mabait. Maganda. Matalino. Anong problema mo?

Hindi parin ako payag Mama. Hindi ako papayag.

Pwes ako payag. Sa ayaw at sa gusto mo si Edward ay para kay Dale. Tara na mga bata.

Edward wag kang umalis! Sabi ni Tita Cathy.

Napatigil si Edward.

Edward apo its either yung Mama mo o si Dale.

Nasaktan ako. Bumalik sa akin yung memories na pinapili siya. Babalik na naman ba kami sa dati? Bakit ba sumama pa ako dito? Alam ko naman na dito rin mauuwi yun eh. Sana sumakay nalang ako sa bus para may kasama si Tanner.

I'm sorry..

Yan na naman yang i'm sorry na yan ni Edward..

Tears wag kang tutulo please..

Wag muna. Please maging matatag ka naman Dale kahit once lang..😢

ENDLESS LOVE ( MAYWARD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon