158

221 15 1
                                    

CHAPTER 158 ✨

[ MARYDALE's P.O.V. ]

Hello? Babe? Ready ka na ba?

Oo. Asan ka na ba?

Malapit nako. Be ready.

Sure.

Bye babe. I love you.

Sige.

Tumingin ako sa salamin at napaisip.

Bakit sa akin kailangan mangyari ito?

Bumababa ako papuntang sofa. Nakita ko nalang si Mommy at Dad (Tito Kevin) na umiiyak.

Hindi ko mapigilang maiyak din kasama nila.

Hay ang bigat bigat ng pakiramdam ko.

Pakiramdam ko pasan ko ang buong mundo.

Hija, sorry. Nakita mo kaming ganito. Teka bakit ka nakadress? Ngayon na ba ang lakad niyo ni Edward?

Sabi ni Dad(Tito Kevin) na nagpunas ng luha niya at pinipilit magmukhang masaya sa harap ko. Sa sobrang lungkot niyakap ko nalang siya. Naramdaman ko naman na may pumatak na luha sa braso ko.

Umiiyak siya.

Si Dad (Tito Kevin) na isip bata, malambing at palaging masaya. Umiiyak.

Parehas sila ni Mommy. Masyadong mahalaga ang kumpanyang ito.

Si Mommy para sa kaniya ang kumpanya ang huling alaala ni Daddy. Yung totoo kong ama.

Si Dad (Tito Kevin) kung matatandaan. Ang pagnanais niyang umasenso ang kumpanya ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Tita Cathy. Ito rin ang dahilan kung bakit sobrang layo ng loob ni Edward sa kaniya. Kung kailan naman maayos na sila ni Edward tsaka mangyayari ito sa kumpanya.

Bakit ganito?

Kung kailan masaya at ayos na lahat tsaka bumabaliktad?

It's like a twist in time.

Umalis siya sa yakap. Hinarap ako at pinunasan ang luha.

Maging masaya ka lalo na ngayon. Wag mong masyadong problemahin ang kumpanya. Ako ang Dad mo at Dad ni Edward. Ako ang bahala sa inyo.

Tapos ngumiti nalang ako at niyakap siya. Tapos lumapit narin si Mommy at nagyakapan kaming tatlo doon.

Oh ano ito?

Lahat kami napatingin sa may pinto. Si Edward pala.

Hindi ko po nanakawin sa inyo si Maymay. Hihiramin ko lang po.. habang buhay.

And as usual. Sa gitna ng lungkot ko. Palaging lalabas si Edward para pangitiin ako.

Tumabi siya sa akin at inilagay niya ang kamay niya sa may bewang ko.

Para kayong aattend sa prom ah!

Oo nga nakakakilig!

Teka picture... alaala..

Tapos umalis si Dad (Tito Kevin) at kinuha ang kamera. Tumingin ako kay Edward at kita kong nakatitig siya sa akin. Nailang ako kaya napatingin ako sa kabilang direksyon.

Lumapit siya sa tenga ko at bumulong ng..

Hindi na ako makapaghintay na iharap ka sa altar.

Tapos sobrang namula ako doon. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang kilig!

Tapos dumating si Dad (Tito Kevin), pinagtabi niya kami at..

*CLICK*

Waaahhh! Bagay na bagay talaga kayo! Oh sige na dali, pumunta na kayo sa pupuntahan niyo. Gabi na!

Sige po. Una na po kami.

Tapos hinawakan ni Edward ang kamay ko at inalalayan ako papuntang kotse.

Saan kaya ako dadalhin ng lalaking ito?

Mahaba ang biyahe natin. Mukhang pagod ka. Matulog ka muna.

Huh?

Matulog ka na muna. Hindi naman kita ililigaw. Hahaha sige na tulog na.

At dahil sa sinabi niya, natulog nga muna ako.

*smack*

Babe we're here..

Tapos nakita ko lang naman ang lalaking mahal na mahal ko.

Pagmulat ko..

O___________O

Edward? Why did you bring me here? Do you wanna bury me alive?

Tapos tumawa lang siya.

Bakit ganoon ang reaksyon ko?

Simple lang naman, dinala niya ako sa sementeryo! And to think its 8pm!

Don't worry babe. I won't let anything happen. I swear. I'll protect you.

Tapos hinawakan niya ang kamay ko. At nilagyan ng blind fold ang mata ko.

Super fail.

Although ang cool ni Edward kasi he so gentle.

I mean.. Not like Edward. The ordinary Edward who is pilosopo. He's so gentle.

Pero as i said. Super fail. Because I'm wearing dress and heels as well. And he blindfold me? In a graveyard?
Sobrang hirap akong maglakad kasi hindi naman patag ang lupa. Kaya ang ginawa ni Edward binuhat niya ako. Yung pang princess.
Pero naka blindfold padin ako.

Hanggang sa binaba na niya ako. Inalis ang blindfold at..

Pumatak nalang ang luha ko.

Dinala niya ako sa puntod ng Papa ko. 😢

Biglang kumanta si Edward..

🎵🎵🎵🎵🎵
Sir, I'm a bit nervous about being here today. Still not quite sure what I'm going to say, so bare with me please if I take up too much of your time. 🎵🎵🎵🎵🎵

Nag gigitara at kumakanta si Edward samantalang ako patuloy paring umiiyak.

🎵🎵🎵🎵🎵
See in this box is a ring for your oldest. She's my everything. And all that I know is. It would be such a relief if I knew we were on the same side. Coz very soon I'm hoping that I'd.. 🎵🎵🎵🎵🎵

Tumigil sa pagkanta si Edward. Lumapit sa akin. Pinunasan ang luha ko. Tapos hinalikan ang noo ko.

🎵🎵🎵🎵🎵
Can marry your daughter. And make her my wife. I want her to be the only girl that I'd love for the rest of my life. And give her the best of me till the day that I'd die. I'm gonna marry your princess and make her my queen. She'll be the most beautiful bride that I've ever seen. I can't wait to smile when she walks down the aisle. On the arms of her father on the day that I marry your daughter. ❤ 🎵🎵🎵🎵🎵

Lalo akong napaiyak.. dahil kapag ikinasal na ako, wala si Papa na maghahatid sa akin sa altar😭

ENDLESS LOVE ( MAYWARD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon