79

317 12 0
                                    

CHAPTER 79 ✨

Hay naku tama na nga yan. Tayo na!

Aalis na sana kami kaso nandoon si Marco. Nakatayo at sobrang seryoso.

Loisa sana nga nabubulagan ako. Sana ikaw na yung makita ko at hindi si Dale. Dahil masakit ang makita silang magkasama. Kaya sana matauhan nako.

Bigla naman siyang binato ni Edward ng notebook!

Yan pwede na? Ang drama niyo! Tara na!

Lumakad naman siya. Ang sweet talaga ng fiance ko! Naku! Sobrang sweet sana pulutanin na siya ng mga langgam, nagdadabog nako ng mahina doon. Nang mapansin ko ng nasa unahan ko na ulit si Edward, kanina kasi iniwan ako. Hay..

Oh bakit naka nguso kana naman diyan? Konti nalang Donald duck kana. Tara na.

Bumalik ka pa. Lalakad nadin ako. *pout*

Nagsimula na ako lumakad. Malayo layo nadin kasi si Loisa at Marco kaya lumakad nadin ako. Kaso hinila naman ako ng magaling na si Edward.

Bumalik ako kasi naiwan ko yung pinakamahalagang tao sa akin. Pag di ko binalikan baka makuha agad yun ng iba. Mahal ko yun eh!

Natouch na naman ako! Ang galing talaga magpakilig nitong si Edward ehh.. sarap batukan!

So ayun sabay sabay kami bumalik sa room. Kasi bigayan na ng results ng finals sa trigo!

Marco hindi tayo bagsak! Hindi tayo bagsak!

Oo nga panget! Oo nga!

Nagyakap kami tapos tumalon talon. Ewan ko ba, pero simula ng umamin si Edward at sa mga nangyari kanina, marami ng nagbago, lalo nasa pagtrato ko sa mga taong ito.

Pinaghiwalay kami ni Edward tapos itinulak niya si Marco kay Loisa. Tapos ang sama ng tingin sa akin ni Edward!

Oh bakit na naman?

Yakap pa!

Peste! Nagselos na naman! Sobrang seloso talaga ng lalaking ito!

Selos ka na naman? Alamo namang naclear ko na yung feelings ko at sigurado nako sayo!

Selos? Spell A--S--A..! Diyan kana nga!

Umalis siya palibhasa two mistakes lang siya sa trigo! Ang galing talaga nun sa math! Nagpaturo ako sa kanya kaso nabadtrip lang siya sa akin, ang slow ko daw? Ang swerte ko sa kaniya ano? hmp!

Seloso talaga ni Edward.

Ay naku sinabi mo pa! Pero nakapasa tayo Marco!

Tama!! Hu--..

Maghuhug ulit sana kami kaso..

Sumingit naman ang magaling na si Edward. Sumingit sa gitna namin ni Marco. Kaya siya ang nakahug ko. Hmm..bango!

Hug babe nuh? Hug? I love you too!

Baliw siya! Nakakaasar yung ngiti niya! Sinamaan ko nalang siya ng tingin pero kinikilig talaga ako.. peste ang bango niya! Sarap yakapin!

Dale!!!!!!!!!!

Napalingon ako, si Enrique! Natakbo papalapit sa akin. Kaso hinarangan siya ni Edward

Ano kelangan mo kay Maymay?

Sasabihin ko lang na nakapasa ako!

Congrats pare!

Ha? Ano bang score mo?

Ngumiti naman ng malaki si Edward at pinakita ang test paper niya. Si Enrique naman na pa O___________O

Taob ka! Akin na itong si Maymay. Kaya wala ka ng karapatang lumapit.

Cheesy na naman itong si Edward. Sana ganito nalang kami araw araw palaging masaya.

Dalawang araw ang nagdaan at tapos na ang Finals! Yung ibang grades sa internet ko nalang titingnan. Ayoko ng pumunta sa school! Gusto ko lang matulog, matulog at matulog! Andito ako ngayon sa kwarto ko at 5am na pala kaya matutulog pa ako. Yung alarm kasi ginising ako!

*swooooossh*

Ano yun? Maya maya may gumagalaw sa bintana sa may terrace. Pinuntahan ko naman.

Matapang ako! Matap---... AAAH!

*meow meow*

Pusa? Asan na yung pusa? Wala naman pusa! O baka tumalon lang! Tutulog na nga lang ako.

Pagtalikod ko...

Meoooowww!
Raaaawwwrr!

Aaaaaahhhh!

Dinamba ako ni Edward sa kama. Nasa unahan ko siya. Nakahiga kami at nagkatinginan. Anong ginagawa nito dito?

Matapang pala ha? Hahahahaha

*SLAP*

Natigilan siya. Nakakatitig lang siya sa akin. Ewan ko ba pero naluha ako. Natakot ako. Bakit siya nagloloko ng ganun? Andami kayamg siraulo sa panahon ngayon! Nakakainis hindi nalang magtext na pupunta siya. Bakit kailangam pang manakot? Naiiyak ako. Naiinis ako.

Maymay sorry.. natakot ka ba? Sorry..

Umiiyak nako nun. Pinunasan naman niya yung luha ko. Nasa unahan ko padin siya. Ako naman nakahiga padin sa kama.

Hmm.. bakit ba natatakot ka pa? Andito naman ako. Sa tingin mo ba hahayaan kong may mangyaring masama sayo? Simula ngayon babantayan kita. Kahit saan. Babantayan kita.

Hinaplos niya yung mukha ko. Tinrace yung mata, papuntang ilong hanggang mga labi "TRUST ME. I'LL GUARD YOU! Kahit nasaan ako, pupuntahan kita. I'll keep that promise! Kahit anong mangyari i'll be with you forever.

Edward forever is just a word. Forever does not exist.. Forever-....

Forever starts today. And if it doesnt exist. I'll show you the real meaning of forever.

Bumangon ako at umupo. Umupo din siya at niyakap ako.

Thanks for accepting my feelings, for choosing me.. Promise you'll never regret the day na ako ang pinili mo. I'll takecare of you. You're my most precious possession. I love you in everyday of our forever.

Nagsmile lang ako.

Edward can you say those words again?

What words? You're my mo--..

No! not that!

Eh ano?

Three words. I wanna hear it now that i'm finally yours.

As i hear those words alam ko si Edward John Barber na.😘

I LOVE YOU. ❤

ENDLESS LOVE ( MAYWARD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon