166

260 14 0
                                    

CHAPTER 116 ✨

Kailangan pa paulit ulitin? Oo kapag nalaman ni Mommy na kami ulit ni Maymay ipapadala niya kami ni Heaven sa New York at ipapakasal niya kami agad. Kaya kailangan kong itago ang lahat sa amin ni Maymay. Tapos galit pa siya sa akin? Ang hirap naman nito.

So Edward saan tayo magdedate?

Huh? Date raw? Hayyss kailangan ko siya idate.

Tapos ayun dinala ko siya sa mall. Kinukulit niya ako. Dapat daw holding hands kami.

Edward you should hold my hand! Tingnan mo ang mga girls dito, they are all looking at you! Naiinis ako!

Heaven naman, maiinsecure ka pa ba sa mga babaeng yun? Maganda ka naman.

You make me so kilig. So you should be thankful, you're the guy i wanna be with! Right?

*smile*

Edwaaaarrrddd!!!

Huh? Kaboses ni Maymay yun ah?! Pag tingin ko sa likod. Nakita ko lang si Heaven na kinakausap ng mga tao. Model din kasi siya.

Hi Miss ang ganda mo naman. Baka pwedeng makuha ang number mo?

No i'm sorry.

Tapos nakita ko na naglalakad na papalapit sa akin si Heaven kaso hinarang siya noong tatalong lalaki.

Sige na miss. Papaligayahin ka namin.

Oo nga miss. For sure mag eenjoy ka.

Huh? Get lost!

Hoy umalis nga kayo diyan!

Napatingin sa akin ang mga lalaki.

At sino ka naman?

Si Edward.

Siraulo pala to eh.

Susuntukin sana ako kaso naharang ko kamay niya. Tapos nanlaki ang mata niya.

Subukan nyo lang lumapit sa kaniya, malalagot kayo sa akin.

At nagsitakbuhan sila. Ay naku naman..

Edward *hug*

Bigla nalang ako niyakap ni Heaven.

Heaven ang daming tao.

And so? I just want to hug you like this.

Hay naku naman. Naririnig ko ang mga tao sinasabing..

"Ang ganda siguro ng magiging anak nila."

"Siguro sila na talaga para sa isat isa."

Ano ba yan? Eh hindi nga kami. Eh ang gusto ko talaga ay si..

O__________O

Bakit siya nandito? At kasama niya pa si Marco at Loisa.

Edward?

Napatingin ako kay Heaven.

Are you bored? I'm boring right?

Heaven hindi sa ganun. Tara na nga.

Dinala ko siya sa store na pinuntahan nila Maymay. Gusto kong makita si Maymay. Miss na miss ko na naman siya.

Edward? Bakit tayo pupunta sa Purplebox?

Ah ehh.. hay naku pumasok kami sa loob. Si Heaven mukhang bored. Ayaw niya kasi ng ganito. Tapos pagtingin ko sa kanan..

Si Maymay..!

Nakaharap siya sa may salamin, sinusukat niya yung ribbons. Ang dami dami na niyang ganyan sa bahay nila. Pero habang pinapanood ko siya hindi ko mapigilang ngumiti.

Naisip ko noong una, sobrang makulit na bubwit lang siya na wala ng ginawa sa buhay ko kung hindi pagalitan ako dahil sa hindi ako magaling umarte. Pero ngayon heto siya, hindi lang parte ng buhay ko pero BUHAY KO NA!

Bakit nga ba ako ganito? Bakit hindi ko siya maipaglaban? Bakit hindi ko siya mapili? Sinabi ko pa sa kaniya na maging secret lovers kami.

Pero buti nalang ibang klase babae si Maymay. Kahit ganoon, naiintindihan niya ako. Na mahal ko lang talaga ang Mama ko. Pumayag siya na hindi siya ang piliin ko. Na ganito lang kami. Palihim. Ang swerte ko sa kaniya.

Sorry Maymay, kasi maling lalaki ang napili mo. Siguro kung makahanap ka ng lalaki na mas okay sa akin, ilelet go kita. Hindi dahil sa hindi kita mahal. Pero sa tingin ko, you don't deserve me.

You're so precious. Hindi ko kailangan ang ganitong lalaki sa buhay mo. Yung hindi ka kaya ipaglaban.

Ang tanga tanga ko naman kasi ehh.. bakit ba kasi ako ganito?

Bakit ba tinetake ko siya for granted?

Bakit hinahayaan ko siya masaktan?

Bakit ako pumayag na magkaroon ng bagong fiance?

Bakit ko siya iniwan noon? Bakit ko nagawa ito?

Siguro nga hindi ako ang tamang lalaki para sa kaniya, wala akong gagawin kung hindi ang saktan siya. Wala akong magandang maidudulot sa kaniya kung hindi problema.

Maganda pa siguro kung isusuko ko nalang siya.

Kaso..

Nakita ko, bigla siyang ngumiti..

Bigla akong nasaktan.

I'm so sorry Maymay.

Sorry Maymay pero hindi ko kaya.

Hindi ko kayang isuko si Maymay. Hindi ko kayang iwan ang babaeng may ganyang klase ng ngiti.

Hindi ko kayang iwan ang babaeng nagpapatibok ng ganito kalakas sa puso ko.

Hindi ko kayang iwan ang nag iisang babaeng nagpapasaya sa akin.

Hindi ko kayang iwan ang babaeng patay na patay sa purple, lavender, violet.

Hindi ko kayang iwan ang babaeng iiyak sa phone dahil slow at hindi naiintindihan ang sinasabi ko.

Hindi ko kayang iwan ang babaeng mahal na mahal ko.

Edward!

Narinig ko nalang sumigaw si Heaven.

Sorry Heaven.

Ayoko ng ganito. Ayoko na may nasasaktan akong babae. Ako ang unang nagalit kay Marco dati. Pero ngayon ako ang gumagawa. Ayoko ng ganito. Kainis.

Tumakbo ako sa kung nasaam si Maymay, kinuha ko ang kamay niya at hinila ko siya. Kita ko naman na gulat na gulat siya.

Edward? Anong ginagawa mo rito? Bitawan mo ako! Saan tayo pupunta? Edward!!

Sigaw lang siya ng sigaw. Ang mga tao sa mall nakatingin na sa amin. Bigla akong hinarang ng security guard.

Sir sumama ka sa amin.

Tapos kinuha niya ang kamay ko tapos pinosas. Ganito ba ka O.A sa mall na ito?

Bakit nyo po siya pinosas?

Guard: kasi kinikidnap ka niya..

ENDLESS LOVE ( MAYWARD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon