53

322 15 0
                                    

CHAPTER 53 ✨

Laalambingin ko nalang si Edward. Kasi pag sinabayan ko ito ng init ng ulo mag aaway lang kami.

Hoy Edwardpot bakit ang sungit mo sa akin? Bakit ang sungit ng babe ko ha?

Humabol ako at isinabit ko ang kamay ko sa arms nya. Ngayon ko lang narealize na bagay pala ang height namin.

Umalis ka dyan, para kang unggoy!

Ang sungit naman! Hindi umeepek ang lambing ko.

Edward ko! Babe....!!!

Todo pa cute nako dun, pout, puppy eyes, beautiful eyes.. pero grabe walang epekto!

Edward bakit ba ang sungit mo? Dahil ba sa chocolates na bigay ni Enrique? O dahil sa pagkausap ko sa kanya? Sorry na babe wag kana magalit sa akin.

Tapos ayun tumigil naman sya sa paglalakad. Tapos tumingin sa akin, ang seryoso nya!

Hindi naman yun Maymay.

Eh ano pala?

Kasi.. kasi.. kasi..

Kasi ano??

Kasi ang dami ko pa palang hindi alam sayo. Ayan tuloy natalo ako ni Marco. Naasar ako. Dapat ako ang partner mo. Naiinis ako sa sarili ko.

Awww natouch naman ang beauty ko. Lagi nalang ako ang iniisip nitong si Edward. Ginulo ko ang buhok nya.

Ikaw talaga babe, wag mo ng isipin yun. Hayaan mo simula ngayong oras na ito. Kakalimutan ko na si Marco. Hindi nako aasang babalik pa sya. Titigilan ko na ito! I'll try.. gagawin ko namab lahat ng best ko para maging mabuting girlfriend sayo at fiance. Sorry na wag kana magtampo.. please babe..

Inayos nya yung buhok nya. Tapos nag smile sya. Grabe pinagpawisan  ako ng bongga para makuha yung smile na yun ah?

Ang baby ko talaga!

Ano daw baby? Anak ng tokwa! Tapos inakbayan nya ako. Hay baby daw?  Pero sige ayos na yun, lahat na ata naitawag nya na sa akin. Basta bati na kami.

Ayun kumain lang kami. Siguro nga dapat ko ng kalimutan si Marco at panindigan ko nalang ang pagiging fiance kay Edward.

Lumipas ang isang linggo. At nandito na naman kami sa school. Monday na naman at may music na naman kami. At magkagroup padin kaming apat, ako si Edward, Marco at Loisa.

Wifey kumain ka na ba?

Oo, bakit?

Ah wala.

Ayun naglalakad na kami papuntang class room. Feeling ko ang putla ni Edward. Bakit kaya?

Husband okay kalang ba? Parang ang putla mo.

Huh? Baka gutom lang. Di ako nagbreakfast.

Ha? Bakit ngayon mo lang sinabi? Eh nandito na tayo sa classroom. Buti nalang may pabaon si mama na lunch sa akin.

Oh kumain ka. May pinabaon sa akin si Mama.

Eh sayo kaya yan.

Ano kaba kumain kana.

Pasandal nalang ako sayo. Ang sakit kasi ng ulo ko babe.

Hala bakit? Ano ba ito si Edward =___= paano sya sasandal sa akin?

Kandong ka nalang sa lap ko.

Nababaliw na ba ang lalaking ito? Asa school kaya kami. Kokonti palang ang mga estudyante. Lima palang ata kami sa classroom. Napa aga kami ngayon.

Eh kung suntuin kaya kita Edward?

Masakit na nga ang ulo ko hay.. ang sweet mo din babe nuh?

Naman.!

Umupo nalang ako sa desk ng chair. Tapos ayun sinandal ni Edward yung ulo nya sa likod ko, pinulupot pa nya ang kamay nya sa waist ko. Naiilang naman ako sa ganung pwesto. Tapos dumating si Vivoree at Christian.

Vivoree: Ahem! Sa bahay niyo na po yan gawin ha? Sa bahay..

Christian: Oo nga pare lalanggamin kami sa classroom.

Kayo talaga nahihilo kasi ang aking fiance, kaya wag kayong magulo dyan!

Vivoree: Ang hirap naman ata ng pwesto nyo.

Hindi ko din kase alam kung papaano.

Christian: Hay naku. Kumuha ka ng chair na may left desk at chair na right desk tapos pagtabihin mo.

Oo nga nuh? Thanks Christian! Teka kukuha ako ng---.. oppss..

Hala sorry Edward, okay ka lang?

Nakaubob lang sya sa table. Aba parang masama talaga ang pakiramdam nya. Kawawa naman ang babe ko!

Vivoree at Christian pwede ba kayi nalang yung kumuha ng chair. Tumango naman sila.

Ako ang ginawa ko, binuhat ko yung uko ni Edward tapos ipinatong ko muna sa balikat ko. Wala naman syang lagnat kasi hindi naman sya mainit. Baka masakit lang talaga ang ulo.

Ano bang nangyari sayo at biglang sumakit ang ulo mo? Kaya mo bang kumain?

Masakit lang ang ulo ko pero hindi ako paralyzed.

Ang sungit naman nito, iwan na nga kita dyan.

Tapos pinulupot nya yung right arm nya sa waist ko. Nakasandal padin sya sa shoulders ko. Pinagpapawisan nako dito.

Wag mo akong iiwan Maymay!

Sshhh.. dito lang ako. Matulog ka na nga lang sa balikat ko pero bago yan kumain ka muna.

Ayoko.

Kailangan. Papainumin kita ng gamot.

Wala akong sakit.

Pero may masakit. Sige kumain kana. Kinuha ko naman yung pagkain sa bag ko.

To: Kisses

Hoy babae bilisan mo yung gamot!

Send

Kanina ko pa sya tinetext, nasa mercury nadaw sya.

Oh babe kumain kana, wag na matigas ang ulo.

Paano naman ako makakakain eh yung kamay ko nasa waist mo.

Eh di alisin mo!

Aalisin ko na sana kaso pinigilan nya.

Eh..wag.. nakakahilo.. basta.

Eh ayaw mo ang kumain tsk!

Subuan mo ako babe!

Subuan? Baliw kana ba?

Sige hindi nalang ako kakain.

Hay naku pasaway ka talaga!

So no choice sinubuan ko sya. Alam ko kasi ang feeling ng masakit ang ulo. So ayun sinubuan ko sya para makakain ng maayos.. kunwari pa itong lalaking ito eh? Hmp... =________=

ENDLESS LOVE ( MAYWARD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon