60

370 18 5
                                    

CHAPTER 60 ✨

Umalis na kami ni Mommy at inayos ang bill ni Edward. Pagkatapos namin bayaran ang fees, nadoon na sina Edward sa kotse. Si Mommy katabi si Dad (tito kevin) ako naman katabi ko si Edward sa likod. Ano ba naman ito?  Parang naturukan ng pampabata, paano naman nagpapabili ng ice cream. Daan daw kami sa store ni Sir Jerome, grabe nagdedeliryo na ata sya sa taas ng lagnat niya.

Maya maya pinakain ko nalang sya ng lollilop, ang weird nya! Tapos pinatong nya yung ulo nya sa balikat ko. Pag tingin ko tulog na.

Anak nadedevelop ka na ba dyan kay Edward ha?

Oo nga naman anak, itutuloy na ba natin ang kasal?

MOM! DAD! Ang kulit nyo!

Hay naku Dale hindi ko din alam kung bakit nagawa ni Marco yun mabait na bata yun eh?

Lorna minsan kasi talaga natutukso ang mga lalaki!

Hay naku Kevin! Anak tingnan mo bagay naman kayo ni Edward, bakit hindi nalang sya diba?

Oo nga Dale. Ang anak ko naman masungit talaga yan pero caring yan isa pa mukha namang gusto ka nya.

Ako gusto ni Edward? Spell A-S-A!

Isa pa, hindi ba masaya yung ganito? Para tayong pamilya. Kayo nga lang ang mag asawa at hindi kami ng impaktong ito!

Sus Lorna bigo ka lang kasi sa first love mo!

Anong bigo Kevin? Dalawin ka sana ng tatay ni Dale.

Sus kabarkada ko kaya yun Lorna! Ako kaya naging tulay nyo!

At ayun nag away na naman sila sa mga lovelife nilang palpak.

Anyways mabalik tayo sa anak ko. Boto ako para kay Edward. Nakikita ko naman kung paano ka nya itrato!

Dale alam kong gusto kana talaga ng anak ko.

Wala kana ba talagang ibang masabi kevin? Shut up ka nalang!

Wag mo nga ako guluhin Lorna!

Ang kulit nilang dalawa. Napatingin naman ako kay Edward kinakain padin nya ang lollipop kahit tulog sya. Ang cute niya. Oo nga naman bakit hindi nalang si Edward? Pero masamang pilitina ang puso.

Pero naguguluhan ako. Gusto ko na ba si Edward? Ewan ko din! Hay..

Fast Forward

Hay salamat nakauwi nadin 8pm na din. Natagalan kasi kami dahil traffic, pero atleast nandito na ako sa kama ko! Namiss ko ang bed ko! Gusto ko na matulog! Ang daming nangyari sa akin ngayong araw.

Dale anak mamaya kana matulog! Kakain pa tayo!

Ma' ikaw nalang.. i'm so tired i wanna sleep!

Ready nako matulog ng biglang..

*KRING KRING*

Grabe sino pang tatawag sa oras na ito? At sa land line pa talaga?! Tama po may land line kase ako sa kwarto ko.

Hello who's this?

Dale!!

Huh?

Enrique here!

At ang energetic pa nya! Ano ba naman ito hay..

Anong nangyari kanina na D.O. ka daw bakit?

Hindi ko na maintindihan, sobrang antok na ako! Nakapikit na nga ako ngayon, gusto ko ng matulog.. 😩😩

Dale!!!!
Sunog!!

Sunog? Saan????

Hahaha walang sunog!! Hindi kana kase umiimik dyan!

Enrique i'm sorry pero sobrang pagod lang talaga ako ngayon. Bukas nalang tayo mag uusap magkikita din naman tayo sa school.

Namiss lang naman kita Dale!

Oh sige na pagpahingahin mo na ako para bukas maganda ako sa paningin mo.

Lagi ka namang maganda eh?

Oo na sige goodnight.

*tooooot*

Oo pinatay ko na kasi hahaba yung usapang yun. Baka hindi na ako makatulog.

Dale gising! Gising na muna! Gising na muna please!

Huh? Ano ba yun? Tingin sa cellphone ko 8:45 pm palang. Grabe patulugin nyu po muna ako.

Dale help me! Si Edward kase ang taas ng lagnat! Pero ayaw uminom ng gamot. Ang sama daw ng lasa! Dale sayo lang yun nakikinig! Bakamay manyaring masama sa kanya.

Okay sige.. =______= may mangyayaring masama lang pala kay Edward eh.. hay tulog nalang ulit ak---.. ANO BAKA MAY MANGYARI??

ANONG MERON KAY EDWARD?

Buti gising kana! Samahan mo naman ako please sa bahay! Ayaw kase uminom ng gamot ni Edward. Eh ang taas taas ng lagnat nya.

Explain lang ng Explain lang nun si Dad ( tito kevin ) pumunta pa talaga sya dito. Kumuha ako ng pajama sa drawer at nagpalit sa CR naka short kase ako baka manyakin ako nun ni Edward. Pagkatapos ko magpalit ng pajama, naghilamos muna ako.

So ayun nagmamadali na akong lumabas naiwan ko nga sila Mom at Dad, dumerecho na agad ako sa bahay nila na katapat lang ng bahay namin. Pasok sa pintong bukas.. akyat sa taas.. forward.. forward.. forward.. right pasok sa pinto at O__________O

EDWARD!!!!!!!

Si Edward nasa may sahig na, pawis na pawis, eh ang lakas naman ng aircon dito! Pero masamang matuyuan ng pawis, kaya pinatay ko muna yung aircon.

Maymay ikaw ba yan? Babe?

Oo ako ito! Ano ka ba bakit nandyan ka sa sahig? Sabi ni Dad hindi ka daw umiinom ng gamot. May topak ka naman ba? Tinulungan ko naman sya tumayo tapos inupo ko sya sa kama. Hay naku.. teka nga..

Babe saan ka pupunta?

Sa baba.

Wag na. Wag mo ako iwan.

Hay naku Edward para kang bata. Kukuha lang po ako ng towel at nung gamot mo ha baby?

Baby daw oh? Opo Mommy.

Babe mo ako. Hindi mo ako nanay!

Uyy gusto ng tinatawag syang babe..

Ewan ko sayo Edward! Humiga kana nga lang dyan! Bababa lang muna ako. Pag akyat ko iinom ka ng gamot mo.

Ayoko nga! Mapait! Try mo!

Para ka namang 5 years old Edward! Gamot lang yun uy! Pag nainom mo yun may reward ka!

Kahit ano?

Oo.. oh sya higa na..

ENDLESS LOVE ( MAYWARD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon