117

257 16 0
                                    

CHAPTER 117 ✨

Hay hindi niya po ako kinikidnap!

Guard: Eh bakit ka sigaw ng sigaw?

Sorry po.. =__=

Wifey ko siya. Masama bang magkaroon ng away mag asawa? Yung anak namin naghihintay nasa kotse. Iniwan ko siya doon mag isa. Kaya baka gusto mo na akong pakawalan o sirain ko itong posas mo?

Tapos nanlaki ang mata ni Maymay. Di na nasanay sa akin. Ano ba yan.. =____=

Guard: Ganoon po ba? Sorry po sir.

Tapos inalis niya yung posas. Haist agaw eksena pa sa mall.

Oh wifey tara na sa anak natin. Naghihintay na si baby. Bilisan mo. *wink* 😉

Si Maymay naman dazed parin.. 😳 napa smile tuloy ako sa ginagawa niya. Hinawakan ko ang kamay niya.

Inalis niya.

Hinawakan ko ulit.

Inalis na naman niya.

Hindi ko na hinawakan!

Naglakad nalang ako. Tapos humarang siya sa may unahan ko.

Saan tayo pupunta?

Hindi ko siya pinapansin. Hindi ko rin kasi alam kung saan kami pupunta. Pero dala ko naman yung kotse ko.

Hoy Edwardo!!

Asar! Bakit ba pag galit siya sa akin ayan ang tawag niya? Ang baho! Leche!

Edward kausapin mo nga ako. Bakit ba ayaw mo akong kausapin?

Kasi wala naman akong sasabihin. Basta diyan ka lang sa tabi ko. Okay nako.

Bahala ka. Aalis nako.

Tumigil siya sa paglalakad. Sus susunod naman yan. Lumalakad parin ako. Pero siya nakatayo parin dun. Gusto ata habulin ko pa.

Kaso nakita ko nagbuntong hininga siya. Ay naku pasaway talaga! Tumalikod ako, naglalakad na siya pabalik. Aalis nga siya?

Lumapit ako sa kaniya at hinigit ko na naman ang kamay niya. Kaso binitawan niya. Galit talaga siya?

Tiningnan niya lang ako ng masama tapos tumalikod na. Ang angas talaga ng babaeng ito!

Lumapit na naman ako sa kaniya. Tapos kinuha ko ulit ang kamay niya. Para kaming engot dito sa parking lot. Paulit ulit ginagawa namin pero walang nagsasalita.

As usual, inalis na naman niya at lumakad palayo sa akin.

Kaya na niya akong iwan?

Pwes ako hindi!

Lumapit ako sa kaniya at binuhat ko siya.

Edwaaaaaardddd!!!!!!

Aray! Sakit sa tenga ang lakas ng sigaw niya! Parang ngayon lang nabuhat. Eh katapot ko kaya ang mukha niya kasi ang buhat ko yung parang bagong kasal.

Noong napansin niya na siya nalang ang nag iingay at ako ay naglalakad habang buhat buhat siya, nagblush siya at naiilang tumitig sa akin. Hahahaha nahiya pa sa akin!

Nagpatuloy kami sa ganito.  Teka saan nga ba ako nagpark? Bakit parang ang layo? =___=

Mabigat ba ako?

Anak ng! Ano bang klaseng tanong yan! Sa kalagitnaan ng katahimikan bigla siyang nagtanong ng ganoon.

Oo ang bigat mo! Baboy!

Eh di ibaba mo ako!

Ayoko nga! Lalaki ang muscles ko dahil sayo!

Tapos nag roll eyes lang siya sa akin. Bakit ba ang init ng ulo niya? Hay naku..

At sa wakas nakarating nako sa sasakyan ko. Binaba ko si Maymay pero inintertwine ko yung kamay ko sa kamay niya. Pagtingin ko sa kaniya, nakatingin siya sa kamay naming dalawa tapos namumula.

Anak ng! Kilig na kilig naman itong babaeng ito! Halatang mahal na mahal niya ako. Pasalamat siya mahal na mahal ko din siya!

Pasok.

Tapos sinubukan niya ialis yung kamay niya sa kamay ko pero hindi ko hinayaan.

Paano naman kaya ako makakapasok kung ayaw mong bitawan ang kamay ko?

Eh di diyan ka sa driver's seat basta hindi mo bibitawan ang kamay ko.

Tiningnan lang niya ako ng masama. Tapos tinaasan ako ng kilay, tapos humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

Edward mamamatay ka na ba?

O__________O

Huh?

Nangingilid na ang luha niya.

Hahahahahaha  Ano ka ba Maymay! Ano ba yang sinasabi mo?

Tapos tinap ko yung noo niya.

Aray ko naman!

Tapos hinawakan niya yung noo niya.

Pinunasan ko yung luha niya. Tapos hinaplos ko ang noo niya. Titig na titig naman siya sa akin. Ano ba yan!

So wala kang sakit?

*glare*

Nagtatanong lang eh?

Talaga bang may ganito ka slow na babae?

Basta wag kang mamamatay ha?.

Hmp.. bakit ako mamamatay? Tsk! Pakiss muna.

Sinamaan naman niya ako ng tingin. Anak ng! Haist!

Sinakay ko nalang siya sa kotse ko. Nandun siya sa may likod. Bakit kasi dun siya, mukha akong driver!

Oy bakit nandiyan ka?

Kasi marami ka pang ipapaliwanag.

Seryoso ang boses niya. Kasi naman hindi ako pinatapos noong isang araw.

Why did you broke up with me?

Ano daw? Hay..

Hindi mo na tanda? Sa phone sabi mo you're breaking up with me. Tapos ngayon bigla mo nalang akong kinidnap.

Kidnap? Anak ng! Pssshh!

Edward kausapin mo ako!

Hindi ako makafocus sa daan.

Mamaya.

Tapos tumahimik siya. Walang nagsasalita sa amin. Gumagabi na. May pasok pa kami bukas. Buti nalang tanghali ang pasok namin bukas.

Maymay?

Hindi siya nagsasalita. Itinigil ko muna ang kotse sa gasoline statiom at nagpagas. Tapos dumaan na ako sa Ministop at bumili ng mga pagkain.

Si Maymay kasi tulog na. Bumalik ako sa ministop to check kung meron silang kumot at unan pero wala. Hindi ko alam kung saan ako bibili.

Kaya bumalik pako sa Mall. Buti hindi pa kami masyado nakakalayo dun. Binili ko na lahat ng kailangan bilhin at nilagay ko na sa loob ng kotse. Ang himbing ng tulog ng babe ko. Sobrang ganda niya talaga.. 😍

ENDLESS LOVE ( MAYWARD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon