Chapter 1: She's totally pissed off
Lianne's PoV
Inubos ko na yung binili sakin ni Ayien at umalis na don. Masyado akong nadadaldalan sa bestfriend ko.
Habang naglalakad ako nakikita ko yung mga schoolmates ko na tinitignan ako at pinagbubulungan. O di kaya'y pinagtatawanan. Is there something wrong about me? Or they are just insecure?
Pagpasok ko sa classroom ay maingay na ang buong room. Di ko alam kung section one ba to o bagyo -,- umupo na'ko sa upuan ko at inilabas ang gamit kong kakailanganin sa subject na ito.
Habang ginagawa ko iyon may tumama na papel sa ulo ko. Napahawak ako sa ulo ko kung saan tumama. Magaan lang yon pero malakas ang pagka bato. Tinignan ko kung sino yung bumato at nakita kong may hawak pa syang isang papel at hinahagis pataas at sasaluhin nya ito.
Tumawa lang sya at ang mga kasama nya. Kala nila kinagwapo nila. Tinuloy ko ang ginagawa ko at may bumato nanaman sakin.
"Are you insane?!" I asked. Napatayo nadin ako at isa isa ko silang tinignan. Nakatingin nadin ang mga iba naming kaklase dahil sa pag sigaw ko.
"Insane daw pre? Sino ba namang baliw ang magaaral sa paaralang ito kung ganoong may sarili silang paaralan at mas mataas pa rito?" Sabi ng isang mokong.
"Pre, tama na baka trip nya lang, yaan nyo na" Sabi ni Vhon Ignacio Birdudge. Tinignan ko lang sya at nagiwas sya ng tingin sakin.
"Pre, alam nya namang binubully sya dito tapos ayaw nyang lumipat? Gago lang?" Sabi kanina nung kausap ni Vhon. Si Vhon lang kakilala ko kasi sya lang ang nagrerecite sa mga gagong yan!
"You don't need to say what I'm going to do. When actually dapat di mo ko pinapakelaman e. Kung gusto mo ikaw nalang dun sa school na yon. Di kita pinipilit bahala ka." I said and give them a smile. A fake one. My voice was sleepy but inside in me was annoyed.
"Sumasagot kana ngayon? Di porket babae di na kita papatulan? Baka gusto mong makatulog ng wala sa or-" Di na nya natuloy yung sinasagot sakin. Nginitian ko nalang sya.
"Goodmorning class" Prof. Greagor said. He's the teacher in arts. I stood up and greet him.
"Goodmorning sir." I'm just the only one who greeted. Talaga bang section one tong mga to?
"So sabi ko nga kahapon. Magdala kayo ng Painting materials. Siguro naman hindi mahirap indindihin yon lalo na't 2nd degree na kayo ng senior. Kung ayaw nyong grumaduate magpabagsak kayo ngayon last semister." He said with I smile. Di ko alam mga pinagsasabi nito. Ts. "So as of now. Kailangan nyong gumawa ng isang painting gamit lang ang kamay. Di kailangan ng paint brush. Painting na tungkol sa ating mundo." Sabi nya atsaka umupo sa upuan nya at nagsulat.
Ginawa ko nalang ang sinasabi nya. Nagsimula muna ako sa drawing. Drinawing ko ang isang stem ng puno at mga sanga. Nung ayos na ito para sa akin. Kinuha ko na ang paint color na kulay brown at Pinaint ko na ito gamit ang aking kamay. Pinahid ko ang index finger ko sa baway line na iginuhit ko. Medyo malaki din tong paint board ko kaya nahihirapan ako.
Habang nililine ko pa yung kabilang side may natamaan ako. Ay mali may tumama sakin. Kaya nagulo yung line at lumampas. Tinignan ko kung sino yung may gawa, sya yung kasama nung bumato sakin kanina. Tss. Gago talaga.
Tinuloy ko nalang ang ginagawa ko at tinignan yung may lampas. Ginawa ko nalang stem yung lampas para hindi na sya magmukhang pangit. Tumingin muna ako sa paligid at nakita kong nakatingin si Vhon sakin. Anong problema neto? Nagiwas sya ng tingin at tinuloy ang ginagawa nya.
BINABASA MO ANG
Fight for us
RandomAng pagmamahal ba ang susi sa lahat? Paano kung ang pagmamahal na yon ay yun din ang dahilan ng pagkawala ng buhay ng isang tao? Itutuloy mo paba ang relation na sabay nyong ibinuo? Enjoy Reading💖