Chapter 8: Ulan
Lianne's PoV
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na nagmumula sa aking bintana. Tinignan ko ang orasan sa side table 7:34 palang.
Tumayo ako para kumuha ng damit dahil maliligo na ako. Napagod ako kahapon sa pinapagawa ni Rain sakin.
Flashback
"Upo ka jan dali mag pose ka yung magandang maganda ha?" Sabi nya. Ginawa ko naman ang gusto nya. Sabi nya kasi kanina pagkabigay ko nung camerang niregalo ko sakanya, susubukan nya daw gamitin kaya eto ako yung naging modelo nya.
"Teka pwede tumigil ka na? Bukas nalang napagod na ako e" Sabi ko sakanya. Totoo namang pagod na ako kung saan saan nya pa ako pinatayo, pinahiga, pinaupo at pinapunta hay.
"Wait papicture muna tayo whole body" Sabi nya. "Pre kuhaan mo nga kami ayusin mo ha? Sasapakin kita pagkasing gulo yan ng utak mo" Sabi nya kay Edward at binigay ang Camera.
Nagflash yung camera at tinignan namin ni Rain. Sinapok ni Rain si Edward.
"Tangina naman pre! Sabi ko ayusin mo" Natawa ako dahil sa pagkainis ni Rain ang cute cute nya. Paano ba naman kasi sobrang blurd nung pagkakuha "Ikaw na nga lang Jerome." Sabi ni Rain at Binigay kay Jerome.
Nagflash yung camera at tinignan namin ni Rain. Biglang tumakbo si Jerome palabas ng bahay nila at nakita kong nagbuntong hininga si Rain, kung blurd magkuha si Edward mas blurd naman kumuha si Jerome.
"Ikaw nalang nga kuya Migs" Sabi ni Rain dahil nakita nya si Kuya Jm na papasok sa bahay nina Rain. Pipigilan ko sana si Rain sa pagbigay ng camera kaya lang nakuha na ni Kuya.
"Osige, Pwesto na kayo jan" Sabi nya at ginawa naman namin "one... two..... threee" Nagflash kung camera at lumakad kami papunta kay kuya. "Teka isapa" Sabi nya at ginawa naman namin.
Nakailang shots na si Kuya at ngalay na ngalay na yung panga ko sa kakangiti pero ulit parin sya ng ulit.
"Tama na kuya, akin na yan" Sabi ko at kinuha sakanya ang camera. Pinatay nya ito bago binigay sakin kaya medyo matagal pa bago ko makita.
Paglabas ni Kuya saktong pagopen ng camera. Tinignan ko ang mga images. Wow ang ganda!
"Ang ganda" Sabi ni Rain at pailing iling na kinuha sakin yung camera. Pano ba naman kukuha sya naka zoom kung saan saan ang ganda nga. "Pose ka nalang ulit"
End of flashback
Pumasok ko sa banyo ay ginawa ko na ang morning routine ko at nagbihis. Kinuha ko ang phone ko at may text don si Rain.
From: Baby Rainnyy
GoodmorningKanina pa to e, Ngayon ko lang nabasa.
To: Baby Rainnyy
Goodmorning din hehe, Sorry late reply.Reply ko sakanya. Wala pang isang minuto ay nag reply na sya.
From: Baby Rainnyy
Oks lang, Mamaya pala turuan kitang mag mutor.Yieee! Excited na ako. Magrereply pa sana ako kaya lang pinindot ko na ang call hehe. Baka nahihirapan si Author.
"Hello Bab- este Rain!!" Sasabihin ko sana Baby Rain hehe.
[Hello? Napatawag ka?] Sabi nya sa phone.
"Baliw, Tinawagan kita para hindi na mahirapan si Author kakatype hehe" Sabi ko.
[Yun lang ba?] Tanong nya ulit. Bad mood ba sya?
"Teka bakit parang bad mood ka? May problema ba?" Tanong ko
BINABASA MO ANG
Fight for us
RandomAng pagmamahal ba ang susi sa lahat? Paano kung ang pagmamahal na yon ay yun din ang dahilan ng pagkawala ng buhay ng isang tao? Itutuloy mo paba ang relation na sabay nyong ibinuo? Enjoy Reading💖