Chapter 26: Valentines Day (Part 1)
Lianne's PoV
Pagkatapos bayaran ni Rain yung binili namin kanina ay dumaretcho na kami sa isang resto para kumain.
"Kinakabahan ako para bukas" Sabi ko kay Rain at sumubo ng inorder nya kanina.
"Bakit naman?" Kunot noong tanong nya sa akin.
"Baka kasi... Hindi ko mapigilan yung sarili ko sa mga babaeng sumisigaw sayo" Saad ko at uminom ng tubig dahil tapos na akong kumain.
"My childish girlfriend" Saad nito nang nakangiti at tumayo na. Kinuha nya ang kamay ko at pinagsiklop ang mga daliri namin sa isa't isa.
"Bakit ikaw? Parang ok lang sayo pag may sumigaw sa akin?" Takhang tanong ko. Mataman nya akong tinignan.
"Look, some girls want to be like you and I'm so proud of it 'cause they idolize my girl. Some of boys want to be with you at napakaswerte ko kasi akin ka and I am willing to protect you, protect you from anything, anyone. Okay lang sa akin kung icheer ka nila but if they tried to touch you" Kita ko sa mata nya ang pagkaseryoso. "Trust me Bae I will introduced my self into jail with a recored of killing" Seryosong saad nya. That hits me, dapat pala gayahin ko si Rain. Tumango ako at nagsimula na syang maglakad.
"Rain, sa tingin mo ba kaya nating idala ang mga damit sa mio mo?" Tanong ko sa kanya. Tumawa naman sya ng mahina.
"Nah, sasabay ka kina Kuya at Ate. Kita tayo sa backstage ng gym" Saad nya.
"Osige, agahan mo ha? Magreply ka din pag magtetext ako" Sabi ko sakanya. Hinawakan nya ang dalawang kamay ko at mataman nya akong tinignan.
"Kelan ba kita pinaghintay? Kelan ba ako hindi nagreply sayo?" Aniya. Nagkibit balikat ako.
"Hehe. Paalala lang wag kang highblood" Sabi ko sakanya at ngumiti.
Pagkarating ko sa bahay ay pumasok na agad ako sa kwarto para maghanap ng paper bag. Nang makahanap na ako ay iniligay ko na yung mga damit na ibinili ko duon at shoes na nababagay dito.
Pagkatapos non ay naligo na ako at nagbihis. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Rain.
To: Bae
Rain, ayusin mo na yung mga susuotin mo para bukas. Tulog na ako IloveyouSinend ko yun sa kanya at itinabi ang cellphone sa side table atsaka lumabas para kumain. Pagkababa ko ay si Kuya lang ang nakita ko, mamaya pa siguro sila Mommy at Daddy. Umupo ako sa isang upuan doon at sinimulan ng kumain.
"Kuya, Kelan kayo mag Mi-mister and Miss Valentine?" Tanong ko sa kanya kasi wala naman syang nababanggit sa akin.
"Kasabay nyo lang. Elementary, High school Junior o Senior at Collage sabay sabay" Aniya
"Buti hindi ka nagvolunteer bilang adonis ng room nyo?" Tanong ko ulit. Tumawa sya ng pilit.
"Alam mo Jazz, hindi ko na kailangan sumali don kasi alam na natin kung sinong panalo hindi ba?" Sabi nya. Tama naman si Kuya, simula nung elementary hanggang sa first year collage na sya, ay sya yung nanalo, deserved nya naman kasi magaling sya sa talent, magaling syang sumagot sa mga tanong at ang gaganda ng mga suot nya. Idagdag mo pa ang pagiging sikat nya.
"Kuya ewan ko sayo" Sabi ko at inirapan sya. "Peram akong instrument mo ha?" Tanong ko sakanya. Tatayo na sana ako kaya lang pinigilan nya ako.
"Anong instrument? Drums ba?" Tanong nya. Tumango tango naman ako.
"Pwede rin" Sabi ko at tuluyan ng pumunta sa taas.
Pagpasok ko sa kwarto ni Kuya ay tumambad agad sa akin ang mga instrumento ni Kuya. Drums, Electric guitar, Microphone at meron pang beatbox. Kinuha ko na agad ang gagamitin ko at bumalik sa kwarto ko. Inilagay ko sa tabi ng mga paper bag ang instrumentong iyon para hindi ko makalimutan bukas.
BINABASA MO ANG
Fight for us
RandomAng pagmamahal ba ang susi sa lahat? Paano kung ang pagmamahal na yon ay yun din ang dahilan ng pagkawala ng buhay ng isang tao? Itutuloy mo paba ang relation na sabay nyong ibinuo? Enjoy Reading💖