Chapter 42: The black rose.
Lianne's PoV
"Sshh" Sabi nito at itinapat ang index finger nya sa labi nya.
"Sorry sa kahapon" Malungkot na sabi ko. Napatalon ako ng ipinalupot nya ang kamay nya sa bewang ko at kinuha ang dalawang kamay ko para ipalupot sa leeg nya.
"Wala yon, Nadala ka lang siguro ng galit mo" Sabi nito. Parang wala nga yon sa kanya pero alam kong masakit iyon.
"Ahm.. Thank you sa emoticon, Sa cake tsaka sa lunch" Sabi ko. Kumunot naman ang nuo nya.
"Bakit ka nagpapagutom?" Iritang tanong nya.
"Ah eh... Wala ako sa mood kumain nun e." Sagot ko habang nagkamot ng batok. Masisira hairstyle ko nito.
"Wala sa mood dahil umiyak?" Tanong ni Rain. Nanlaki ang mata ko sa gulat ng sinabi nya iyon.
"Pa-paanong.."
"Ako pa? Stalker nga diba?" Sabi nito at ngumisi.
"So ikaw yung narinig kong tumatawa don sa may garden?" Inis kong tanong. Dahan dahan syang tumango at hinampas ko sya sa dibdib. "Ang gago mo!" Sabi ko sa kanya na tinawanan nya lang. Ilang saglit pa ay natahimik kami dalawa.
"I miss you" Sabi nya habang nakanguso. Napangiti ako dahil sa kakyutan nya kahit natatakpan ang kalahati ng kanyang mukha dahil sa mask.
"Pwede ba kitang yakapin?" Tanong ko sa kanya.
"No" Malaming nyang sabi. Lumungkot naman ang mga mata ko dahil sa treatment nya. "Hey.. It can't be.. Makikita tayo ng Daddy mo" Sabi nya at inihinto ang pagsasayaw namin. Binitawan nya na rin ang bewang ko at tumakbo pababa sa stage. Hinanap ko sya sa mga kumpol na tao pero wala na sya. Iniabot sa akin ni ate Yunah ang microphone.
"Thank you for comming tonight" Panimula ko. "Thank you for celebrating this shit with me" Sabi ko sa kanila nang maluha luha dahil hindi ko talaga mahanap ang aking hinahanap. "Thank you for Kuya.. Ate Yunah, Georgina, Ayien, Edward at ang mokong na si Jerome" Sabi ko na tinawanan naman nilang lahat. "Gutom na ba kayo?" Masayang tanong ko kahit nararamdaman ko na ang aking luha dahil wala talaga sya.
"Oo!" Sabay sabay nilang sabi. Ngumiti ako sa kanila at ibinalik kay ate Yunah ang microphone atsaka na bumaba.
"And now. Let's all welcome.. The wonder boys" Sabi ni Ate Yunah sa microphone at isa isang umakyat sina Kuya, Jerome at... Edward... Wala si Rain. Sumasayaw silang tatlo.
"Uy besy, Magtatable to table ka na magbihis ka na nasa kwarto mo yung damit" Sabi ni Ayien at hinila ako sa kwarto. Kinuha nya agad ang damit ko at isinuot ko iyon. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin at nagfifit sya sa akin. Tube type sya at backless sa likod pero mag taling nagdudugtong dito para makalikha ng ekis. Hanggang tuhod lang ito para mas komportableng maglakad. Ganun parin ang kulay, black.
Lumabas na ako ng bahay at bumalik sa bakuran. Nakita ko ang mga guest namin sa kanikanilang upuan na kumakain habang nakatingin kina Kuya. Yung iba tumitili pa. Umupo muna ako sa isa sa mga table na naroon.
"Miss Lianne, Eto mga nagpapabigay ng regalo sayo" Sabi ng isang lalaki at ibinaba lahat sa kaharap kong table ang mga regalo. Umalis sya sandali at bumalik ulit. "Eto pa po, Hindi ko po ito sinabay jan kasi sabi daw po nung nagbigay pakiingatan ko raw. Kaya eto." Sabi nya sabay abot sa akin ng isang parisukat na regalo. Sa tingin ko ay frame to. Ipinatong ko iyon sa katapat kong table. Ilang sandali pa ay
"Aish!" Inis kong sabi dahil patingin tingin ako sa parisukat na ito. Kinuha ko iyon at binuksan. Nanlaki ang mata ko ng nakita ko iyon.
"Next time nalang yung totoo" Sabi sa sulat sa may gilid. Pinagmasdan ko ang painting. Oo painting sya, Black na roses ang nakaguhit dito at sa gilid ay ang pirma nya. Pirma ni Rain. Ang galing nya talaga sa arts.
BINABASA MO ANG
Fight for us
AcakAng pagmamahal ba ang susi sa lahat? Paano kung ang pagmamahal na yon ay yun din ang dahilan ng pagkawala ng buhay ng isang tao? Itutuloy mo paba ang relation na sabay nyong ibinuo? Enjoy Reading💖