Chapter 37: Missing piece.
Lianne's PoV
Nakakapanibago dahil wala akong nakikitang Rain ngayong araw, dati kasi pagganitong walang pasok nagdadate kami o kaya bonding dito sa luob ng bahay. Maski ang anino nya ay hindi ko makita.
It's sunday kaya walang pasok. Bibisitahin ko si Georgina ngayon kasama si Ayien. Sana wala sa hospital si Rain. Hindi sa ayaw ko syang makita kundi ayaw kong makita syang lumuha ulit.
"Besy!" Bulabog ni Ayien sa akin as she enter the main door. Andito ako sa living room at nanunuod ng T.V.
"Oh, What do you want to eat?" Tanong ko. Maaga pa kasi at kasabay ko syang magbrebreakfast.
"Letchong manok" Sabi nito at ngumiti.
"Bumili ka, buset ka" Inis na sabi ko sa kanya.
"Tara" Sabi nya tapos hinila ako papunta sa kusina. "How's life without Clifford?" Biglaan nyang tanong. Ayoko sanang pagusapan pero nagtanong sya. "Anyway, Sabi ng doctor, Georgina will wake up, siguro a weeks? Kase nilalabanan nya yung sakit nya. Yun ang sabi ng doctor" Sabi ni Ayien. Sa tingin ko ay naintindihan nya na ayaw kong pagusapan si Rain ngayon. Sinimulan ko na lang pagkain. Ganun din ang ginawa ni Ayien.
"Sana magkaayos na sina ni Edward para hindi na to maulit" Malungkot na sabi ko habang kumakain.
"Talagang hindi na to mauulit. Takot nalang ni Edward" Mayabang ang tono ang pagkasabi don ni Ayien.
"Mataas kaya pride nya?" Bulong ko. Tinutukoy ko si Rain don. Pag ba nagpasorry ako tatanggapin nya?
"Ano beshy? May sinasabi ka?" Tanong ni Ayien. Umiling nalang ako at tinuloy ang pagkain.
Pagkatapos namin kumain ay dumaretcho na kaming hospital. Nasa pintuan palang kami ay ginapangan na ako ng kaba.
"Besy pano pag andito si Clifford?" Biglang tanong ni Ayien. Hindi pa kami pumapasok sa luob dahil may hinahanap sya sa bag nya. Paano nga ba kung andito si Rain?
"Uh.. Ano... Uuwi nalang ako" Saad ko. Napahinto naman sya sa ginagawa nya.
"Uuwi? Dapat nga sya yung umiwas sayo dahil sya yung nasaktan." Sabi ni Ayien at inayos na ang sarili dahil nahanap na ang kanyang hinahanap. Susi lang pala. Susi ng kotche ni Jerome siguro dahil hindi nya gamit ang kotche nya kanina.
"Bakit ako ba hindi nasaktan?" Tanong ko kay Ayien. Tinignan nya ako ng kunot ang nuo.
"You broke him up, Tapos masasaktan ka?" Nginitian nya lang ako at binuksan na ang pintuan ng hospital room ni Georgina.
"You don't know the reason" I whispered. Walang nakarinig don kundi ako.
Iginapang ko ang tingin ko sa buong kwarto at walang Rain akong nakita. Bakit pakiramdam ko ay disappointed ako? Dapat nga mahiya ako sa kanya dahil sinaktan ko sya.
"Wala sya dito wag mo ng hanapin" Rinig kong boses iyon ni Jerome. Tinapunan ko sya ng tingin at nakita kong tumatawa silang dalawa ni Ayien. Inirapan ko nalang silang dalawa.
"Ewan ko sa inyo" Bulong ko at tumabi kay Edward. Lima lang kami dito, Ako, Jerome, Edward, Ayien at Georgina. "Lessons are learned" Sabi ko kay Edward na naging dahilan ng pagkuha ko ng attention nya.
"Yeah, It will never happen again" Sabi nito nang nakatingin kay Georgina. Pinasadahan ko ng tingin ang buong katawan nya at nakita kong wala na ang mga benda sa mga lugar ng injury nya.
"What happen to your injuries?" Tanong ko sa kanya. Tumingin ulit sya sa akin.
"Bakit? Mas gusto mo bang pilay ako para hindi ako makapunta sa opening ng cup this comming Tuesday?" Tanong nya sa akin.
BINABASA MO ANG
Fight for us
RandomAng pagmamahal ba ang susi sa lahat? Paano kung ang pagmamahal na yon ay yun din ang dahilan ng pagkawala ng buhay ng isang tao? Itutuloy mo paba ang relation na sabay nyong ibinuo? Enjoy Reading💖