Chapter 30: Over Acting Boyfriend
Lianne's PoV
Pagkadating namin sa bahay ay pakiramdam ko nasusunog na ang aking pisngi dahil sa pagiinit nito. Kung hindi ako pinitik ni Rain kanina sa nuo ay panigurado lumilipad parin ang utak ko ngayon doon sa parking.
Umakyat ako sa kwarto at naramdaman ko ang presensya ng isang taong sumusunod sa akin.
"Rain maliligo lang ako" Sabi ko sa kanya ng hindi sya tinitignan.
"Ha? Hindi ko naman tinatanong" Sabi nya at narinig ko ang mga spring sa kama ko. Lumingon ako sa kanya at nakadapa sya doon. Inaantok siguro.
Kunuha ko ang korona sa paper bag at itinabi sa may side table. Kinuha ko din yung picture namin ni Rain kanina sa booth at naghanap ng double sided tape. Nang makahanap na ako ay idinikit ko iyon sa homemade na frame. Papel lang sya na matigas. Bumalik ako sa paper bag ko at kinuha ang mga damit na ginamit ko kanina sa pageant. Papalaba ko iyon. Lumakad ako papuntang pintuan ng kwarto ko, ngunit huminto ako ng nagsalita si Rain.
"Where are you going?" Tanong ng lalaking parang haring nakahiga sa kama ko with half eye opened.
"Ibibigay ko lang to kay manang" Sabi ko at medyo iniangat ang mga damit. Medyo madami ang mga damit na ito.
"Ako na ang mag bibigay" Sabi nito at umaakmang tumayo. Binitawan ko ang ang damit sa sahig at nilapitan sya.
"Ah no, no, tulog ka nalang jan kung ayaw mong ako ang magpatulog sayo" Sabi ko sakanya at nilagyan ng unan yung ulo nya.
"Yes please? Patulugin mo ako" Request ni Rain.
"Teka lang tatawagin ko lang si manang para ilagay to sa washing area" Sabi ko kay Rain at lumabas ng kwarto. "Manang!" Sigaw ko sa may hagdan.
"Bakit po?" Tanong nya sa akin habang umaakyat. Bumalik ako sa kwarto at nakita kong gising parin si Rain. Binuhat ko yung mga damit at ibinigay kay manang.
"Palagay po sa washing area, hindi po ako makababa kasi gusto po nung boyfriend kong patulugin ko sya e. Ako nalang po maglalaba" Sabi ko at ibinigay sa kanya yung damit.
"Wow ma'am bago yun ah. Akala ko talaga hindi mo ako uutusan kahit kelan" Sabi nya ngumiti ito sa akin at umalis. Hindi ako sanay na utusan ang mga katulong. Yun kasi ang turo ni Kuya Jm sa akin.
Bumalik ako sa kwarto at isinara ang pinto pero hindi ko nilock. Tumabi ako kay Rain na nakaside na humiga. Nakapikit na ito ngayon. Hinawakan ko ang braso nya atchaka tinapik ito ng mahina. Tinitigan ko ang mukha nya at kinabisado ang hurba ng mukha nya. Rain, bakit ang gwapo mo talaga? Two inch na haba ng buhok, matang medyo singkit, mahaba at makakapal na pilik mata, maayos at matangos ang kurba ng ilong, manipis at mapupulang labi at higit sa lahat maayos na pagkakahurba sa kanyang jawline. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya atsaka ko sya hinalikan sa pisngi. Nabigla ako ng hinila nya ako papunta sa tabi nya.
"Hindi ako makakatulog sa pinaggagagawa mo, matulog ka rin nga" Sabi nya at ikinulong ako sa isang braso nya. Nagiging unan ko tuloy yung isang braso nya.
"Teka Rain" Sabi ko at sinubukang tumayo pero hindi ako makatayo dahil malakas sya. "Maliligo muna ako ang baho ko na" Sabi ko at sinubukan ulit tumayo pero walang nangyari. I'm always ended here in his arms.
"Hindi naman e" Sabi nya sabay amoy sa leeg ko. Iniwasan ko yun ng konti dahil nakikiliti ako. "Ang bango nga hmm.." Sabi nya at hinalikan ang leeg ko.
"Ano ba, ang lagkit ko kaya" Sabi ko at tinulak ang ulot nya.
"Hindi naman mabaho e, kung mabaho man Ok lang, leeg mo naman" Sabi nito at hinalikan ulit ang leeg ko. Naramdaman ko ang pagtayo ng aking balahibo sa batok.
BINABASA MO ANG
Fight for us
RandomAng pagmamahal ba ang susi sa lahat? Paano kung ang pagmamahal na yon ay yun din ang dahilan ng pagkawala ng buhay ng isang tao? Itutuloy mo paba ang relation na sabay nyong ibinuo? Enjoy Reading💖
