Chapter 31: His Love
Lianne's PoV
Natapos ang lahat ng klase ko ngayong araw at papunta na ako ngayon sa field. Wala namang ginawa sa Baking, walang professor kainis, nakipag date daw.
Pagkarating ko dun sa field ay nakita ko sa malayo ang isang babae at isang lalake na parang nagaaway sa malayo. Bumaling ako kay Rain na kakadating lang dito sa benches dahil water break.
"Rain diba sina Georgina at Edward yon?" Tanong ko kay Rain sabay turo sa dalawang taong parang nagaaway.
"Oo sila nga" Sabi nya habang nagpupunas ng pawis.
"Bakit parang magkagalit sila?" Tanong ko.
"Kanina kasi papunta kami sa field, nakita ni Edward si Georgina na kasama yung kapartner nya nung pageant, yung... Armrey ata, ang saya nilang magkasama. Kaya yun" Sabi ni Rain at kinuha ang camera sa bag nya. Iniabot nya ito sa akin at kinuha ko naman.
"Baka naman mageexplain si Georgina kaya sya nandito" Saad ko. Sinindi ko ang camera at pinindot ang image viewer.
"Oo nga, yun yung pakay ni Ms. President pero tignan mo, ayaw makinig ni Edward kaya yan nagaaway sila" Sabi ni Rain. Iniscan ko yung camera at puno pictures naming dalawa ni Rain nung pageant.
"Ay pag ikaw ayaw mong makinig sa explanation ko, yayariin kita" Babala ko kay Rain. Natawa naman sya dahil sa sinabi ko habang umiinom sya ng gatorade nya.
"Baka nga ikaw, baka ikaw, ikaw ang may ayaw na makinig sa akin pag mageexplain ako" Sabi nito at ibinalik sa bag yung inumin nya.
"Sigurado ka ba dyan?" Tanong ko sa kanya. Sinet ko ang camera para sa pagtatake ng pictures.
"Bakit ba kasi nagpapapawis ka?" Rinig ko sa kabilang dako. Tinignan ko yun at nandun si Ayien habang pinupunasan si Jerome.
"Shempre naglalaro ako kaya papawisan ako diba, diba? Ikaw talaga" Sabi ni Jerome at kinurot ang pisngi ni Ayien. Itinapat ko ang camera sa kanila at pinicturan sila.
"Ehem" Sabi ko napatingin din si Rain kung saan ako nakatingin. Narinig ko ang mahinang tawa ni Rain.
"Kanina pa yan nandito, Sabi ni Jerome may klase pa sya pero mas gusto nya daw dito. May balak ngang lumipat e" Sabi nito at tumawa ulit. Napailing nalang ako habang ngumingiti.
Nakarinig ako ng mga yapak na tumatakbo. Tumingin ako sa dakong yon at nakita kong si Georgina na tumatakbo habang umiiyak. Lumingon ako sa lugar nila kanina ni Edward, nakita ko rin ang nakaupong si Edward at wari ko'y umiiyak.
Hinabol ko si Georgina at nang nahabol ko sya ay agad ko syang niyakap. Nakita ko naman ang pagtakbo ni Ayien sa direksyon ng cafeteria.
"Anong nangyari?" Tanong ko ng may tonong pagaalala. Nakaramdam ako ng presensya ng isang tao sa likod ko. Limingon ako doon at nakita kong si Rain iyon. "Kaylangan ng karamay ni Edward. Puntahan mo sya" Sabi ko sa kanya at tumakbo sya papunta doon na sinundan naman ni Jerome. "Anong nnngyari Georgina?" Ulit kong tanong sa kanya. Humihikbi lang sya habang nakakulong sya sa mga braso ko. Medyo matangkad ako sa kanya kaya nakukulong ko sya sa mga braso ko. "Sige, iiyak mo lang muna para mawala yung sakit, tsaka mo na lang ikwento" Suhestyon ko. Wala parin syang sinagot.
"Besy, o water" Sabi ni Ayien at abot sa akin nung bottled mineral water. Kinuha ko yon at inilakad si Georgina sa may benches dito sa field.
"Asan boyfriend mo?" Tanong ni Tito Fred.
"Ah.. Tito may inayos lang po dun sa kay Edward" Sabi ko. Tumango nalang sya at umalis. "Georgina.. Inom ka muna o" Sabi ko at inihiwalay si Georgina sa akin at inialok ang tubig. Nakatakip parin ang mukha nya dahil umiiyak pa rin sya.
BINABASA MO ANG
Fight for us
RandomAng pagmamahal ba ang susi sa lahat? Paano kung ang pagmamahal na yon ay yun din ang dahilan ng pagkawala ng buhay ng isang tao? Itutuloy mo paba ang relation na sabay nyong ibinuo? Enjoy Reading💖