Chapter 36

35 2 0
                                    

Chapter 36: Break up.

Lianne's PoV

Saturday. Here in History class. Kanina pa ako kinakausap ni Rain pero hindi ako makatingin sa magaganda nyang mata dahil naguguilty ako. Ayokong makakita ng mga luhang lumalabas sa mata nya patungo sa pisnging hinahalikan ko. Ayokong makita ko sya nagdudusa, mas gusto kong ako nalang, ako nalang ang magdusa wag na sya. Ayoko naman iwan sya dahil mahal na mahal ko sya at ayoko ding saktan sya dahil mas masasaktan ako kung makikita ko syang nasasaktan. Mahirap pero kaylangan.

"Jazz, san mo gustong pumunta mamaya?" Tanong ni Rain. Hindi ko sya tinapunan ng tingin at hindi ko rin sya pinansin. Tumingala nalang ako at pumikit para pigilan ang luha kong kanina pa nagbabadya.

"Class, Do you have any idea about Hourthage University?" Biglaang tanong ni Sir. Hurmon. Walang sumagot sa kanya, bulong bulungan lang. "Ms. Hourthage? Do you have any idea about it?" Tanong nya sa akin. Tumayo ako para sagutin sya.

"I don't have" Tipid na sagot ko. Tumango tango naman sya.

"Ang Hourthage University ay pagmamayari ng kapatid ni Great Roderic Hourthage noon" Paliwanag ni Sir. Ha? Pero teka, wala namang nababanggit na may kapatid si Daddy. "I researched the name of the brother of Mr. Roderic Hourthage 'cause I forgot his name. And his name is Samuelle Villanueva Hourthage" Samuelle? Tangina bakit ang gulo? Wala akong alam.

"Are you sure about that Sir?" Tanong ko. Ngumiti sya at tumango.

"Yes, I started to teach in here 20 years from now" 20 years? Hindi pa ako buhay. It's only Kuya.

"The two brothers was very close. Mr. Samuelle doing good in this school, sya kasi ang nagpatayo nito. How rich right? Ang galing nyang humawak nito pero after ng ilang years, bumaba ito, naubos ang mga guro dahil hindi na sila natutukan sa pagswesweldo. Laging walang pasok at nauubos na rin non ang mga istudyante. But Mr. Roderic comes. He handles the University but not that good like Samuelle. Until now, Hourthage University was still alive." Paliwanag ni Sir Hurmon. Inilagay ko sa sentido ko ang mga kamay ko at minasahe to.

"May problema ba?" Tanong ni Rain. This time tinapunan ko na sya ng tingin. Pero hindi ko sinagot ang tanong nya.

"Sir, May I go out?" Tanong ko sa professor namin. Tumango lang sya.

Kinuha ko ang bag ko at dali dali akong lumabas papuntang garden. Umupo ako sa mga bermuda grass at sumandal sa puno.

"What the fvck is happening..." Basag ang boses ko nang sinabi ko yon. Naramdaman ko na ang pagtulo ng mga luhang lumalandas sa aking mata.

Naguguluhan ang utak ko dahil sa history nitong unibersidad na ito. At isa pang nagpapasakit ng ulo ko ang paghihiwalay ko kay Rain. Ayokong gawin pero kaylangan. Paano ba to?

"Kanina pa kita hinahanap anjan ka lang pala" Biglang sabi ni Rain. Agad kong pinunasan ang luha ko para hindi nya makita. "Are you crying?" Tanong nya. Hindi ko sya sinagot bagkus tumayo ako. "San ka pupunta?" Tanong nya ulit. Lumakad ako paalis doon. "Iniiwasan mo ba ako? Anong problema?" Malungkot na tanong ni Rain. Napahinto ako sa aking paglalakad at wari ko'y nasa grandstand kami.

"Bre-break na ta-yo" Basag ang boses kong sinasabi ko yon habang nakatalikod parin sa kanya at luha sa isang mata ang lumandas, kaya agad ko yong pinunasan.

"Ha? Jazz? Hindi diba? Nagbibiro ka lang diba?" This time hinarap ko na sya.

"Hindi ako nagbibiro, ayoko na" Matapang kong sabi kahit dinudurog na ang puso ko.

"Jazz naman, wag ka namang ganyan. May nagawa ba ako?" Lambing ang boses nya habang hinahawakan ang kamay ko.

"Wala kang nagawa. Ayoko na" Walang emosyon kong sabi. Kung pwede lang hindi ka layuan. Kaya lang kaylangan para mabuhay ka pa.

Fight for usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon