Chapter 43

45 2 0
                                    

Chapter 43: See you again.

Rain Clifford's PoV

"Nasan yung cricket?" Tanong sa akin ni Kuya Migs na may hawak ng kandila dito sa puntod nya. Tinignan ko ang puntod nya at maraming alikabok iyon. Pinagpagan ko iyon gamit ang kamay ko. "Ano ba! Magdahan dahan ka nga!" Reklamo ni Kuya Migs dahil sa alikabok na pumupunta sa kanya. Tinawanan ko lang sya.

"Pinagpagan ko lang naman" Pagdadahilan ko.

"Mahal ko yan kahit anong mangyari" Saad nya. Natawa naman ako.

"Bakla mo!" Sabi ko sa kanya at iniabot na ang cricket. "Ilang araw ka bang hindi nakabisita dito?" Tanong ko sa kanya.

"Actually ngayon lang ako nakabisita kasi binabantayan ko si Mama sa ospital." Malungkot na sabi ni Kuya Migs.

"Hindi parin ba sya nagigising?" Tanong ko. Dalawang bwan kasi akong nawala dahil may hinanap ako sa London.

"Hindi pa nga e, Sabi ko kay Papa halikan nya si Mama para magising pero sabi nya hindi daw tumatalab yun kasi daw pangbakla lang yon, Kingina bakla yata ang tatay ko, li'l bro, alam nya yung ganung bagay" Sabi ni Kuya habang natatawa.

"Hindi mo ba sisindihan ang mga kandila? O baka naman itong mga bulalak yung sisindihin mo?" Tanong ko sa kanya.

"Osige, sige" Sabi nito at kinalabit ang cricket para lumabas yung apoy. Sinunog nya nga yung bulaklak.

"Para kang tanga, Kuya Migs. Ayusin mo nga, hindi na nakikita yung Hourthage na apiledo nya. Bahala ka magagalit yan sayo" Pananakot ko.

"Hindi yan, Diba Tita Alice? Sa ngayon aalis na kami kasi kaylangan na ako ni Mama sa hospital" Sabi nito habang sinisindihan ang kandila. Natawa naman ako dahil hindi nya iyon masindihan.

"Akin na!" Sabi ko at inagaw ang cricket para sindihan ang kandila. "Iniisip mo kasi yung ate ko. tsk tsk" Sabi ko nang nasindi ko na ang mga kandila. "Tita alis na po kami. Salamat po sa pagaalaga kay Jashi" Saad ko at kumaway.

"Para ka namang tanga pakaway kaway jan!" Saad ni Kuya habang natatawa. Tinignan ko lang sya ng masama.

Jadaza Blythe's PoV

Two months. Dalawang bwan ko na syang hindi nakikita simula nung nilabas na sya sa ospital dahil sa balang nakabaon sa likod nya. Sabi sa akin ni Ayien hindi nya daw nakikita si Rain sa mga laban ng Hourthage High School at tama sya. Hindi nga sya naglaro nung araw na nanuod ako. Hindi ko alam kung asan sya o buhay pa ba sya o hindi. Nakakainis naman kasi yung lalaking yun. Alam ko namang, ok kami bago sya dalhin sa ospital.

"Kelan graduation nyo?" Tanong ni Papa sa akin.

"Po? Two days after the finals of the cup" Sagot ko sa kanya. Nandito kami sa hospital habang binabantayan ni Mama. Ang tagal nyang gumising.

"Ang tagal naman, May na ngayon bakit ngayon lang kayo maggragraduate?" Inis na tanong ni Papa.

"Ganun yung binigay ni Tito Roderic na date sa mga graduating na seniors e. Try mong palitan, Pa" Suhestyon ko na ikinatango nya naman.

"Nagkita na ba kayo ni Clifford?" Tanong nya sa akin. Umiling ako. Matapos ang aksidente na yon ay namatay si Tita Alice ang kinalakihan kong Mommy at si Daddy naman ay nakulong, lahat ng ninakaw nyang pera sa ibang bangko ay nabalik, pati yung mga armas nya na pinabili nya sa mga Jones (yung pamilya na naging fiance ko sa new york) hawak na yon ng mga pulis, nabalik na din kay Papa yung Intercom at Hourthage University. Mas lalo tong naging malaki at malawak. Pumapangalawa naman ang Hourthage Intercom namin sa pinakamayamang kompanya sa buong mundo.

Fight for usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon