Chapter 15: Dream
Rain Clifford's PoV
Pagkadating namin sa bar ay umakyat na agad kami sa VIP booths. Pagakyat namin doon ay agad naming nakita si Edward na may kasayaw na mga babae. Oo mga babae, hindi ko alam kung anong problema nito pero kaylangan ko silang ilibre ng unlimited case ng vodka.
Umupo ako sa luob ng booth at ganun din ang ginawa ni Jerome.
"Magorder na kayo ako na bahala sa bayad" Sabi ko kay Jerome. Lumapit naman sa amin si Edward.
"Pre, kelan mo balak sabihin?" Tanong ni Jerome. Ilang beses na nilang itinanong to sa akin.
"Pamilya nya muna ang problemahin nya bago ang pamilya ko" Sabi ko kay Jerome.
"Alam mo pre, pagpinatagal mo pa lalo yan baka mas lalong magalit si Lianne sayo" Sabi na akin ni Edward, akala ko lasing na sya pero hindi parin pala.
"You have a point, pero kilala ko si Jazz, maiintindihan nya dahil iniintindi ko muna sya" Sabi ko sa kanilang dalawa.
"Pero pre uminom ka muna" Sabi ni Jerome sabay alok ng isang basong alak sa akin.
"Pre ayoko" Sabi ko at inilayo ang baso.
"Pre, kelan ba magiging kayo?" Tanong sa akin ni Edward. "Pagpabagal bagal ka baka unahan na kita" Sabi nya, wala iyong halong biro dahil totoo, gusto nya rin si Jazz kaya lang mas napalapit ako sakanya at nung araw na ipakilala nila ako kay Jazz ay yun din ang araw na inamin sa akin ni Edward na may gusto sya kay Jazz, pero hanggang gusto lang daw yon at hindi na madadagdagan pa.
"Malapit na pre" Sabi ko sa kanilang dalawa at ngumiti habang sila lagok lang ng lagok ng alak.
"Kelan naman yang malapit na yan?" Tanong ni Jerome.
"Basta pre, papatulong ako sa mga fans" Sabi ko at tingin sa cellphone ko baka kasi nagtetext sya ng hindi ko namamalayan.
"Nagchat pala sa akin kanina si Michaella, partner daw tayo sa baking subject bukas at kailangan natin ng ingredients para sa cookies" Saad ni Edward sa akin.
"E si Jazz? Sinong kapartner? Alam mo ba?" Tanong ko kay Edward.
Nagvibrate ang cellphone ko.
New message received from My only one. Binuksan ko ito at nagpapasundo na sya.
"Si Michaella ang kapartner nya, kaya lang isusurprise nalang daw ni Michaella si Lianne sa mga ingredients nila" Pagpapaliwanag ni Jerome sabay sindi ng sigarilyo. Surpresa?
"Ang talino mo talaga Edward!" Sabi ko at tinapik ang balikat ni Edward. "Sige una na ako ha? I charge nyo nalang sa pangalan ko yang mga pinagkukuha nyo." Sabi ko sakanila at umalis.
Lianne's PoV
Sabay kaming lumabas ng cafe ni Ayien at umalis na rin sya pagkalabas namin. Tinext ko naman si Rain para sunduin ako, hindi naman ako makakaistorbo dahil hindi naman yon umiinom.
Nagantay ako ng ilang minuto at nagreply na din sya.
From: Baby Rainnyy
Wait for me, wag kang magcommute delekado.Sabi nito sa text, hindi naman ako magcocommute dahil hindi ako sanay.
Habang nakatingin sa phone ko ay nakita ko sa peripheral ko na may nakatingin sa akin. Inangat ko ng konti yung ulo ko para masiguradong nakatingin nga sya sa akin. Kita ko sa gilid ng mata ko na lalaki syang nakasumbrero kita ko iyon kahit nasa madilim sya. Nakita ko naman ang isang single na paparating sa gilid din ng mata ko ito nakita. Tinaymingan ko ang pagilaw ng single sa lalaking iyon at saka ito tinignan. Tama ako sa akin sya nakatingin. Bigla itong kumirapis ng takbo ng mapansin nya ang matalim na tingin ko sa kanya. Sino sya?
BINABASA MO ANG
Fight for us
De TodoAng pagmamahal ba ang susi sa lahat? Paano kung ang pagmamahal na yon ay yun din ang dahilan ng pagkawala ng buhay ng isang tao? Itutuloy mo paba ang relation na sabay nyong ibinuo? Enjoy Reading💖