Chapter 26: Pervent.
Lianne's PoV
Nakaupo ako ngayon dito sa may garden ng hospital at nasa likod ko ang entrance nito. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, nagiging OA na ako, tignan lang ng ibang babae si Rain nagagalit na agad ako. Ewan ko ba.
Nakita ko ang isang mamahaling kotche na kakapark palang at iniluwal nito sina Mommy Yra at Daddy Limuelle. Ngumiti ako sakanila ng makalapit sila sa akin.
"Bakit ka nandito?" Tanong sa akin ni Mommy Yra. "Dapat nasa luob ka, tara pasok tayo" Pagaaya nya sa akin. Umiling naman ako sa pagaalok nya.
"Sige po mauna na po muna kayo, susunod po ako" Saad ko. Dahil gusto ko munang mapag isa. Gusto kong hanapin ang sagot kung bakit ang bilis kong magalit sa mga babaeng nakapaligid kay Rain pwera lang sina Mommy Yra at Ate Yunah.
"Limuelle, una ka na, sunod ako" Sabi ni Mommy Yra kay Daddy Limuelle. Nagkunot naman ako ng nuo dahil sa pagtatakha ngunit nginitian lang ako ni Mommy Yra at tsaka umupo sa tabi ko nang nakaalis na si Daddy Limuelle. "May problema ba?" Tanong sa akin ni Mommy Yra.
"Bakit po nagseselos ako agad?" Tanong ko at hinilamos ang kamay ko sa aking mukha.
"Napaka stress mo ata? Kaya mo namang pigilan yon e, isipin mo nakikipagkaibigan lang yung mga ibang babaeng lumalapit kay Rain" Paliwanag nito.
"Susubukan ko po" Saad ko. Narinig ko syang tumawa at umiling.
"Wag mong subukan gawin mo, baka kasi magsawa ang isang lalaki kung sobrang seloso ng babae" Sabi nito ng nakaderetcho ang tingin sa mata ko.
"Hindi naman po siguro nagsasawa si Rain diba? At tsaka sabi nya po sa akin gustog gusto nya daw po akong nagseselos" Paliwanag ko na ikinangisi ni Mommy Yra.
"Hindi ko na kilala ang anak ko ngayon, masyado na syang matured kung mag isip. Pero nagpapasalamat ako sayo dahil nakuha mo ang luob nya para magpakita sa amin" Sabi nito at ngumiti. "Tara na pasok na tayo sa luob" Sabi nito at tumayo. "Basta yung kumakausap sa kanya hayaan mo lang pero pag hinawakan na, Hmm! Alam mo na ang gagawin mo" Pagpapaalala ni Mommy Yra at tumawa kaming dalawa.
Pagpasok namin sa hospital room ni Rain ay narinig namin silang apat na tumatawa.
"What's happening here? You seems so happy." Puna ni Mommy Yra sa kanilang pagtawa.
"Ang seloso kasi nung isa jan" Sabi ni Rain at tumingin sa akin. Nakita ko namang hawak nya parin ang cup noodles kaya lumapit ako sa kanya at kinuha iyon.
"Tapos ka na bang magpasubo sa nurse?" Sarkastioko kong tanong.
"Hindi, natakot sayo kaya ayaw akong subuan. Ikaw subuan mo ako" Utos nya sa akin. Tinaasan ko naman sya ng kilay.
"Sa akin to" Sabi ko at sumubo ng konti. Tinitigan nya lang ako ng nakangiti. Wala na akong nagawa kung hindi subuan na sya ng tuluyan kasi alam ko hindi pa sya nagdidinner kagabi. Narinig ko ulit ang pagbukas ng pinto.
"Pwede na po kayong umalis" Sabi ng isang doctor. Hindi ko napansin na nakabihis na din si Rain kase kaninang iniwan ko sya naka hospital gown pa sya e.
"Sige po doc" Sabi naman ni Mommy Yra. "Sasama ka ba sa bahay Blythe?" Tanong sa akin ni Mommy Yra. Bakit ba ganun ang tawag nya sa akin?
"Hindi po, wala na pong lagnat si Rain kaya papasok po ako" Saad ko. Pero mukhang late na ako kaya mamayang hapon ako papasok. "Rain dadalhin ko yung mio sa school ha? Hindi ka pa pwedeng pumasok" Sabi ko sa kanya habang palabas kami ng hospital room.
"Kuya Migs, ingat sa pagdridrive" Paalala ni Rain kay Kuya at hinalikan ako sa nuo. "Ingat ka sa pagpasok ha?" Paalala nya sa akin na tinanguan ko.
BINABASA MO ANG
Fight for us
RandomAng pagmamahal ba ang susi sa lahat? Paano kung ang pagmamahal na yon ay yun din ang dahilan ng pagkawala ng buhay ng isang tao? Itutuloy mo paba ang relation na sabay nyong ibinuo? Enjoy Reading💖