Chapter 27

44 2 0
                                    

Chapter 27: Valentines (Part 2)

Natahimik ako sa sinabi nya sa akin. Hanggang ngayon ramdam ko parin ang pagiinit nya pisngi ko at ramdam ko parin ang nakangising tingin sa akin ni Rain habang ako ay hindi makatingin sa kanya.

Kanina pa kaming dalawa naka bihis pero nakakahiya talaga yung sinabi nya kaya hindi ako makagalaw ngayon sa kinakatayuan ko.

"Oy Clifford mag ready ka na ikaw na susunod" Sabi ni Georgina. Nagkalakas na akong loob para tignan si Rain. Kinarkula ko yung suot nya at nakapolo syang kulay blue na nakatupi hanggang siko, naka jeans na skin color yung kulay at naka highcut syang kulay blue. Ganun din ang suot kong sapatos, highcut na kulay black naman yung akin, naka maroon na short at polo din na color white tapos nakatupi hanggang siko na pinatungan ko pa ng blazer na sleveless at color black.

"And last but not the least, are you ready for the performance of Mr. Salazar?" Rinig kong sabi ng Emcee mula sa stage. Umalingawngaw naman ang malakas na sigaw mula sa audience. Alam na this, perfect na ang audience impact nya.

"Manuod ka" Bulong ni Rain sa likod ko. Tumango naman ako sa sinabi nya. Naglakad na sya palabas ng backstage, sinundan naman namin sya ngunit hanggang entrance lang kami ng backstage. Nakakabinging sigawan ang pumapasok sa dalawang tenga ko konti nalang tatakpan ko na ito.

Nakatalikod sila mula sa audience, oo sila kase kasama nya si Kuya, Edward at Jerome. Nakatalikod sila aa audience kaya nakaharap sila sa amin.

"Bae! Watch me!" Sigaw ni Rain sa gitna ng sigawan.

"The club is the best place to find a love, 'cause the bar is where I go" Humarap sila sa mga audience pagkatunog ng Shape of you. Mas lalo namang lumakas ang hiyawan at palakpakan sa kanilang kahat lalo na nung itinaas nila yung pangitaas nilang damit dahilan upang tumambad ang kanilang mga abs. Tinignan ko si Rain at ang galing galing nyang sumayaw. Ang lambot at ang swabe ng sayaw nila lalong lalo na si Rain, akala ko marunong lang syang kumanta pati pala sumayaw kaya nya.

"Shit, shit ang hot sumayaw ng boyfriend mo" Puna ni Georgina sa tabi ko sabay hampas ako. Hindi naman kami ganoong kaclose ha?Tinignan ko nalang sya ng walang emosyon. "Ay, Sorry Miss Hourthage" Paumanhin nya. Tinanguan ko nalang sya.

"Clifford! Clifford! Clifford!" Sigaw ng mga fans nya paulit ulit. Tinignan ko sila at luminya sila at nagbow.

"Thank you Mr. Salazar" Sabi ng Emcee at tinignan si Rain. Tumingin sya sa audience "And now, lets all welcome the women with their talents." Sabi ng Emcee at pumalakpak pa.

"Miss Hourthage" Kalbit sa akin ni Georgina. Tinaasan ko naman sya ng kilay. "May papalapit na gwapo sayo" Sabi nya sabay turo kay Rain.

"Your really know how to surprised your fans" Sabi ko at lumakad sa may upuan dito sa backstage.

"Oo naman, Ikaw? Kaya mo ba?" Hamon nya sa akin.

"Manood ka na lang" Sabi ko sa kanya.

"Let's see" Sabi nya at tumango tango pa. "Gutom ka ba?" Tanong nya. Tumango naman ako.

"Medyo" Tipid na sagot ko. Nakita ko namang hinanap nya ang bag nya at ng makita nya yon ay nakita ko ang isang supot na may logo ng Jollibee.

"Kami Kuya wala?" Biglang sulpot ni Clyde na nakaakbay pa kay Xyrine.

"Bumili ka" Sabi ni Rain at kuha ng pagkain mula sa supot. Nakita ko agad ang paulit ulit na pangalan nito sa box nya.

Jolliehotdog, Jolliehotdog, Jolliehotdog.

Dalawa ito at mukhang tigisa kami. Binigay nya sakin ang isa at kinagat ko naman iyon.

"Hmm! Shet nagugutom pa ako lalo" Sabi ko sabay subo ng hotdog sandwich, amoy na amoy ko ang cheese lalong kumakalam ang tsan ko.

Fight for usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon