Chapter 24

37 2 0
                                    

Chapter 24: Nurse

Lianne's PoV

Pinagsiklop ko ang kamay namin ni Rain ng matapos ang doctor sa kwarto nya. Nandito ako sa side ng hospital bed ni Rain at nakatingin lang kay Kuya na kanina pa may kausap sa cellphone nya.

Tinignan ko si Rain at mahimbing parin syang natutulog. Hindi parin mawawala ang kisig ng kanyang mukha kahit na tulog ito.

"Rain, gumusing kana babatukan pa kita." Sabi ko sa kanya, ngumiti ako ng mapait dahil narealize kong walang sasagot sa sinabi ko at naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha ko. "Gumising ka na, hindi ako sanay na hindi ka nagsasalita, Bae wake up" Wala ng hinto ang luhang lumalabas sa mga mata ko. Narinig ko ang pagbukas ng pinto dito sa hospital room at nilingon ko iyon.

"Anong nangyari sa anak ko?" Pormal na tanong ng isang lalaki na mas matured ang itchura kay Rain. May kasama syang babae na kamukhang kamukha ni ate Yunah na sa tingin ko ay asawa nya  Nagtama ang tingin namin. "What happened to my son?" Tanong nya ulit sa akin. I cleared my troat.

"Uh.. Sir.. Mataas po yung lagnat nya" Sabi ko at pinunasan ang tumutulong luha sa aking mata. Nakahawak padin ang kamay ko kay Rain at nakaupo parin sa tabi nya.

"Dad, she's Jadaza Hourthage, Girlfriend of Ulan" Sabi ni ate Yunah. Nanlaki naman ang mata ko sa gulat kahit na alam ko ng nahanap na ni Rain ang magulang nya dahil kay ate Yunah, sa pagbago ng cellphone nya, mga credit card na pinambabayad nya at higit sa lahat ang Salazar University, nagulat ako dahil ngayon ko lang sila nakita at alam kong may dahilan si Rain kung bakit hindi nya ito sinabi sa akin. Just because he don't tell me, doesn't mean i won't find out.

"Jazz! Nashocked ka na" Sabi sa akin ni Kuya na nagpabalik sa akin sa realidad.

"Uh.. Sir.. I'm Rain's girlfriend" Sabi ko sa Daddy ni Rain.

"Nah, don't call me sir, call me Dad" Pormal na sabi nito at ngumiti sa akin. Medyo nawala naman ang lungkot ko dahil doon. Nakita ko naman ang lumalapit na babaeng wari ko'y Mommy ni Rain. "Ang she's my wife, call him Mom" Dagdag naman ng Daddy ni Rain. Tumango ako rito at ngumiti.

"Goodevening Mom--" Nahinto ako sa pagsasalita ng hawakan nya ang pisngi ko.

"Blythe Hourthage" Bulong nito at ngumiti. "Hello!" Sabi nya ng energetic. Medyo nalito naman ako sa pagtawag nya ng ganong pangalan. Tumayo ako para maglebel ang paningin namin.

"Uh.. Sorry po sa nangyari" Sabi ko at medyo yumuko.

"No, Don't say sorry, walang may gustong mangyari nito" Sabi sa akin ng Mommy ni Rain.

"Mahal na mahal lang ni Ulan yung mga bagay na binibigay sakanya kaya nagpasya syang maligo sa ulan gamit ang motor, malas lang kasi malakas pa ang hangin" Sabi ni ate Yunah at umupo sa isang side ng bed. "Imbes na maging malakas ang swerte nya sa ulan dahil pangalan nya iyon. Hayst! Naging malas sya pagdating sa ulan kaya nagkasakit sya." Dagdag pa ni Ate Yunah.

"Nakita din namin syang kakaligo lang nung pumunta kami sa bahay nya" Dagdag ko pa sa sinabi ni ate Yunah.

"Buti naisipan mong pumunta sa bahay nya?" Tanong nang Mommy ni Rain.

"Uh.. Tita naramdaman nya kasi na may masamang nangyari ka Clifford" Sabi ni Kuya Jm, Tinignan ko naman sya ng masama.

"So.. You're meant for each other" Sabi naman nang Dad ni Rain at nakita ko ulit sumilay ang ngiti nito sa labi. Nakita ko din kanina sa kwarto ni Rain na wala na yung emoticons duon. Saan kaya nagpunta?

"Hindi pa kami pormal na nagpakilala sayo" Sabi naman ng Mom ni Rain. "I'm Yralise Salazar, Rain's mother and His Limuelle Salazar, Rain's father" Sabi ni Mommy Yra at iniabot sa akin ang kamay nya upang makipag shake hands, tumayo ako at tinanggap ko naman iyon.

Fight for usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon