Chapter 17: February 10
Rain Clifford's PoV
Natapos ang pagpipicture sa aming dalawa ni Jazz kanina. Nakasiklop ngayon ang mga kamay naming dalawa habang si Kuya Migs at Edward ay kumakain lang ng mga hinanda nila, oo hinanda nila, silang dalawa ang nagsuhestyon sa akin ng mga handa sa pagsurpresa ko kay Jazz at yung dalawa naman nagaasaran parin habang itinatanggal ang mga picture na pinadevelope nilang dalawa sa bawat lobo. Silang lahat tinulungan ako sa plano ko. Si Kuya Migs nagkunyareng nagaalala dahil hindi ko kasama si Jazz. Si Jerome naman ang nag uupdate kay Ayien kung anong ginagawa ni Jazz at nagbigay ng ideyang tawagan ko ang cellphone ni Edward para maging busy ito kung sa kaling tawagan man ni Jazz at gumana naman buti nalang ay unlimited na yung load ko pinaunlimited ni Dad. Si Edward na nagsuhestyon na sayangin ang oras ni Jazz sa pamamagitan ni Ayien. Si Ayien naman na binulabog si Jazz sa bahay nila. Sobra akong nagpapasalamat sa kanila. Lalong lalo na sa babaeng hawak ko ang kamay ngayon.
"Jazz, Salamat" Sabi ko at tinignan sya sa mata. Kanina pa kami sa sofa at tawa sya ng tawa kina Jerome at Ayien.
"Salamat saan?" Takhang tanong nya. Ngumiti ako sakanya at hinalikan ang kamay nya.
"Thank you for comming in to my life, bae" Sabi ko at nginitian sya. 'Bae' endearment namin kasi B is for Before, A is for Anything and E is for Else. Alam kong iba ang ibig sabihin non sa ibang bansa pero yun ang nababagay sa aming dalawa.
"You don't need to thank me for it, when in fact ikaw ang may dahilan ng lahat kung bakit naging tayo ngayon" Sabi nya na nginitian ko. Hell yeah, Niyakap nya ako at natumba kaming dalawa sa sahig kanina tsaka nya ako hinalikan sa pisngi at sumagot ng 'yes' ang unfair nga mamatay matay na ako sa kaba dahil sa tanong ko kanina tapos isasagot nya lang 'yes'?
"I will never turn my back to you, I will never leave you alone. I promise." Saad ko at nakikipag pinky swear, ngumiti naman ito sa akin.
"I promise to you that I will never stop loving you, untill the last beat of my heart" Sabi nya at tinuro pa ang puso nya bago nakipag pinky swear sa akin.
"Promises are ment to be broken" Komento ni Ayien sa palitan naming pangako ni Jazz.
"Alam mo ikaw panira ka talaga" Sabi ni Jerome at duro kay Ayien. "Kung nabibitter ka parin sa ex mo andito naman ako." Dagdag ni Jerome at may kindat pa, inirapan lang ito ni Ayien.
"But our promises are last forever" Sabi ko at nginitian si Ayien ng nakakaloko.
"Forever? Walang ganun magbrebreak din kayo!" Sabi ni Ayien na ikinatawa ko.
"Tigilan mo na yang ex mong walang kwenta ha" Sabi ni Jazz kay Ayien. "Kung walang forever ode lifetime" Sabi ni Jazz at kinuha ang cellphone nya. Kinuha ko din yung akin para mag facebook.
Habang nagii-scorll down ako sa aking notification ay bigla kong naalala na magupdate ng status kong 'In a Relationship'. Tumunog ang cellphone ko at nakita ko sa notification si Jazz.
Jadaza Lianne Hourthage tag you in a post. Pinindot ko yon at nakita ko na nagpalait sya ng profile picture yung may icing kaming dalawa last month.
Jadaza Lianne Update her profile picture.
"You will always be in my heart, no matter what will happen Bae" Sabi nito sa Caption nya. Napangiti nalang ako dahil sa nakita ko. Naramdaman ko naman ang paghiga ni Jazz sa balikat ko. Pinusuan ko ang profile nya at hindi na nagabalang mag comment.
Pinindot ko din ang profile ko at nagpalit ng profile picture. Yung pinicture kanina ni Ayien nung nakaluhod ako sa harap ni Jazz.
"Our relationship is not a secret, but I want it to be a private. It's enough for me that you know that I love you and I know that you love me too Bae" Sabi ko sa caption at tinag din sya. Sobra akong nagpapasalamat sa dyos na kami na ni Jazz.
BINABASA MO ANG
Fight for us
RandomAng pagmamahal ba ang susi sa lahat? Paano kung ang pagmamahal na yon ay yun din ang dahilan ng pagkawala ng buhay ng isang tao? Itutuloy mo paba ang relation na sabay nyong ibinuo? Enjoy Reading💖