Chapter 21: This Bitch
Rain Clifford's PoV
Pagkatapos kong ihatid si Jazz ay agad na akong dumaretcho sa Lorywer Village. Halos hindi ko na napupuntahan ang bahay ko sa Huston Vill dahil nasisiyahan ako pagkasama ko ang pamilya ko.
Hanggang ngayon ay naiinis parin ako sa lalaking muntik ng hawakan ang babaeng pinakamamahal ko sa gym kanina. Kaya hindi na ako nakapagpaalam pa kay Jazz ng maayos. Siguro ay tulog na yon kaya bukas ko nalang sya kakausapin. Sisiguraduhin kong hindi na makakalapit ang lalaking yon kay Jazz dahil tatawagan ko na ang manager ng JHB gym para ireport ang nangyari.
Pagpasok ko sa bahay ay agad kong itinapon ang sarili ko sa sofa at inilabas ang Iphone 7 na kulay black para tawagan ang manager ng JHB. Bigay to sa akin ni Dad kasabay ng kotche ko, pero ayoko munang gamitin ang kotche ko dahil ayaw kong dagdagan ang problema ni Jazz.
["Hello Ma'am, Sir, this is JHB gym how may I help you?"] Boses ng isang babae ang sumagot sa tawag ko.
"Ahm. This is Clifford Salazar, A customer earlier. I want to talk to your manager" Saad ko sa babaeng kausap ko.
["Sir, I am the manager, is there any problem about the gym?"] Tanong nya.
"Uh, yeah a little problem. Some of the assistants touch my girl, can you please kick that asshole out to your gym?" Request ko sa kanya.
["No Sir--"] Pinigilan ko sya sa pagsasalita nya.
"No! I need the asshole out of that gym!" Pasigaw na sagot ko sakanya.
["Sir, we're sorry about what happen. Pag nangyari pa yun ulit yon, ay ako na ang magtatanggal sa kanya"] Sagot ng manager na babae.
Pinatay ko na ang cellphone ko at inilagay sa pocket. Huminga ako ng malalim at isinandal ang ulo ko sa sofa, nagulat ako dahil nandito sina Mom, Dad at ate Yunah.
"You seems so stressed huh?" Pangunguna ni Mom.
"Ano bang nangyari Ulan? Sabi mo 'No! I need that asshole out of that gym' Kala ko nga may kaaway ka dito sa luob e" Pagpupuna ni ate sa pagsigaw ko.
"I... I'm just angry when someone tried to touch Jashi" Sabi ko at ginulo ko ang buhok ko.
"You're now frustrated kid, baka ikamatay mo yan" Sabi ni Dad at mahinang tumawa.
"Ano ka ba Limuelle! Akala mo naman ikaw hindi ka ganyan dati" Sabi ni Mom kay Dad.
"Shh, Babe Yra" Sabi ni Dad at inilagay ang index finger nya sa labi nya. Tumingin ako ng seryoso kay Dad.
"It's that true Dad?" Tanong ko kay Dad.
"Yes son, I'm your Dad right? We have the same looks, good looks to be exact" Sabi ni Dad at isinuklay pa ang buhok nya gamit ang kamay.
"Limuelle! Kalaswang tignan" Sabi naman ni Mom kay Dad habang si Dad ay tumatawa lang.
"Pero Dad, bakit si Rain hindi naman mahangin bakit ikaw?" Sabi ni Ate Yunah habang nakaturo pa ang index finger nya kay Dad.
"Nagmana naman si Clifford sa pagiging magandang ugali nya sa akin" Sabi naman ni Mom.
"Okey, Tara na kain na tayo" Pagbabaliwala ni Dad sa sinabi ni Mom. Tumawa naman ako at nakilakad kay Dad papuntang kusina, ganundin ang ginawa ni ate Yunah.
"Kumain kayong magisa nyo!" Sigaw ni Mom sa living room.
"Hindi kami magisa tatlo kami!" Sigaw pabalik ni Dad. Mas lalo akong natawa dahil sa conversation nila. Umupo na si Ate Yunah sa isang upuan dito sa dining table, umupo ako sa tabi ni Ate Yunah at si Dad naman ay bumalik sa living room upang suyuin si Mom.

BINABASA MO ANG
Fight for us
RandomAng pagmamahal ba ang susi sa lahat? Paano kung ang pagmamahal na yon ay yun din ang dahilan ng pagkawala ng buhay ng isang tao? Itutuloy mo paba ang relation na sabay nyong ibinuo? Enjoy Reading💖