Chapter 10: Black Rose
Lianne's PoV
Minulat ko ang mata ko at nakita kong nasa kwarto ako. Sa kwarto ko. Tumayo ako at napasapo sa aking ulo.
"Hangover" Sabi ko saaking sarili. Parang pinagtutusok ang ulo ko sa sakit. Kinuha ko ang Cellphone ko at tinignan kung may nagtext. Wala ni isa wala kahit si Rain. Teka--
9:15 am Wednesday
9:15 am Wednesday
9:15 am Wednesday
9:15 am Wednesday
9:15 am Wed---
What the fvck?!!!! Dali dali akong pumunta sa banyo at ginawa ang morning routine ko. "Shit, may pasok pala ba't ako nagpakalasing" Saad ko sa aking sarili.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako. Huh? Andito si Kuya.
"Kuya bakit ka nandito wala ka bang pasok?" Tanong ko habang isinasabit ang bag ko sa aking balikat.
"Wala obviously" Sabi nito habang nakatingin parin ang mga mata sa laptop. Kababalaghan nanaman nyan to. Sumilip ako sa laptop nya at naikita kong nagfafacebook sya akala ko porn nanaman e.
Yunah Lorywer Salazar.
Nakita ko yung pangalan ni ate Yunah sa may chat box nya.
"Hmmm Kala ko porn kachat pala si ate Yunah" Sabi ko at tumango tango pa. Tumingin sakin si Kuya at biglang isinara ang laptop. "Baka masira yan wala kanang pangchat sakanya" Sabi ko at ngumiti kay kuya. Binigyan nya ako ng matalim na tingin.
"Umalis ka na nga! Panira ka e" Sabi nya habang itinataboy ako. Tss.
"Hindi mo ba ako ihahatid?" Tanong ko, wala kasi si Rain malamang pumasok na. Pero hindi sya nagtetext sakin kalungkot naman. "Papatanggal ko kay Dad yung connection para hindi na kayo magchat ni ate Yunah!" Sabi ko habang palabas ng pinto.
"Ode patanggal mo! Oy kumain ka muna!" Ngayon mo lang ako naisipang pakainin Kuya? Really Kuya?
Hindi ko nalang sya pinansin at sumakay nalang ako sa taxi dito sa luob ng Huston Village. Pagkalabas ng Village ay nakita ko kaagad ang mga tao na masaya. Napangiti ako dahil sa mga batang naglalaro ng taguan. Maswerte sila dahil hindi sila nalululong sa mga gadgets.
Pagkarating namin sa Hourthage High ay nagpababa na ako. Pumasok agad ako at pinaiscan ang ID ko sa machine na nandito sa entrance. Dito nalalaman kung pumapasok ba talaga ang mga istudyante.
Normal lang akong naglalakad sa Hallway. Hindi katulad nung first day ko dito na pinagtitinginan at pinagbubulungan ako. Para na akong normal na istudyante.
"Hi Miss Hourthage" Sabi nung lalake. Err- Erase that 'Normal Student'
"Hello" Sabi ko sakanya at ngumiti. Gwapo sya ha. Kaya lang hindi ko bet may Rain na ako e.
"Can I have your number miss?" Tanong nya. Natanggal ang ngiti ko dahil sa sinabi nya.
"Sorry, Pagbinigay ko kasi number ko sayo baka mawalan na ako ng number e" Sabi ko sakanya at ngumiti ulit. "Sige alis na ako" Paalam ko at naglakad. Nakita ko sya sa gilid ng mata ko na nagkamot sya ng ulo. Hehe sabi kasi ni Kuya don't talk to strangers, Kung sanang nagpakilala muna sya ode binigay ko.
Hindi na ako nagabalang tumakbo papuntang room dahil alam ko hindi na ako makakahabol pa sa klase ko, kaya dumaretcho nalang ako sa cafeteria.
Pagpasok ko sa cafeteria walang istudyante mga stuffs lang. Umupo ako sa may gilid kung saan kita ko ang buong building ng mga seniors, Building namin.
BINABASA MO ANG
Fight for us
RandomAng pagmamahal ba ang susi sa lahat? Paano kung ang pagmamahal na yon ay yun din ang dahilan ng pagkawala ng buhay ng isang tao? Itutuloy mo paba ang relation na sabay nyong ibinuo? Enjoy Reading💖