Thank you so much. You made it! Wag kakalimutan na ivote, magcomment at higit sa lahat ishare nyo. Thank you talaga! Hanggang sa susunod na story nila. Love lots. Flying kiss. -Kate
______________________________________
Epilogue
Jadaza Blythe's PoV
Sa lahat ng sikretong tinago namin sa isa't isa, Sa lahat ng bagay na nangyari sa aming dalawa, Sa lahat ng taong humadlang sa relation namin, Sa lahat ng mga bagay na pinagsamahan namin, Sa lahat ng mga nangyari at sa lahat ng mangyayari pa, Itatago ko yon sa utak ko at hindi iyon kakalimutan. Sana ganun din sya. At lahat nang yan ay makakayanan namin kahit ano pang dumating na problema.
"Besy, Darating ba yung boyfriend mo?" Bulong sa akin ni Ayien dito sa tabi ko. Malapit na magsisimula ang graduation ceremony namin at wala pa si Rain.
"Hindi ko alam" Sabi ko at tumingin sa phone ko. Hindi na yon nagtetext sakin simula nung lumipat kami sa Lorywer.
"Itetext pa ba kita kung pwede naman kitang kausapin sa personal?" Lagi nya yang sinasabi pagkanagrereklamo ako sa hindi nya pagreply.
"Okay graduates, settle down" Sabi ni Emcee. Nilingon ko si Ayien na nakikipagtitigan kay Jerome na kausap ang parents nya.
"Sige" Sabi nito. Umalis na ako don sa pwesto ko kanina at umupo na.
Maraming sinasabi ang Emcee pero hindi ako nakikinig. Dinadial ko ang number ni Rain pero hindi sya nasagot.
"Nasan na ba tong lalaking to" Bulong ko habang tinatago ang phone sa pocket. Wala naman syang sinabi na may gagawin syang ngayong araw. Kinakabahan na ako.
"Ah.. Miss Hourthage, punta napo kayo dito sa stage para kuhanin ang medals nyo" Sabi ng Emcee. Nagising ang diwa ko dahil sa narinig ko. Ilang oras na ba akong tulala?
Umakyat ako sa stage kasama sina Mama at Papa.
"Asan boyfriend mo?" Biglaang tanong ni Mama habang sinasabitan nya ako.
"Hindi ko po alam, Sya po ang Valedictorian at kaylangan nya pa pong magsalita dito sa stage. Mukhang hindi nga po sya makakarating e" Paliwanag ko sabay kibit balikat.
Humarap ako sa naglilitrato at ngumiti. Mas lalong lumaki ang ngiti ko ng may nakita akong sports car na paparating at iniluwal nito ang napakagwapong lalake na naka bussiness suit. Bumaba ako ng stage para salubungin sya.
"Ba't ngayon ka lang?" Inis na tanong ko. Nagkibit balikat sya.
"Atleast nakarating." Sabi nito at hinalikan ako sa nuo.
"And the Valedictorian of the year. Rain Clifford L. Salazar" Tawag ng Emcee kay Rain at nagsipalakpakan ang mga kapwa ko istudyante. Tinignan ako ni Rain at tinanguan ko naman sya. Umakyat sya ng stage at ibinigay sakanya ng Emcee ang microphone.
"Goodmorning ay, Goodevening pala" Panimula ni Rain na ikinatawa ng iilan. "Una sa lahat, Congratulation" Pormal na sabi nito. "Wala na akong sasabihin pa kundi ituloy nyo lang ang inyong buhay at ako naman ay papakasalan na yon" Sabi ni Rain at turo sa akin. "Oo ikaw babae, Papakasalan na kita sa susunod na araw o sa makalawa, Jadaza Blythe T. Hourthage." Sabi nito at tumawa. Tinignan ko sya ng masama na naging dahilan ng mas lalo nya pang pagtawa. "So again congratulations and you're now all graduates!" Masayang sabi ni Rain at sabay sabay naming hinagis ang graduation hat namin.
"Congrats" Bulong ni Rain mula sa likod ko. Humarap ako sa kanya atsaka sya nginitian.
"Bagay mo yang suot mo" Puri ko sa kanya na naging dahilan kung bakit mas lumaki ang ngisi nya. "Actually ang hot mo ngang tignan e" I whispered.
"Ano? Sabihin mo nga ulit" Sabi ni Rain na nakangiti parin.
"O ano pang ginagawa natin?" Tanong ni Jerome na nakaakbay kay Ayien kasama sina Georgina,Edward, Mama at Papa. Wala sina Kuya at Ate dahil may gagawin pa sila sa collage.
"May kainan sa bahay" Biglang sabi ni Mama. Nagsimula ng magingay si Jerome.
"O tara doon na tayo" Sabi ni Jerome at nagsimulang maglakad.
"Ahm.. Tita, May papakita lang po ako kay Jazz, Madali lang naman po" Sabi ni Rain at nagkamot ng ulo. Mahina namang tumawa si Mama.
"Sige son, Take care of my daughter" Singit ni Papa. Nakasanayan nya nang tawaging 'son' si Rain.
"Makakaasa po kayo" Sabi ni Rain at hinila na ako sa sports car nya.
"Saan--" Pinutol ako ni Rain.
"Shh" Sabi nito nang nakatingin sa daan. Tumahimik nalang ako kahit paminsan minsan ay nililingon nya ako. "Stop staring" Sabi nito ng naramdaman nya ang paninitig ko sa kanya. Umiling nalang ako at sumandal sa upuan.
Tahimik ako buong byahe hanggang sa malaman kong nasa mataas na bahagi kami ng bayan.
"Rain.." Tawag ko sa kanya.
"Hmm?" Sagot nito at ipinark ang sports car nya sa isang malaking black na gate na narito. Bumaba sya ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pintuan.
"Thank you" Sabi ko at inayos ang damit ko. Tinanggal ko ang toga at hinagis sa luob ng sports car. Nakadress na black nalang ako ngayon.
"San burol?" Pangasar na tanong nya. Tinignan ko sya ng masama. "Beautiful" Bulong nya at hinawakan ang kamay ko. Lumapit kami sa may gilid ng black na gate at may pinindot sya dito. Bumukas ang maliit na pintuan ng gate at pumasok kami.
"Ano to?" Tanong ko ulit. Nakita ko ang hindi kalakihang bahay sa taas ng isang swimming pool.
"Bahay natin" Matipid na sabi ni Rain sa akin.
"Ba-bahay? Natin?" Tanong ko ulit. Tumango sya at hinila papunta sa bahay. Natalamsikan ako ng kaunting tubig ng dumaan kami sa pool. Yon lang naman kasi ang tanging daan kung paano makapunta sa bahay na iyon.
Huminto kami sa gitna ng bahay at nilingon ko ang buong bayan. Madilim na at kitang kita na ang highlights ng mga bahay dito. Ang gandang tignan sa mga mata.
"Wow" Bulong ko dahil maganda naman dito.
"Hindi ako nagmamadaling magpakasal tayo pero kaylangan ko ng kasiguraduhan" Sabi ni Rain na nilingon ko. May kinuha sya sa bulsa nyang kulay black na box at binuksan ito. Lumuhod sya sa harap ko at sinabing "Kung hindi ko ito gagawin ngayon siguro mababaliw na ako" Kita ko ang diamond ng singsing na nasa loob ng box "Will you marry me Jadaza Blythe Hourthage-Salazar?" Nakaramdam ako ng luhang nagbabadyang tumulo sa aking mga mata.
"Yes" Sabi ko at tuloy tuloy na luha ang lumalabas mula sa aking mata. Naramdaman ko ang pagsuot nya ng singsing sa ring finger ko.
"Thank you" Bulong nito at niyakap ako. "Naalala mo ba yung araw na nagkausap tayo sa parking?" Tanong nya. Yun yung araw na nagaway kami sa parking lot at yung araw na pinalabas nyang naninigarilyo sya. Tumango ako sa tanong nya. "Hindi ba sinabi mo sa akin na babalik ako sayo kung may kompleto na akong sagot sa tanong mo? Yung tanong mong 'Sino nga ba talaga ako'?" Sabi nya. Unti unti kong inangat ang mukha ko para makita sya.
"Wala na akong pakelam kung sino ka basta alam ko mahal kita" Sabi ko sa kanya. Naramdaman ko ang mas mahigpit na yakap nya sa akin.
"Gusto ko lang magpakilala" Sabi nito at humiwalay sa pagkayakap namin. Hinawakan nya ang pisngi ko. "Ako si Rain Clifford Lorywer Salazar at mahal na mahal kita Jadaza Blythe Terminade Hourthage-Salazar" Saad nya at unti unting nilapit ang mukha nya sa mukha ko. Naramdaman ko nalang ang labi nya sa labi ko at unti unting lumalim ang halikan na yon.
Mahal ko si Rain at wala nino man ang makakapigil non sa akin. Kahit ang tadhana pa.
The End.
BINABASA MO ANG
Fight for us
RandomAng pagmamahal ba ang susi sa lahat? Paano kung ang pagmamahal na yon ay yun din ang dahilan ng pagkawala ng buhay ng isang tao? Itutuloy mo paba ang relation na sabay nyong ibinuo? Enjoy Reading💖