Chapter 41

46 2 0
                                    

Chapter 41: Debut.

Lianne's PoV

"Besy!" Rinig kong tawag sa akin ni Ayien. "Besy!" Tawag nya ulit at may kasamang yugyog pa. "Besy gumising kana!" Sigaw nya tapos mas lalo pa akong niyuyog.

"Mm! Ano ba?" Iritang tanong ko.

"Maligo kana kasi 7:30 pm na! Padami na ng padami ang mga bisita mo!" Sabi ni Ayien ng may kasamang yugyog parin. Bumangon ako mula sa pagkakatulog at tinignan sya ng masama.

"Iniistorbo mo palagi ang tulog ko" Sabi ko at naglakad papuntang banyo.

"Yung gown mo andito sa kama mo, Yung magmamake up sayo tawagin mo nalang pag nakapag ayos kana tapos yung camera man din tawagin--" Hindi ko na sya pinatapos dahil sinarado ko na yung pinto ng banyo. What a kind of friend are you Ayien? You're always disturbing my sleepy hours.

Nang matapos na akong maligo ay nagsuot muna ako ng cycling at white spaghetti na damit. Tinawag ko na din yung magmamake up sa akin pati na rin ang photographer.

"Mukhang wala ng dapat pang ayusin sa mukha mo dahil perfect na!" Malanding sabi ng bakla. Napangiti naman ako dahil sa sinabi nya. Tinignan ko ang photographer at shots lang sya ng shots sa akin habang nakatingin sa nikkon nya. Mukhang pamilyar yung nikkon na yun ah. Kamukha nung binigay ko kay Rain. Baka parehas lang kami.

"Upo ka" Sabi ng make up artist na ito at inialay sa akin ang kama para upuan ko. Ginawa ko naman yon at hinila nya naman ang upuan ko sa may tapat ng salamin at duon aya naupo.

Ilang oras din akong nakanguso, nakapikit at nakangiti. Grabe akala ko bang wala ng dapat ayusin?

"Oh my gosh! Ang ganda mo talaga dear!" Sabi nya sa akin at iniabot ang salamin na may tatak barbie pa sa likod. Itong binabae na to! Mas lalo akong pinaganda! Napatingin naman ako sa photographer na nakamask din pala. Ngayon ko lang napansin kasi this time hindi nakatapat sa mukha nya yung lenses ng camera. Kamukha nung mata nya yung mata ni Rain. Yung mask nya kasi ay tinatakpan ang buong mukha nya kaya mata nya lang ang nakikita ko.

"Kuya pwede bang--" Hahawakan ko sana yung mask nya para tanggalin pero flinash nya agad ang camera sa akin.

"Baba na ako. Naghihintay na mga bisita mo" Sabi nung bakla at bumaba na nga. Itong camera man parang si Rain. Kahubog hubog nya si Rain sa katawan, ka height at kalakad lakad pa.

"Aish!" Inis na sabi ko dahil sa pagkafrustration. Namimiss ko na sya! Napansin ko ang pagaalalang tingin sa akin ng photographer. "I'm ok" Sabi ko. Tumango naman sya at lumabas na.

Kinuha ko ang gown ko at pinagmasdan. Parang wedding gown ito kaya lang kulay black, nagmukha syang wedding gown dahil sa mga diamonds na nakapaligid sa may bandang dibdib at ang mahabang dulo nito. Ate Yunah's taste of fashion was good! Sinuot ko na iyon pati na ang black na high heels na may tali pang dapat palibutan sa mga binti ko. Nang matapos na ako sa pagsuot ng high heels ay agad kong kinuha ang maskara na kulay white and black. Shit! Bagay na bagay sa damit ko. Sinuot ko iyon at pinagmasdan ang sarili ko sa salamin.

"Ma'am, Magpose po muna kayo" Sabi ng photographer. Magpopose na sana ako pero hindi na ito yung kaninang pumasok. Hindi sya nakamask at medyo pandak. Baka naman marami sila. Isinantabi ko nalang ang iniisip ko at nagpose nalang.

"Goodevening ladies and gentlemen" Rinig kong boses ni Kuya Jm yon mula sa labas. Alam ko nasa bakuran yung stage pero bakit parang andito sa luob ng bahay yung boses ni Kuya? "May I introduce to you.. My sister" Rinig kong sabi nya ulit. Unti unti akong lumabas sa kwarto at kita ko na agad ang mga tao sa baba ng living room na may iba't ibang kulay ng maskara at iba't ibang kulay at design ng gowns. Kita ko rin dito ang mga naka tuxedong mga matchong lalake. Crowded na ito paano pa kaya kung may tao pa sa labas? Tinignan ko si Kuya na nakangiting pumapalakpak habang pababa ako sa hagdan. Habang itong photographer naman ay nasa likod ko.

Fight for usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon