Chapter 7: Still your day.
Lianne's PoV
After namin linisin yung icing sa mukha naming dalawa ni Rain pumunta na kaming parking lot at hinanap si Kuya. Wala naman yung kotche nya. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext sya.
To: Kuya Jmmm
Where are you? Nandito kami sa parking!Nainis na tinignan ko ang cellphone ko at nagantay ng text nya. Tinignan ko si Rain na nakatutok sakin ang camera ng phone nya.
"What the hell is going on?" I asked annoyed at nakakunot ang nuo. Ngumit sya sakin. Bigla naman nawala ang pagkakunot ng aking nuo. Nadadamay tuloy sya sa pagkainis ko kay Kuya.
"Look" Sabi nya at pinakita ng phone nya saakin. "You're so beautiful" Tinignan ko yung phone nya at nakita ko ang sarili kong hawak ang cellphone ko habang nakatingin sa malayo. Ang galing kahit cellphone lang gamit nya napapaganda nya. Bagay sya maging photographer----Alam ko na ireregalo ko dito. Kaya lang madedelay.
Pinindot ko yung home button at nakita ko yung picture namin kanina na may icing as a wallpaper. Ang cute namin. Hehe bagay kami.
"Ipasa mo saakin yang picture natin sa messager ha?" Sabi ko sakanya at ngumiti. Iproprofile ko yun sa facebook pag naging kami na hihi. "What's the date today?" Tanong ko sakanya. Tinaasan nya lang ako ng kilay "Para alam ko kung kelan Birthday mo!" Pagpapatuloy ko. Tumango naman sya.
"January 20" Tipid na sabi nya. Tumango nalang ako.
Narinig kong tumunog yung phone ko hudyat ng may nagtext. Tinignan ko kung sino, Si Kuya.
From: Kuya Jmmm
Yea. Wait for me.Di na ako nag abalang magreply. Pagkaangat ko ng tingin ay hinila nako ni Rain. Hawak hawak nya ang bewang ko at may narinig akong nagdridrifting.
Tumungin ako sa dako kung saan ako nakatayo kanina, nakatayo ng maayos ang driver habang nakasakay sa kanyang Mio. Sus yabang porket naka Mio, student palang naman sya malamang hindi sakanya pera nya galing yan.
Dahan dahan nyang tinanggal ang Helmet na kulay Black. Tss ang gago talaga.
"Kuya muntik mo na akong mapatay!" Lumapit ako sakanya akmang sisipain sya pero hinigit ako ni Rain.
"Jazz, Kuya mo yan" Sabi nya habang tawa ng tawa. Tinignan ko din si Kuya na nakangiti lang habang nakatutok samin ang camera ng kanyang cellphone. binigyan ko sya ng matalim na tingin at binaba nya naman ang kanyang phone.
"Happy Birthday Clifford," Sabi ni Kuya at hinagis kay Rain ang susi ng Mio. Ngumiti naman si Rain at niyakap si Kuya.
Napatalon ako dahil sa busina ng kotche. Lumabas ang dalawang lalaking baliw. Edward at Jerome.
"Ano pa bang gagawin natin? Tara na sa bahay ni Clifford!" Sabi ni Edward.
"Inuman na!" Sabi naman ni Jerome. Tss. Tinignan ko naman si Kuya na nakangiti lang. Mga Lasinggero!
Pumunta si Kuya sa kotche ni Edward ata? Ewan. At pumasok na silang tatlo.
"Walang himalang mangyayare ha?" Sabi ni Kuya mula sa backseat bago sinara ang pinto at umalis.
"Mga gago!" Sigaw naman ni Rain. Isa pa tong baliw. Alam na nakasarado yung windows at door nung kotche as if naman maririnig sya. Tinignan nya ako at nagtanong "Tara na?" Tanong nya.
"Osige,Pero daan muna tayong mall ha? Madali lang promise" Sabi ko at nginitian sya. Tumango naman ito bilang sagot.
Pagkadating naming mall ay dumaretcho na kami sa Cyberzone. Dito kasi lahat ng mga gadgets kaya dito ako dumaretcho.
BINABASA MO ANG
Fight for us
DiversosAng pagmamahal ba ang susi sa lahat? Paano kung ang pagmamahal na yon ay yun din ang dahilan ng pagkawala ng buhay ng isang tao? Itutuloy mo paba ang relation na sabay nyong ibinuo? Enjoy Reading💖