Chapter 6: Icing
Rain Cliffords PoV
4:56 Ang aga paaaa!!! Nakauniform na ako inaantay ko mag 5:25 para makapunta nako kina Jazz. Kanina pa ako nakaupo dito sa sofa.
Kinuha ko nalang ang phone ko at nagtext ako sakanya. Nakakainip kasi dito sa bahay kung kasama ko lang si ate Yunah di ko na kaylangan intindihin yung oras.
To: My only one
GoodmorningIt's Jazz. Ganyan pangalan nya sa phonebook ko kase sya lang naman talaga. Darating din yung araw na may kasunod na yang Goodmorning na yan nang I love you.
Tinignan ko yung cellphone ko may nagtext.
From: My only one.
Goodmorning din. So early but I'm not in my mood to sleep again.Tangina! Gising na sya. Pupuntahan ko na ba sya? Hindi teka lang tanungin muna natin.
To: My only one.
So whatcha doing.Wala pang isang minuto nagtext na sya.
From: My only one.
Kumakain, kanina pa ako nandito sa kusina. Naka uniform na nga ako. Wala nakong magawa sobrang bagal ng oras -,-Talaga? Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa.
To: My only one.
Puntahan na ba kita?Saktong pagkasend ko nun. Nareceive ko na yung text nyang bago.
From: My only one.
Have you eaten your breakfast?Magtatype na sana ako nung nagtext nanaman sya.
From: My only one.
Sure, I'll wait for youDali dali akong lumabas dala ang motor ko at bag. Nasa ilalim yung isang helmet na pink at suot ko naman yung black dala ko nadin yung gamit namin para sa baking subject mamaya. Hindi na ako nagreply sakanya kase sobrang sabik na akong makita sya.
Pagkarating ko sa kanila ay nagdoorbell na ako. Saglit ako naghintay.
Wala pang tatlong minuto ay nakabukas na ito. Nakita ko ang maganda nyang ngiti sa kanyang maninipis na labi.
"Goodmorning" Sabi nya at nagsimula ng maglakad.
"Mas maganda ka pa sa umaga" I whispered.
"Ha? Did you say something?" She asked.
"Ahm. Nope sabi ko di pa ako nagbreakfast" What the? Bakit ganun pa yung reason ko.
"Sabay na tayo!" Masayang sabi nya pagkapasok namin sa main door.
"Ah nope. Ok lang ako kahit di nagbreakfast" Sabi ko at nginitian sya.
"Ano kabaaa!! Kumain ka na or else di na ako sasabay sayo" Tsss. Sana ganyan kadin pag naging girlfriend na kita.
Umupo nalang ako sa dining table nila. Sya lang ang gising at iilang mga maids. Bakit ang aga nyang nagising. Should I asked her?
"Bakit ang aga mong nagising?" I was shocked. Tinanong nya to saakin out of no where. Sasagutin ko ba?
"Maaga talaga akong nagigising" Sabi ko sakanya ng nakatingin daretcho sa kanyang mga mata. Her eyes was so beautiful. Parang lahat ng bagay na tignan nya ay inlove sya.
"Ahm ok" Sabi nya na tumatango pa. "You don't want to asked me why I woke up this early?" She asked.
"Soo.. Bakit ang aga mong nagising?" Tanong ko. Ngumiti sya dahilan ng pagkawala ng mata nya. Ang ganda nya talaga pero hindi ang kagandahan nya ang naging dahilan upang mahalin ko sya.
BINABASA MO ANG
Fight for us
RandomAng pagmamahal ba ang susi sa lahat? Paano kung ang pagmamahal na yon ay yun din ang dahilan ng pagkawala ng buhay ng isang tao? Itutuloy mo paba ang relation na sabay nyong ibinuo? Enjoy Reading💖