Chapter 11: Crush.
Hindi ko ng magawang sumigaw kapag nakakagoal si Rain. Paano kasi nakakahiya yung lumabas sa bibig ko at yung isinigaw ni Rain.
Nakakagoal parin sya 11-0 na nga e. Nasa kalaban ngayon yung bola. Hawak nung teka? Yun yung kumukuha ng number ko kanina a?
Nilalaro nya yung bola sa paa nya hanggang sa bantayan sya ni Edward. Nabigla ako dahil nalampasan nya ito at ngayon one on one nalang sila nung goal keeper, sinipa nya ito pero hinarangan yon ni Rain gamit ang ulo. Nanginig ang katawan ko dahil sa sunod na nangyari. Natumba si Rain.
Tumakbo ako papalapit don at pinagkumpulan nila si Rain.
"Kuya ayos ka lang?" Tanong nung kumukuha nang number ko, kay Rain.
"Oo ayos lang, mali lang ang pagbagsak" Saad nito nakahiga parin sya sa grass.
"Rain ayos kalang? walang masakit sayo?" Tanong ko sakanya.
"Aray aray ang sakit" Sabi nito. Nagalala ako at tinignan yung paa nya.
"Saan ba? Sabi ko kasi walang papainjur!" Sabi ko sakanya at hinampas ang dibdib nya.
"Dito masakit o" Sabi nya at tinuro ang pisngi nya. "Halikan mo nga para mawala yung sakit." Saad nya hinampas ko ulit sya sa dibdib na ikinatawa nya at ng mga kateammate nya.
"Ano ba yan cap pinagalala mo kami!" Sabi ng mga iilang teammates nya.
Tumayo si Rain at medyo tumalon talon pa. Medyo inikot nya yung ankle nya.
"Yung totoo, walang masakit sayo?" Tanong ko. Umiling naman sya.
"Wala basta nandyan ka" Sabi nito at ngumiti. "Balik kana dun sa benches mainit!" Sabi nito at lumakad. May puno kasi dun sa mga bleachers kaya gusto gusto nung mga nanunuod dito kase fresh yung air dahil sa puno.
"Anong balik ako? Balik tayo sa bleachers!" Saad ko.
"Tayo? Kakaligaw ko palang sayo tayo na agad?" Saad nya. Kapal ng mukha. Hindi ko nalang sya pinansin kung ano anong pumasok sa isip nya.
Habang lumalakad kami sa bleachers ay kasabay namin yung kumukuha nung number ko kanina. Bale nasa right side ko sya at si Rain nasa left side ko, inaalalayan ko kasi sya maglakad dahil sa natapilok nya, ni hindi nga nya ako hinawakan ih. Ewan ko ba dito kahit akbayan lang ako para sana alalayan sya, ayaw nya tsk.
"Kuya, ang ganda ng girlfriend mo crush ko sya" Nabigla ako dahil sa sinabi nung kumuha ng number ko.
"E kung sapakin kaya kita? Para makahanap ka ng iba?" Sabi ni Rain dun sa kateammate nya.
"Pwede rin basta turuan mo ako ng damoves mo ha?" Sabi nito na tinanguan naman ni Rain.
Tumakbo pabalik sa field yung kateammate ni Rain. Hindi muna maglalaro si Rain dahil medyo iika ika sya kung maglakad, napansin ko mukhang bata pa yung kaninang teammate ni Rain na kumuha sa akin ng number? Ewan.
"Magkakilala kayo?" Tanong ko kay Rain.
"Si Clyde?" Tanong nya at tumango naman ako kahit hindi ko naman ito kilala "Oo nagtratry out sya para sa team tsaka nag pakilala kami kanina kung sakaling matanggap yung iba," Sabi nya at tumango ulit ako.
"Anong grade na sya?" Tanong ko sakanya, tinignan nya naman ako ng seryosong mukha. "Ba-bakit ka-ka ganyan tu-tumingin?" Pautal utal na tanong ko.
"Magtatanong ka na nga lang ng mga bagay na tungkol sakanya, sa akin pa talaga? Alam mo namang may crush sayo yun" Saad nya.
"Masama bang magtanong?" Tanong ko. Umiling naman sya.
"Hindi naman masama kaya lang alam mong crush ka nya at manliligaw mo ako sa akin ka pa magtatanong?" Sabi nya. Napagbuntong hinanga nalang ako. "Grade 9 na sya, wag mong patulan child abuse" Sabi nya at nagiwas ng tingin sa akin, binalingan nya ng attention ang mga naglalaro.

BINABASA MO ANG
Fight for us
RandomAng pagmamahal ba ang susi sa lahat? Paano kung ang pagmamahal na yon ay yun din ang dahilan ng pagkawala ng buhay ng isang tao? Itutuloy mo paba ang relation na sabay nyong ibinuo? Enjoy Reading💖