Chapter 14

58 1 0
                                    

Chapter 14: Ready

Lianne's PoV

Nakatayo lang ako sa kinatatayuan ko at wala akong balak na magresponse sa sinabi nya. Oh god! It kills me.

Humakbang sya papalapit sa akin.

"Lagi mo yon tatandaan" Sabi nya at umalis. He left me dumbfounded.

Pumasok na ako sa room. Tinignan ko ang mga classmate namin. Bilang lang sa mga daliri kung ilan kami.

Pumunta ako sa upuan ko at kinuha ko ang bag ko, magdiditch ako. Pagkalabas ko at dinial ko ang number ni Ayien. Ilang ring pa bago nya ito sinagot.

[Shit, ano ba! bakit ka ba tumatawag ng gantong oras? May klasi kami at muntik na akong mapatalsik sa subject namin ngayon dahil sayo.] Sagot ni Ayien sa telepono.

"Hehe, Sorry" Pagpapaumanhin ko.

[Ok lang, pero dapat magtext ka muna bago ka tumawag para ma orient mo naman ako] Sagot nya.

"Yien, meet tayo later ok lang?" Tanong ko.

[Sure, Why not? Saan?]

"Sa may Candy Wrap Cafe" Sabi ko.

[Ok, I'll meet you there at 4:10, bye na nagquiquiz na] Sabi nya.

"Ok bye, see you" Sabi ko at pinatay ang call.

Pumunta muna ako sa Cafeteria dito sa luob ng school para bumili ng muffins, bumili ako ng isang bundle para makakain lahat ng kateammate ni Rain at pati na rin ako. Umorder din ako ng Frappe para sa akin.

Pagkatapos non ay dumaretcho na akong field. Nakita na agad ng mata ko si Rain na nakakunot ang nuo dahil sa init.

Pumito ang coach nila na hudyat na water break. Agad kong pinuntahan si Tito Fred para sa mga muffins na dala ko.

"Tito o" Sabi ko sabay abot nung bundle. Ngumiti naman sya sa akin.

"Thanks, pamigay mo na lang sa football team" Sabi nya at lumakad papunta sa isang goalkeeper nila itratrain nya siguro lalo.

"O andito pala yung muse natin" Sabi ni Clyde.

"O guys para sainyo" Sabi ko at inabot kay Clyde para ipamigay ang muffins.

Hinanap ng mata ko si Rain at nandon pa rin sa field at naglalaro parin ng bola.

"Anong ginagawa nun?" Tanong ko kay Jerome nang dumaan sya sa harap ko.

"Ewan ko jan, lagi naman yang ganyan pag water break hindi umiinom at nagpapahinga pero pagsinabi ni coach na maggagame na andami nyang iniinom" Sabi nya.

Pumunta ako sa gawi ni Rain para kausapin sya dala ang isang muffins.

"Muffins?" Sabi ko at iniabot sakanya pero hindi nya kinuha.

"It's not a muffins it's cupcake" Sabi nya at itinigil muna ang paglalaro. Nabigla ako sa sunod na nangyari.

"Holyshit" Mura ko ng hinubad ni Rain ang Jersy nya at tinakip sa ulo ko, Bakit ganun ang bango nya padin kahit na pawisan na sya. Shettt 6 packs abssss!

"Wag ka sabe sa mainit" Sabi nya at sinamahan akong maglakad papuntang bleacher.

"Muffins?" Sabi ko sakanya at inaabot ulit ang muffins sakanya. Umiling ito bilang sagot. "Say ah?" Sabi ko sakanya at nilapit ang muffins sa bibig nya, iniwasan nya naman ito. "Ah? Please?" pagpupumilit ko, ginawa narin naman nya.

Lumapit sya sa addidas nyang bag na nasa benches at kinuha don ang gatorade. Tumabi ako sakanya at binigay sa kanya ang jersy nyang kulay yellow.

Binuksan nya ang gatorade na nagmomoist at ininom. Pagkatapos non ay kinuha nya ang towel nya para ipunas sa mukha at katawan nya. Ang gwapo talaga ni Rain, no wonder kung bakit andami nyang fans. Matangos ang ilong, matangkad, medyo maputi, mahaba ang pilik mata, red lips, perfect jawline, pure black na buhok na mas nagpatingkad ng kanyang kaputian at higit sa lahat yung brown nyang mata pero mas nakakahumaling yung abs--- Ano ba yan bakit ko pinapantasyahan si Rain?

Fight for usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon