Chapter 28: Valentines (Part 3)
Lianne's PoV.
Nagbihis na akong ng aking long gown. Pagkalabas ko sa comfort room ay sinalubong ako ng matatamis na halik ni Rain pero sa nuo, ilong at pisngi lang, hindi nya pinapadapo sa lips. Ewan ko kung bakit. Hinawakan nya ako sa dalawang siko ko at hinarap.
"You're mine ok?" Seryosong tanong nya sa akin habang nakatingin sa mata ko. "You're mine right?" Tanong nya ulit. Tumango ako. "Nah, gusto kong marinig yun mula sayo. You're mine right? You're mine no matter what happen" Saad nito.
"I will always be yours, even the world turns their back on us, I will always be yours and you will always be mine" Sabi ko at niyakap sya. "Naalala mo nung February 10?" Tanong ko sa kanya. Naramdaman ko yung pagtango nya. "Lagi mong tatandaan yung sinabi kong 'I will never stop loving you' kahit na anong mangyari, tandaan mo yun" Sabi ko sa kanya at mas lalo panghinigpitan ang yakap sa kanya.
"I.. I can't breath" Sabi nya. Napangiti naman ako dahil doon.
"May nagsabi kasi sa akin na ang ibig sabihin ng 'I can't breath' ay 'I love you'. I love you too Rain" Sabi ko at mas lalo pang hinigpitan ang yakap sa kanya.
"Bae! Hindi talaga ako makahinga!" Sabi nya. Nabigla naman ako kaya bigla ko syang binitawan. Naramdaman ko naman ngayon ang pagiinit ng pisngi ko.
"So-sorry" Pautal utal na sabi ko. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi.
"San mo nakuha yon?" Tanong nya. Tinaasan ko sya ng kilay para magbigay ng what-do-you-mean look. "The I can't breath something" Sabi nito at inilagay sa pants nya ang kanyang dalawang kamay. Suot ko na ngayon ang napakagandang red gown ko na pinili ni Rain sa akin at suot ko rin naman ang hills kong six inch ang taas. Nakasuot naman sya ng toxudo at nakablack shoes sa ibaba. Parang isasayaw sya sa isang debut. "You know what?" Taas kilay nyang tanong.
"What?" Kunot noo kong tanong sa kanya.
"You look so gorgeous-- Ugh!!! I'm so stupid for picking that gown for you" Sabi nya at ginulo ang buhok nyang pure black ang kulay. Tumawa ako dahil sa naging reaction nya. Lumapit ako sa kanya at inayos ang buhok nito sa dati nyang hati.
"Sabi ko sayo kanina, sayo lang ako, sayo, sayo lang, sayo lang" Sabi ko habang inaayos parin ang buhok nya. Nakatingkayad ako habang ginagawa ko yun dahil mas matangkad si Rain kesa sa akin hanggang shoulders nya lang ako.
"You're too close to me, make some distance" Sabi nito. Natigilan ako sa pagaayos ng buhok nya at tumingin ako sa mukha nya. Konting inch na lang at magkakahalikan na kami. Muntik na akong mapatalon ng hinawakan nya ang bewang ko at inilayo ako sa kanya.
"Uy! May eksena palang ganyan dito" Bati ni Ayien sa akin. Lumapit ako sa kanya at bineso sya. Kasama ni Ayien si Ate Yunah.
"I liked your gown sis" Sabi ni ate Yunah sa akin at hawak ng bahagya sa aking dress.
"Si Rain nagpili dito ate" Sabi ko at tumungin kay Rain.
"Oo, mas maganda pa syang mamili ng damit kesa sa akin. Minsan nga iniisip ko kung bakla ba sya o hindi, nung bumalik sya sa amin at nagbonding kami nako ang gaganda ng mga napili nyang damit para sa sarili nya. Magdududa sana ako na bakla yan kaya lang grinerfriend ka e" Sabi nito at ngumisi ng nakakaloko.
"Ate" Tawag ni Rain sa kanya at niliitan pa lalo ni Rain ang singkit nyang mata. "Where's kuya Migs?" Tanong nya.
"Can't you hear his voice?" Sarkastikong tanong ni ate Yunah.
"Make me alive, make me safer, make me feel" Yan ang kinakanta ng mga banda sa stage at kasama don si Kuya, Edward at Jerome
"Ladies and Gentelmens" Sabi ng coordinator at pumalakpak. "Magline na kayo, kayo na nyan. Yung girls sa left side at yung boys sa right, ramrampa ha? Mauuna ang lower grade" Sabi nya na ginawa namin. Ngayon, twenty nalang kami at mamaya eight nalang kami, four sa boys at four sa girls.

BINABASA MO ANG
Fight for us
RandomAng pagmamahal ba ang susi sa lahat? Paano kung ang pagmamahal na yon ay yun din ang dahilan ng pagkawala ng buhay ng isang tao? Itutuloy mo paba ang relation na sabay nyong ibinuo? Enjoy Reading💖