Chapter 5

69 4 0
                                    

Chapter 5: Unforgettable love

Rain Clifford's PoV.

Pagpasok ko palang rinig ko na yung tawa nung dalawa. Dalawa lang yan e. Baka nanunuod ng porn o kaya nagaasaran. Yan naman yung daily routine nilang dalawa e.

"O gago! Bat ngayon ka lang?" Tanong ni Jerome.

"Nagenjoy yan sa paggrogrocery nila ni Lianne" Dagdag ni Edward. Tsk. Hell yeah nagenjoy nga ako. Magtatagal pa sana ako dun kaya lang andun bestfriend nya.

"O pre, Silence means yes" Sabi ni Jerome. Mga gago talaga. Umiling nalang ako habang natatawa.

Umupo ako sa sofa at nanuod din. Tangina tama ako porn nga yung pinapanuod nila. Kinuha ko yung remote at inilipat sa Disney Chanel. Sakto Phineas and Ferb.

"Ts! Yan nanamn" Sabi ni Jerome at inom ng juice.

"Magsawa ka naman jan pre!" Sabi naman ni Edward. "Hindi porket yan yung pinapanuod nya nung una mo syang nakita, di mo na titigilan yan." Dagdag ni Edward.

Flashback

Nilalakad ko lang ang school namin dahil medyo malapit lang naman. Kesa naman mag motor ako e di pa pwede pano kung makasagasa ako? I'm just grade 8 and 14 years old for pete's sake. Wala pa akong license.

Palabas nako ng Village ng may makalimutan ako. Yung assignment ko.

Dali dali akong tumakbo pabalik sa bahay ng may makabanggaan akong babae. Tumayo ako agad at tinignan sya. Nakita ko ang hawak nyang cellphone at nagplaplay ang Phinease and Ferb. Kaya pala nagbangga kami, Kasi di sya tumitingin sa dinadaanan. Tinulungan ko syang tumayo.

"Thanks" She said then her cheeck splash and a smile was mark on her precious lips. She's so lovely.

End of flashback

Simula non sinundan ko na sya kahit saan sya magpunta. Mukha nakong tanga sa kakasunod sa kanya. Pero simula non hanggang ngayon di ko parin makalimutan ang pagibig ko sakanya.

"Unforgettable love pare!" Sabi nilang dalawa sabay apir at tawa. Di ko nalang sila pinansin at humiga nalang ako sa sofa.

"Tigilan nyo'ko mga gago"

Kinuha ko ang cellphone ko chachat ko nalang si Lianne kasi wala akong load ngayon tutal nakakonekta naman yung Wifi nina Edward sa Cellphone ko.

Lianne's PoV

Umalis na si Ayien dahil may gagawin pa daw sya. Ako free day ko ngayon.

Paakyat nakong kwarto ng bumakas ang maindoor. Iniluwal nito si Kuya.

"Kuya!" I said while approaching him.

"How's school?" He asked tapos ginulo nya buhok ko.

"Fine" Matipid na sagot ko.

"Fine? Yun lang?" He asked.

"Ode ok. Masaya maganda my new friend" Sabi ko.

"Friend? Si Clifford Salazar ba yung sinasabi mo?" sabi nya. I was shocked! Di ko alam na kilala nya si Rain.

"Paano mo alam kuya?" I asked. "Bakit alam mo pangalan nya?" Dugtong ko. Ngumiti sya sakin.

"Nakikita ko kayo. And. Matagal ko na syang kilala" Sabi nya. I. Am. Totally. Shocked!.

"But... How?" I asked again for the nth time.

"I was grade 10 nung nakilala ko sya. Grade 7 palang sya nun ang cute cute nya pa." Panimula nya. "Brinake ako nun ni Roxane nung araw na nakilala ko sya. I was like a walking dead. Walang buhay. Walang gana" He's stop.

Fight for usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon