Chapter 16: Surprise.
Lianne's PoV
Pagkatapos ng baking subject namin ay hindi na ako nagabalang kausapin si Micha. Alam kong gwapo si Rain pero patayan? E kung sya kaya patayin ko?
"What are you thinking?" Tanong sa akin ni Rain. Nandito kami ngayon sa SM mag aarcade kami ulit.
"Ah, Nothing" I lied. Pumasok na kami sa World of Fun at bumili ng ticket.
"Wait for me here" Sabi ni Rain sa akin at umalis. Umupo muna ako sa isang kabayo dito yung sinasakyan ng mga babies, wala sa akin yung mga coin ticket kinuha lahat ni Rain lahat. Ewan ko ba don.
Ilang minuto din ako nagantay kay Rain hanggang sa nagpasya na akong hanapin sya dito sa luob ng Arcade.
Lakad ako ng lakad sa Basketshooter at sa Car racer wala akong nakitang anino ni Rain. Lumakad ako ulit pero may tumakip ng mata ko.
"Where do you think you're going?" Tanong nya sa akin.
"Hinahanap kita ano ba? San kaba nagsususuot?" Tanong ko sa kanya at tinananggal ang pagkakatakip ng kamay nya sa mata ko. "OMG!!!" Sigaw ko at kuha ng stufftoy sa kamay nya. "Paano mo nakuha diba may daya yon?" Tanong ko sa kanya.
"You will never got it untill you try it" Sabi nya sa akin at kumindat. "Where do you want to eat?" Tanong nya.
"Ayokong kumain, Tara frappe nalang tayo?" Suhestyon ko na ikinatango nya naman.
Hinigit ko sya papuntang Starbucks at pumila na sa counter. Nung kami na ang mag oorder ay naglabas na ako ng pera.
"Two grande strawberry frappe" Sabi ko.
"Kakainin po ba dito or to go na po?" Tanong ulit ng counterer.
"To go na" Sabi ko.
"Ma'am ano pong pangalan ang isusulat ko?" Tanong nung counterer.
"Ahm--"
"Rain and Jazz" Inunahan ako ni Rain. I just rolled my eyes on him at tinawanan nya lang. Nilabas ko ang pera ko at iniabot ang bayad kaya lang pinigilan ako ni Rain.
"If I'm with you wag kang maglalabas ng pera ok?" Pagpapaalala nya.
"Pero--"
"No buts" Sabi nito at binigay ang pera.
"I received one thousand" Sabi nung counter.
"Keep the change miss" Sabi ni Rain at chineck ang cellphone nya. Nakaka shock! Keep the change? Bigla bang yumaman si Rain?
"Ok sir, pakihintay nalang po yung order nyo don" Sabi nung counterer.
"Kuya Migs texted me if anong oras daw kita iuuwi" Sabi ni Rain sa akin.
"Ano namang reply mo?" Tanong ko sa kanya.
"Sabi ko hindi na kita iuuwi papakasalan na kita" Sabi nito at tumawa.
"Ma'am, Sir eto na po yung order nyo, enjoy po, By the way, Bagay po kayo" Sabi nung nagbigay sa amin ng order at nginitian kami.
Hindi nalang namin pinansin yung sinabi nung babae at umalis nalang kami ni Rain don.
Pagkarating namin ng bahay ay bumaba na ako ng mio ni Rain at nagpaalam sa kanya. Hawak hawak ko parin yung sutfftoy na kulay black na octopus. So cutie.
Umakyat akong kwarto at itinabi ang stufftoy pagkatapos non ay dumaretcho sa banyo para maghilamos. After non ay sinuklay ko ang lampas shoulder kong kulay black na buhok. Buti nalang hindi ito nagblonde sa new york, hindi naman kasi ako masyadong lumalabas doon e.
BINABASA MO ANG
Fight for us
DiversosAng pagmamahal ba ang susi sa lahat? Paano kung ang pagmamahal na yon ay yun din ang dahilan ng pagkawala ng buhay ng isang tao? Itutuloy mo paba ang relation na sabay nyong ibinuo? Enjoy Reading💖