Chapter 3: I got your back.
Lianne's PoV
Walang buhay na naglakad ako papuntang Cafeteria. Feeling ko anytime matutumba na ako dahil sa sinabi sakin ng lalaking yon.
Di padin nagbabago sa school na to. Iniiwasan padin ako gaya nung grade 7. Di ko na talaga alam ang gagawin ko.
"Aray" I whispered. Sumakita ata ang ulo at
"Miss! Miss oy!" Natumba na ako. Yun nalang narinig ko at may isang pigura ng lalake na unti unting lumalabo unti unting nagdilim ang paligid.
Joaquin Miguel's PoV
She didn't know anything. Kaya dapat di nya makita ang lahat.
Flashback
I was about to kill him nung tumakbo sya palabas at nadapa. Kaagad namin syang pinuntahan.
"Ts. Nagdala ka pa ng isa pang walang puso sa school na to. Dapat di mo nalang sya pinapunta dito"
Kinuha ko yung softdrink ng isang istudyante na dumaan at patingin tingin samin. Binuhos ka sakanya ang kalahati at kinausap sya.
"Wag na wag mong idadamay ang kapatid ko. Dahil imbes na mamatay ka nalang. Papahirapan pa kita" Sinapak ko sya kaya nanlumpo ang kanyang mga paa.
I was about to punch him again nung nagsalita sya.
"Kala mo maganda ang ginagawa mo? Napaka wala mong puso!" Sabi nya at di ko na napigilan ang aking sarili na sapakin sya sa abot ng aking makakaya.
Tumilapon sya sa sahig kasabay ng pagtawag ni Lianne sa akin
End of flash back.
All my life sunudsunuran ako sakanila. Si Dad na laging gusto nya ang aking ginagawa. Kaya ko lang naman balak patayin yong lalaking yon dahil nakita nya ang pagpatay ni Dad sa mga magulang nya. Kaya ayaw ni Lianne sa Hourthage magaral dahil ayaw nyang sundin ang mga magulang namin kaya sa Villoughe nagaral si Lianne dahil ayaw nya ng ganung paraan ang pagpapalaki sakanya. Di ko alam kung bakit ako sumusunod sa kanila lalo na't alam ko ang katotohanan, dahil ba kay Lianne para di sya mawalan ng pamilya? Pati sarili ko di malaman ang dahilan.. Siguro ngayon kaylangan ko ng gawin yung tama. Baka madamay pa si Lianne sa ginawa kong kalakohan. Lalo na't alam na nila na kapatid ko sya.
Rain Clifford's PoV
Tinitignan ko sya kanina pa. Di mapagkakaila na maganda talaga sya. Simula palang ng nakita ko sya sa Huston Village sinusundan ko na sya. Isang year nalang ng pag aaral nya sa Villoughe pero nagawa nya pang lumipat. Di ko alam kung anong pumasok sa kokote nitong babaeng to lalo na kanina.
Flashback
"Kuya!" Tinignan ko ang dereksyon ni Jazz at papunta sya sa dereksyon ng kuya nya. Tss. Malaking gulo ata to.
Nakita ko silang naguusap pero hindi ko naririnig. Tinapon ni Miguel ang baso ng softdrink na hawak nya na pinambuhos nya kanina kay Joshua.
Umalis na ang tao sa grandstand na yon at naiwan nalang ako, si Jazz at si Joshua. Nakita kong tinatayo ni Jazz si Joashua pero pumiglas ito. Lumapit ako sakanila para marinig ang mga nangyayari. Bigla naman tumayo si Joshua at umalis.
Lumakad na din paalis si Jazz na tulala. Nakita ko nalang ang tuhod nyang lumambot kaya nilapitan ko sya.
"I got your back" I whisper
Nasalo ko sya mula sa pagkakatumba at unti unting ipinikit ang kanyang mata.
End of flash back.
BINABASA MO ANG
Fight for us
RandomAng pagmamahal ba ang susi sa lahat? Paano kung ang pagmamahal na yon ay yun din ang dahilan ng pagkawala ng buhay ng isang tao? Itutuloy mo paba ang relation na sabay nyong ibinuo? Enjoy Reading💖