Chapter 44

56 4 0
                                    

Chapter 44: Summer Cup

Jadaza Blythe's PoV

Sobrang saya ko na ngayon, wala na akong mahihiling pa. Masaya at kompletong pamilya, Mga kaybigan at higit sa lahat si Rain.

"GO JEROMEEEEE!!" Sigaw ni Ayien. Napatakip ako ng tenga dahil sa pagsigaw nya. Nandito kami sa benches ng field ng sports complex, Katabi ko sa magkabilang side ko sina Ayien, Xyrine at Georgina. It's finals at kalaban ng Hourthage ang Villoughe. "BABE ANG GALING MO TALAGA!!" Sigaw nya ulit. Tinignan ko si Georgina na natatawa lang. Lamang ang Villoughe sa score na 3-0 so nakagoal si Jerome and it's 3-1. Last quarter nalang at nasa 5 minutes nalang ang ginugugol nilang oras.

"Jerome" Tawag ni Ayien kay Jerome at lumapit dito. Nagpatime out kasi si Tito Fred.

"Blythe dito!" Tawag sa akin ni Tito Fred na kasama ang nakakumpol na mga football team na sa tingin ko'y nakatingin sa coaches nila. 10 lahat sila isama mo pa si Jerome na nagpapapunas ng pawis kay Ayien. "May maibibigay ka bang idea para matalo natin yung mga kalaban?" Tanong sa akin ni Tito Fred. Napangiti ako dahil kanina ko pa to gustong sabihin.

"Utakan nyo lang sila, Nauubusan na yung oras natin kaya konting bilis" Sabi ko. Limingon ako kay Jerome na hindi parin tumigil sa kakalandi. "Oy Jerome, Tigilan mo muna yan makinig ka dito" Sabi ko at iniwaksi sa hangin ang kamay ko. Lumapit naman sya sa amin.

"Kaylangan nyo nanaman ng gwapo?" Tanong nya. Umiling nalang ako sa kanya.

"Hindi natin kaylangan ang kagwapuhan at kayabangan ngayon. Mas maganda ng minamaliit tayo habang nananalo kesa naman sa nagyayabang tayo pero matatalo naman pala tayo. Mag yabang tayo pag nakuha natin ang trophy at ang mga sari sari nating medalya. Mas maganda yun tignan" Saad ko.

"So anong gagawin natin?" Tanong ni Edward. "Aish! Bakit kasi wala yung lalaking yon!" Reklamo nya.

"Ganito, Utakan nyo sila at gawin nyo yung play na ibinigay ni Tito Fred. Wag na wag kayong mawawalan ng pagasa. Kahit wala si Rain kaya nating manalo" Sabi ko at inilahad ang kamay ko sa aking harap. Ganun din ang ginawa nila. "One two three" Pagbibilang ko.

"HOURTHAGE!" Sabay sabay naming sigaw at itinaas ang kamay namin.

"Ed! Bantayan mo yung number 11 magaling magdribble yon" Sabi ko kay Edward na tinanguan nya naman. "Raven! Mata sa bola ha?" Pagpapaalala ko sa goal keeper nila. Tumango sya sa akin at nagokay sign.

"Ang galing mo naman, coach" Sabi ng isang pamilyar na boses sa likod ko. Unti unti akong humarap sa kanya at nakita kong suot nya ang uniform ng mga football team at hawak nya ang kanyang sapatos.

"Maglalaro ka?!" Excited kong tanong.

"Hindi siguro" Sabi nito at napatingin sa score board. "Hay nako hindi talaga nila kaya pag wala ako" Sabi nito at umiling iling.

"NICE ONE, CLYDE!" Sigaw ni Tito Fred kasabay ng pagsigaw ng mga tao. Tinignan ko ang score board at 3-2 na. Nakagoal si Clyde.

"Hindi nila kaya?" Sarkastioko kong tanong. Nagkibit balikat nalang sya.

"Tignan natin kung sino yung mag MMVP kahit na ngayon lang ako maglalaro" Mayabang na sabi nito. Hinila nya ako sa benches at umupo sya doon. Ako ay nakatayo lang habang pinapanuod ang mga naglalaro.

"JEROME! MATAAN MO!" Sigaw ulit ni Tito Fred. Sinusundan ngayon ni Jerome yung may hawak na bola na kanina pa padribble dribble.

"Shit" Mura ko nang nakagoal yung binabantayan ni Jerome. 4-2.

"Sorry coach!" Sigaw ni Jerome sa coach nya. Napatingin ako kay Rain na nakatingin lang sa score board. 3 minutes and 45 seconds nalang. Lumapit sya kay Tito Fred na sinundan ko naman

Fight for usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon